Chapter 18
**
Ano bang karapatan kong magalit sa kaniya? Ano bang karapatan kong magselos at masaktan? Nililigawan niya pa lang ako, hindi ko pa naman siya boyfriend. Hindi pa namin pagmamay-ari ang isa't isa kaya puwede niya pang gawin ang gusto niya.
Nakatingin lang ako kanina pa sa cellphone ko. Hinihintay na sa bawat notification ay si Natanius 'yon pero hindi. Lumipas ang limang oras pero walang message galing sa kaniya. Tatlong oras na lang matatapos na ang klase pero hindi nagpakita sa harapan ko si Natanius.
Napabagsak ang mga mata ko.
This is what I'm saying. I don't wanna love him, I don't want to fall for him. Kaya ganoon ang ginawa ko, pinilit kong pinakita sa kaniya na kahit kailan hindi ko siya magugustuhan pero natalo rin ako. 'Yung pag iwas at pagsusungit ko sa kaniya araw-araw, napunta sa pagkahulog.
Alam ko sa huli ako lang ang masasaktan lang dahil alam ko na may hinihintay siyang bumalik. And that was his ex-girlfriend. Ang babae na kauna-unahan niyang minahal.
He just used me to forget about her. Maybe. Puwede pero hindi ko sigurado. Uto-uto lang siguro ako dahil akala ko hindi ako mahuhulog sa kaniya pero nangyari. I already love him with all of me.
I hardly wiped my tears. Umiiyak na naman ako ng hindi ko namamalayan. Kinuha ko ang panyo na binigay sa'kin ng lalaki kanina at pinunas sa mga mata ko.
The next day, there's still no sign of Natanius. He never left a message to me. 'Yun na 'yung last na nakita ko siya... Masaya siya na bumalik ang unang babaeng minahal niya.
"Nille..." Nakit ko kung gaano kalungkot ang mukha ni Eurika nang malaman niya na ex-girlfriend ni Nat 'yon.
I faked my smile, "Okay lang ako. Hindi ko naman siya boyfriend kaya wala akong karapatan." My voice cracked.
Umiling sa'kin si Eurika, "Nope. That's actually wrong. The moment he courted you, you're already committed to him. May label man o wala, basta sinabihan ka na mahal ka may karapatan ka ng magselos, magalit, or what. Hindi dapat na hahayaan mo lang 'to, Nille!"
"Hinintay niya lang na bumalik..." I pressed my lips, anytime tutulo ang luha ko, "Namiss niya lang siguro ang may ka-relasyon kaya ginamit niya ako."
Tipid akong tinignan ni Eurika at umiiling-iling pa. "You're not sure about that. Mas maganda kung mag usap kayo. Huwag mong i-invalidate ang nararamdaman mo."
Huminga ako ng malalim. Inisip ko kung tama pa bang kausapin ko si Natanius dahil obvious naman na tapos na siyang maging masaya sa'kin kaya babalik na siya sa ex-girlfriend niya.
Ang sweet nga nila kanina e.
Sana lahat ganon.
Sana sa'kin din.
Pahawak-hawak pa sa buhok. Akala naman nila ang ganda nilang tignan sa ganoong posisyon? May patawa-tawa pa silang nalalaman. Masaya ba sila sa pagkikita ulit nila?
"Nikkisha Nille, you're very beautiful. Kung Natanius lang ang mananakit sa'yo, hindi siya kawalan. Ang dami-daming nagkakagusto sa'yo, ano ka ba?"
"I love him." I finally said it. "I let him court me because I already fell."
Eurika smiled, "Alam mo? Puro ka duda, malay mo magkaibigan na lang sila. Si Natanius lahat ang makakasagot ng tanong mo. Huwag kang matakot na magtanong sa kaniya, you deserve an assurance."
Tumango ako, "I'll talk to him."
"Hindi mo deserve matulog ng gabi na may hinanakit. Na iniisip mo na hindi ka enough at worth it. Okay? Fix yourself." Paalala niya bago niya ako iniwan sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
Maybe Someday (Demercibal Series #3)
RomansaPopular. Beautiful. Sexy. Charming. Ilan 'yan sa katangihan ng isang Nille Hermosa na nag aaral sa Davisian University. Madaming lalaki ang humahanga sa kaniya at kaliwa't kanan ang pagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak, love letter, at kung ano pang...