Chapter 7

17K 441 9
                                    

HUNKS SERIES1
THE LAST WILL
"HOMER"
BY:EMMZ

"Ano ang ibig mong sabihin attorney?..., nanlalaki ang mga matang tanong ni Homer kay attorney Samuel..

"Homer iho gaya ng sinabi ko dapat ay naririto kayong lahat pati si Lyn ngunit maliban nalang kay Hanna dahil nasa malayo siya at kailangang marinig ninyong apat ang naka saad sa mga testamento ng inyong namayapang ama... At dapat din ninyong igalang kung ano man ang naging pasya nito ayon sa nakasulat at lahat sa inyo ay binigyan niya ng nararapat ayon sa kanyang pasya.. At walang sinuman sa inyo ang nakalalamang..., Lahat kayo ay pantay ang pagbigay niya ng ari arian dahil maliliit palang kayo ay pinaghirapan na niyang itayo ang kanyang mga ari arian na ngayon ay mapapasakamay ninyo.... salaysay ni attorney Samuel sa mga nandoon..

"Attorney wala naman po akong dapat na ariin sa kayamanan ni papa dahil sampid lang naman ako sa kanilang pamilya at tama na po sa akin ang kung ano ang naitulong niya at ang pagmamahal na naibigay niya sa akin kaya siguro ay pwede na akong umalis!!.... ani Lyn sabay bitbit ng dalahan nito...

"Huh nag iinarte kapa eh yun naman ang dahilan kung bakit mo pinakasalan si papa diba?.... nangungutyang turan ni Homer kay Lyn na siyang nagpainit ng ulo nito...

"Hoy lalaking hambog!.. hindi ko hinangad kailanman ang yamang hindi naman sa akin dahil kahit nanlilimahid lang ako ay mayroon naman akong hiya na hindi kagaya mo!... bulyaw ni Lyn kay Homer na mas lalo namang ikinagalit nito...

"Wag na wag mo akong matatawag na hambog dahil hindi mo pa ako kilala!.. at wag ka na kasing magkaila pa dahil mapapasakamay mo na ang pinakamimithi mong kayamanan ng aking papa!.... muling saad ni Homer kay Lyn...

Halos magtabingi na ang leeg ni Hilda sa kalilingon sa dalawang nagbabangayan kaya naman sa inis ay...

"Ano ba!!!.. para kayong mga aso't pusa daig niyo pa ang mga batang paslit sa hitsura ninyo!... ni hindi na kayo nahiya!.. May taong nanunuod sa inyo at parang ipinagmamalaki niyo pang nagbabangayan kayo sa harapan ng ibang tao... hindi nakapagtimping sigaw ni Hilda sa dalawa na ngayon ay natameme...

"Pasensiya na kayo attorney at Hilda dahil sinasabi ko lang naman ang totoo na wala akong pakialam sa anumang ari arian mayroon si papa dahil hindi naman ako kabilang sa pamilya ninyo sapat na sa akin ang itinuring niya akong isang kapamilya ngunit ngayong wala na siya ay hindi narin ako magtatagal pa sa bahay na ito uuwi nalang ako sa amin dahil alam kong magiging impiyerno lang ang magiging buhay ko rito pag nagtagal pa ako rito ng kahit ilang araw lang at yun ang hindi ko mapapayagan dahil baka makapatay lang ako ng tao rito..... wika ni Lyn na may kasamang pasaring para kay Homer...

Naiiling si attorney sa bangayan ng dalawa kaya bago pa maging world war 3 ay agad na niyang niyayaya ang lahat na maupo sa sofa at saka nito binuksan ang kanyang suitcase na maliit na naglalaman ng mga dukomentong napakarami at saka binusising mabuti ang mga papeles at dahan dahang inilabas ang nasa isang folder....

Muling tiningnan ni attorney ang bawat isa sa mga kasamahan niyang nakaupo sa sala partikular na ang dalawa na akala ko ay tigre kung magbangayan...

Una niyang inilabas ang dalawang papeles at saka sinipat na mabuti ang bawat isa at maya maya pa'y..,

"Ahemm!..sa inyong mga anak ni don Marcelo dahil ikaw ang panganay Hilda at ikaw ang nasa malapit aa lugar na ito kaya sayo ibinigay ng inyong papa ang hasyenda sa Davao na sana ay mapanatili ninyong mag asawa ang pangangasiwa nito dahil para sa inyong kabutihan at kinabukasan ang ari ariang ito na pwede pa ninyong ipamana sa magiging mga anak ninyo balang araw basta palaguin ninyong mabuti para naman kahit papaano ay maipamana pa ninyo sa mga magiging anak ninyo!... saad ni attorney sa mag asawang Willie at Hilda...

"Wala kayong dapat na ikabahala attorney dahil hindi po namin pababayaan ang bigay na ito ng papa at umasa kayong pagbubutihin namin na mag asawa pagpapalago sa iniwang kabuhayan para sa amin ng papa at salamat po attorney sa palaging pagsuporta sa amin.... ani Hilda at Willie...

"Walang anuman sa inyong mag asawa!... ang para naman kay Hanna ay ang Resort sa Palawan at nasabi ko na sa ka nya wala ng dapat pang ikabahala...

