🌸TVMAE 12🌸

553 47 0
                                    

♡Dedicated to leesamamtha

CHAPTER TWELVE:
Mr. EM

ANNAH POV♡


"Kahit ako sis, still shocked pa rin sa nangyayari kay Lyn," sang-ayon ni Elle sa sinabi ko. Sino ba namang 'di magugulat kapag ganiyan diba. We trusted naman Lyn.

"Wala na tayong magagawa kung hindi ang maniwala. We need to support her," sagot ko naman sa kaniya. Nandito pala kaming dalawa sa supermarket bumibili ng mga kailangan namin good for two days lang naman. Sasamahan namin si Lyn sa kanila kasi napagdesisyonan namin na ipaalam na lang sa mga magulang niya kung ano ang nangyayari sa kaniya at sabi niya may tanyag daw do'n na manghuhula sa kanila. Malaki raw tiwala niya sa manghuhula do'n sabi ni Lyn. Ipahula niya raw kung ano ang nangyayari sa kaniya. 'Di ko alam if tama ba ang gagawin niya pero we trust Lyn naman ehh.

"Kaya nga, malalaman at malalaman lang naman din natin 'yan," sabi ko sabay usog ng push cart. Nakapila na kasi kami, may tatlong push cart kaming nakuha. 'Yung iba kasi halos kay Lyn na mga gamit for pagbubuntis niya, foods syempre mga cravings and wants niya at ewan sobrang excited siguro namin na ninang bumili na kami ng gamit ni baby awiiiieee.

"Nandito naman tayo para gabayan siya diba, kahit na may mga katanungan tayo sa mga isip natin, wala tayong magagawa kung hindi maniwala at magpapatatag ng loob para sa kaniya," sabi niya naman at nilagay isa-isa ang pinamili namin sa counter.

"May suki card po ba kayo ma'am?" Tanong sa kaniya ng cashier. Dinukot naman niya ang pitaka niya at kinuha ang suki card niya.

"Ito miss," abot niya sa cashier ng makuha na ang suki card.

"May bibilhin pa ba tayo pagkatapos dito?" Kalabit ko kay Elle. Mamayang hapon ang alis namin papunta kina Lyn. Van ang gagamitin namin and salitan na lang kami sa pagmamaneho. First time kung makakapunta do'n sa kanila. Kami lang kasi ni Jane, Elle at Lyn ang pupunta. Maiiwan si Grace at Joli. Si Joli may importanteng lakad habang si Grace naman volunteer na magpaiwan, beside sa nakakapunta na siya roon, sabi rin ni Lyn na tatlo lang daw ang masasama niya dahil baka 'di kami magkasya sa bahay nila aytt, no problem may sasakyan naman diba.

"Ang kakainin natin sa biyahe?" Hindi siguradong sagot niya. Ayttt, sabi kasi ni Lyn wala raw kaming kainan na madadaanan, halos daw mga bahay, kahoy at taniman. Siguro napakabongga ng hangin nila do'n.

"Mamaya na lang pag-alis natin, sila na bahala," sabi ko na lang sa kaniya. Mahirap na kapag kami-kami lang ang nagdedesisyon diba, mas nice kapag lahat ang sang-ayon.

"8, 983.25 centavos lahat," sambit ng cashier. Grabe kasi 'to makahila ng kung anu-ano si Elle ayytt. Inabot ko sa kaniya ang credit card ni Jane, oo sagot daw niya foods namin. Hayaan niyo na marami naman din 'yong pera ehh BWAHAHAHAHA sana all diba.

After a few moments, lumbas na kami sa super market at pinalagay namin ang mga binili sa compartment ng sasakyan sa mga boy nila. Nakatatlong karton din kami. Grabe tingnan natin kung sinong di lalaki lalo ang tiyan pffft HAHAHAHA. Wala pa namang baby bump si Lyn, ilang weeks pa lang kasi kay 'di pa maumbok ang tiyan niya.

Ako na ang nagmamaneho ng sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa ni Elle sa byahe, tanging speaker at paghinga lamang ang maririnig na ingay sa loob ng sasakyan. Hindi naman din gano'n kalayo ang bahay namin sa supermarket. Mga ilang metro lang.

"Wew may delivery boy," sambit ko ng matanaw ko ito sa labas ng bahay namin. Kakaparada lang nito ng kaniyang motorsiklo.

"Wew para kanino naman kaya 'yan. May pabonggang bouquet of flowers, with a gift bag and a pack of chocolates," paliwanag ko sa aking nakikita. Siguro kay Jane 'yan, o di kaya kay Grace? Joli? Elle? Or me? Nahh di na tayo aasa sa mokong na 'yon mas gugustuhin niya pa'ng bumili ng pagkain kaysa mga ganiyang mga bagay. Sweet diba? Mahal pa ang pagkain kaysa sa akin chuss ang drama lang ammp.

The Virgin Mother At Eighteen ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon