Season 1 - Chapter 15: Rescue

3.9K 197 104
                                        

Somehow, the Prince's heart ached. He freaking misses his family. He badly wants to go back to Eufrata now and hug his Mom, Dad, and sister. They're probably worried about him. Kung bakit ba naman kasi naisipan pa ng kanilang guro na dalhin sila sa Abyss upang mag-ensayo. Ang lakas ng loob nito ngunit ngayon ay hindi na mahagilap.

Baka naman nahuli na ang kanilang guro at naghihintay na lang sila sa wala? Pero kahit na ganoon, hindi parin sila pwedeng umalis nang hindi kasama ang kanilang guro. Apat silang pumunta sa Abyss, nangako siyang apat rin silang babalik. Ngunit mukhang hindi ganoon ang mangyayari, dahil balak niyang dalhin ang babaeng nahuli pabalik sa Eufrata. He still doesn't know why, he just have the feeling of bringing her back to Eufrata for a reason he don't understand.


But seeing the girl in her innocence right now melts him. Isinisigaw ng konsensya niyang pakawalan ang bata, ngunit wala siyang balak na ibalik ang babae sa Abyss. Tapos na ang kaniyang desisyon, isasama niya ito.

The girl cries in desperation again.

"Hindi ka na non mapapagalitan," Si Damien na ang sumagot at nag-iwas ng tingin, "Dahil hindi na kayo magkikita."

Ganoon na lamang ang gulat ni Celestial sa sinabi ni Damien. Bigla ay gusto niya ng magwala, ngunit ni hindi nga siya makagalaw dahil nakatali siya sa puno. At wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak at makiusap na wala namang silbe.

"Ano?"

Naglaro ang mapang-asar na ngisi ni Damien at lumapit kay Celestial, "Isasama ka na namin sa Eufrata. Ayaw mo non, makakapunta ka sa pinakamagandang kaharian sa Beryllus?"

Tuluyan ng napahagulgol ng iyak ang inosenteng si Celestial habang si Damien ay nagpigil ng tawa. Sure he's having a good time annoying the girl. Humihiling siyang huwag na itong lumaki para may aawayin siya. Ano kaya kung lumaki ang batang babae? Nagkibit-balikat na lamang si Damien sa bagay na iyon, malamang ay hindi niya na makikita ang paglaki ng bata maliban na lamang kung seryoso ang Prinsipe na isasama nila ang babae pauwi sa Eufrata.

It will be fun, his life will not be the same anymore; boring and dull, because he'll be having fun annoying the girl.

Hindi na nahinto sa paghagulgol ang batang babae. Nangunot na ang noo ni Damien, gumuhit sa mukha niya ang mapait na ekspresyon nang samaan siya ng tingin ng Prinsipe na para bang may ginawa siyang kasuklam-suklam.

"Hey, stop it. Mas lalo mo siyang pinapaiyak." Saway ng Prinsipe kay Damien at lumingon sa babaeng umiiyak, "Idiot, she's crying now."

The boy who just stared at them for a minute finally spoke in annoyance of their missing mentor, "Where the hell is our trainer? Is he fvcking lost?"


Sandaling nanahimik ang Prinsipe, ganoon din ang dalawa pang lalaki. Nahinto sa pag-iyak si Celestial, nanindig ang kaniyang balahibo dahil sa kakaibang pakiramdam. Gusto niya nang magwala, sumigaw at maglupasay dahil sa kakaibang nangyayari sa kaniya ngunit pinili niyang manahimik at sabayan ang hindi maipaliwanag na pakiramdam.

She can feel something, her sense is awake and it's much stronger than of a normal. She is sure of it, something strange happened to her and it's now happening again. But stronger and sharper than earlier. She can feel her eyes emphasizing its colors, the same thing happening to the Prince.

Nang lingunin ni Celestial ang Prinsipe ay doon niya nakita ang gintong mga mata nito. His eyes emphasized its colors as well, kung kanina ay hindi niya ito gaanong nakita at napansin, ngayon ay kitang-kita niya na.

LEGENDS: Celestial Beryl (Season 1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon