Nagising ako sa paulit-ulit na katok sa pintuan ng kwarto ko ng tingnan ko ang phone ko ay 4:53, magaalas singko palang ng madaling araw, kinabahan tuloy ako.
Sino naman kaya ang pupunta dito sa bahay ng ganitong oras?
Bumangon ako at tahimik na tinungo ang pintuan at dinikit ang kaliwang tenga sa pinto para makinig kung may taong kumakatok talaga, baka kasi nananiginip lang ako kanina eh.
Bahagyang napalayo ako sa pintuan ng kumatok ulit ang tao sa likod ng pintong ito. And this time natakot na talaga ako.
Naupo ako sa kama at nanginginig ang kamay na kinuha ang phone ko para tawagan si Shiero. Nabitawan ko ang cellphone ng kumatok ulit ito. Aligagang kinuha ko ulit ang phone at hinanap ang number ni Shiero. Nakailang ring na pero wala parin, hindi sinasagot, natutulog pa ata.
Nanginig na ang buong katawan ko pagkatapos ng ilang katok nito ay pinipilit na pihitin ang doorknob para mabuksan. Good thing is lagi akong nagla-lock ng pinto.
Takot na denial ko ulit ang number ni Shiero pero wala talaga ganon din si Ate Eya. Alas tres palang kasi ng madaling araw umalis si ate kaya mag-isa nalang ulit ako.
Nangingilid na ang luha ko dahil sa takot pero pinipilit na lakasan ang loob. Ng hindi nito mabuksan ang pinto ay kumatok ulit ito.
Niyakap ko ang aking tukod at nanginginig sa takot na paulit-ulit na dena-dial ang number ni Shiero nagbabakasakali na magising siya at sagutin ang tawag.
Naluluha na ako sa takot pero pinipigilang mapahikbi at makagawa ng kahit kaunting ingay.
"Chen?" nabitawan ko ang hawak na cellphone ng marinig ko ang mahinang boses ng taong kanina ko pa tinatawagan. "Chen...gising ka na ba?" anito. Wala sa sariling napakawalan ko ang paghikbi at dali-daling binuksan ang pintuan at bumungad nga sakin si Shiero na naka pajama at puting sando.
Nagulat siya ng makita ang takot na itsura ko. Agad akong yumakap sa kaniya sa una ay nabigla siya pero yumakap rin pabalik.
"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sayo ba't takot na takot ka?" nagaalalang tanong niya pero nagpatuloy lang ako sa paghikbi habang nakayakap sa kaniya. Ngayon ko lang narealize na sobrang takot pala talaga ang naramdaman ko. "Chen." tawag niya sakin habang hinahaplos ang ulo ko.
Kusa akong humiwalay at naupo sa gilid ng kama ko ng makatahan na.
"Hala! Natakot ba kita?" aniya ng marealize niya.
"Sobra..." saad ko habang tinutuyo ang mga luha sa pisnge ko. Nawala na ang takot ko at hindi na rin ako nanginginig dahil kasama ko na si siya. "Akala ko kasi kung sinong may masamang intensiyon o di kaya multo, eh." natawa naman siya.
"Sorry! Hindi ko kasi nadala ang phone ko kaya di kita natawagan."
"Kaya pala. Ilang beses kitang tinatawagan pero walang sumasagot kala ko tulog kapa kaya di ko naisip na ikaw iyong kumakatok, kaya natakot ako.."
"Sorry na. Hihihi!"
"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Madaling araw palang baka sakali di mo nakikita!"
"Ng magising kasi ako kaninang ala una ay di na ako nakatulog hanggang ngayon kaya naisipan ko--"
"Na guluhin ako. Ganon? Tinakot mo pa ako ng sobra..."
"Hindi ganon, sorry na hehe. Pero parang ganon na rin except sa tinakot kita, di ko naman alam na matatakot ka pala eh!"
"At sinong hindi? Ang isiping may kumakatok sa pinto ng kwarto ko at madaling araw pa, anong ene-expect mong magiging reaction ko?"
BINABASA MO ANG
The Love Of East
FanfictionHis love for Zuri makes him a stronger man with full of determination in life. He is East Tyzon Cullen and because of his love for Zuri even the impossible way he was able to make it possible just so he could win Zuri's heart back again.