"ok lang naman attorney walang problema sa amin kaya wala kang dapat na alalahanin at nasa tamang edad na rin kami para sa mga ganitong mga bagay....ani Hilda saka binalingan nito sina Homer at Lyn na pawang tahimik lang sa isang tabi.....

"Salamat naman kung ganoon iha!... At kayo naman Homer at Lyn!.... baling ni attorney sa dalawa na ikinalingon nila kay attorney Samuel...

"Ano po ang ibinigay sa akin ng papa attorney?.... tanong ni Homer dahil hindi na nito mahintay na magsalita kaya inunahan na niyang magtanong ang attorney...

"Homer iho ang ibinigay sayo ng inyong papa ay ang mansyon na ito.,, ang casino at ang iba pa niyang negosyo dito sa kamainilaan at... hindi pa tapos sa pagsasalita si attorney Samuel ay agad ng sumingit si Homer at kay luwang ng ngiti nito na nagpasalamat sa attorney...

"Ok po attorney salamat po at gagawin ko ang lahat para mapalago ang mga negosyo ng aking papa at wag na wag kayong mag alala dahil pagbubutihin ko ang pagpapatakbo ng mga ito.... masayang turan ni Homer sa kanilang lahat...

Samantalang tahimik lang si Lyn sa isang tabi dahil hindi naman siya intresado sa mapupunta sa kanya dahil ang hangad lang nito ay ang pahalagahan siya ng kanyang kapwa na gaya ng pagpapahalaga sa kanya noon ni don Marcelo ngunit ngayong wala na siya ay labis siyang nalulungkot dahil pakiramdam niya ay nag iisa na naman siya sa dilim at walang karamay...

Natahimik sa pagmumuni muni si Lyn ng muling magsalita si attorney Samuel...

"Ah eh Homer iho salamat kung ganyan ang nasa isip mo at tiyak na matutuwa ang inyong papa sa gagawin mong ito ngunit ang lahat ng mga ibinigay na ari arian ng inyong papa sa iyo ay kahati mo si Lyn sa mansyong ito.. sa mga negosyo at maging sa casino....

"Ho!!!... halos sabay pang bulalas ni Lyn at Homer na halos ikinalaki pa ni Homer ng mga mata nito...

"Attorney bakit papaano pong nangyari na kahati ko ang babaeng ito sa lahat ng mana ko sa papa?..... biglang tanong ni Homer na nakakunot ang noo nito...

"Attorney hindi po ako papayag dahil gaya po ng aking sinabi kanina wala po akong dapat na ariin sa mana na ibinigay ni papa at kung ano man ang para sa akin na ibinigay ni papa ay ibinibigay ko na ng kusa sa kanya para wala ng gulo dahil gusto kong mamuhay ng tahimik na malayo sa mga taong magugulo.... wika ni Lyn kay attorney Samuel ngunit imbis na si attorney ang sumagot ay biglang sumabat si Homer...

"Nagpapaawa epek ka pa yata ah!... Pero hindi uubra sa akin ang mga drama mo Lyn dahil matagal na kitang bistado noong una palang kitang makita alam ko na ang pakay mo sa buhay namin kaya wag ka ng magmalinis pwede ba!....sabat ni Homer at saka tiningnan niya si Lyn na para bang tinatantiya niya ang kilos ng asawa ng kanyang papa....

"Hindi ako nagpapaawa sa kahit kanino man kaya wag na wag mo akong pagsasabihan ng ganyan at ang mga kayamanan mo ay sayo lang ng buong buo dahil hindi ko maaatim na makasama ka ng matagal sa bahay na ito at mas nanaisin ko pang mamuhay sa bangketa at maglimahid kesa makasama sa iisang bahay ang lalaking walang modo na tulad mo!... bulyaw ni Lyn kay Homer na halos mangilid pa ang kanyang mga luha sa sama ng loob nito sa binata...

"Ano ba kayo magsitigil nga kayong dalawa at ng matapos ko ng basahin ang pinakahuling testamento ng inyong papa!.... pabulyaw na saad ni attorney sa dalawa na ikinatahimik naman ng mga ito samantalang naiiling nalang ang mag asawang Willie at Hilda sa hitsura ng dalawa na daig pa ang aso't pusa...

"Pasensiya na po attorney!... hinging paumanhin ni Lyn sa attorney...

"Walang anuman iha at heto makinig kayong dalawa at ng maituloy ko na ang naudlot kong pagbabasa sa testamento...
At gaya ng sinabi ko kanina na lahat ng mayroon ka Homer ay siya ring pag aari ni Lyn at para masagot ang lahat ng katanungan kung bakit kailangang share kayo sa lahat ng ari ariang pamana ng inyong papa ay heto basahin ninyong dalawa ang nakasaad sa papeles na ito.... ani attorney Samuel saka inabot nito sa dalawa ang hawak na dalawang papeles at....

"Noo!.. attorney papaanong nangyari ito!... sabay na bulalas ng dalawa na pati si Hilda ay nagulat sa reaksiyon ng mga ito..,,

ITUTULOY!!!!...

HUNKS SERIES 1...The Last Will...HOMER...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon