15

1.1K 27 0
                                    

**Xerxes's Pov**

Ilang minuto nalang at mag sisimula na ang party. Sa hotel ko gaganapin ang party at nandito ako ngayon sa office ko.

Napakunot ang noo ko ng makapasok nanaman dito si Ynna.

"Ano nanaman ba ang kailangan mo Ynna?" cold na tanong ko habang inaayos ang damit ko.

"Alam ko na ang lahat Xerxes." wika nito at lumapit sakin. Inayos nya ang necktie ko

"Anong pinag sasabi mo dyan? Tumigil kana nga sa pang gugulo sa relasyon namin ni Althea " inis na sabi ko dito at inalis ang kamay nya sa necktie ko.

"Ang tungkol sa totoong Ina ni Jasmine na si Maxine at si Lucas ang tunay na ama nito." Nakangising wika nito. Paano nya nalaman ang tungkol dito?

"P-paano mo nalaman?" inis na tanong ko dito. Sa dami-daming makakaalam, bakit si Ynna pa.

"Hindi na mahalaga yun Xerxes, bibigyan kita ng pag pipilian. Ako at si Jasmin? Or si Althea?" Nakangising wika nito, Hindi ko gusto ang mga sinasabi nya.Hinawakan ko sya sa braso ng mahigpit.

"Wag mo kong subukan Ynna!" Inis na sabi ko dito.

"Wag mo kong tinatakot Xerxes! Uulitin ko! Ako at si Jasmine? Or si Althea!" Inis na wika nito at inalis ang kamay ko sa braso nya.

"Kahit kelan, hindi kita pipiliin Ynna! Umalis kana!" sigaw ko dito.

"Well kung yan ang disisyon mo wala akong magagawa. Hintayin nalang natin ang sunod na mangyayare" Wika nito at ngumiti ito bago  lumabas ng office ko.

Pabagsak akong naupo sa couch at napa hilamos sa palad ko. Bakit ngayon pa?

Hindi pwedeng gamitin ni Ynna na alas ang nalaman nya laban sa relasyon namin ni Althea. Walang nakakaalam ng tungkol dun tanging ako at si Cyruz lang.

Napasuntok ako sa lamesa ng maalala si Cyruz. Nandito sya ngayon sa pilipinas at paniguradong may ginawa si Ynna para mapaamin to.

May chance na mawala sakin si Jasmine at ibigay ito sa tunay nyang ama. Kilala ko si Ynna, gagawin nya ang lahat makuha lang ang gusto nya at hindi ako papayag na mawala sakin ang anak ko.

Gulong gulo na ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumabas ako ng office at dali daling hinanap si Ynna.

* Althea's Pov *

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam kung bakit. Naka long white dress ako, at ilang minuto nalang ay malalaman na ng lahat ang tungkol sa relasyon namin ni Xerxes.

"Oh my Gosh, ang ganda ganda mo ate" wika ni Shaine. Napangiti ako dahil sa sinabi nito.

Napansin kong may kasama syang lalaki na matangakad. I think manliligaw nya ito, they look good together. Nasa tamang edad na din namam itong si Shaine kaya ayos lang na mag boyfriend na sya.

"Salamat Shaine."

"Dapat masundan agad si Jasmine." biro ni tita Sarina. Todo ngiti naman ako sa sinabi nito.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang party.

"Gud evening laddies and gentlemen. Maraming salamat po sa lahat ng pumunta para sa big announcements for this evening" Panimula ng Mc.

"Excited na ba kayong malaman yun?" Muling tanong ng Mc.

Nasan na ba si Xerxes? Kanina ko pa syang hindi nakikita. Ang hilig pa naman nito mag surprise.

"Ladidies and Gentlemen let's welcome the soon to be married Mr. Xerxes Lopez and Ms. Ynna Sandoval". Wika ng Mc , Tila nabinge ako sa sinabi ng mc.

"Wait may error ata, patigilin nyo yang Mc na yan!!" sigaw ng mama ni Xerxes.

Sana ay nag kamali lang talaga sila, sana ay isa to sa prank ni Xerxes. Lumapit sakin ang pamilya ni Xerxes na tila nag aalala sakin. Pilit kong hinanap sa paligid si Xerxes at nang makita ko to. Tuluyan ng gumuho ang mundo ko.

Paakyat sya ng stage kasama si Ynna. Sobrang sweet nila dahil nakayap pa si Ynna sa braso nito. Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko.

"What the hell! Anong ginagawa ni Ynna dito? Anong kalokohan to!" sigaw ni Shaine na tila hindi din makapaniwala sa nasasaksihan nya ngayong gabi.

Agad akong inakbayan ni tito Ronald. Hinimas nito ang likod ko to make me feel na nandyan lang sila.
Na isang malaking error lang ang nangyayare. Ilang sandali pa ay humagulhol na ko kaya niyakap ako nito Tito Ronald.

"Everyone, maraming salamat sa pag punta nyo. Siguro maraming nagulat sa inyo na muli ay nandito kami ni Xerxes sa harapan nyo.
Opo totoo to, we decided na ituloy ang kasal namin at na realized namin pareho na mahal talaga namin ang isat isa" wika ni Ynna.

Hindi ko na kaya pang marinig ang sasabihin nila.
Tumakbo na ko palabas ng hotel. Allthis time niloko nya lang ako. Ginamit nya lang ako, ang tanga ko dahil naniwala ako sa mga matatamis nyang salita. Ang tanga ko kasi mabilis akong nag tiwala sa kanya..

Pumara ako ng taxi.

"Sa Greenville kuya" wika ko sa driver ng taxi.

Kahit anong gawin kong pag pipigil sa luha ko, hindi ito tumitigil sa pag patak. Parang may sumasaksak sa dibdib ko. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, parang pinipigilan nito ang lag hinga ko.

Pag dating ko sa bahay ni Xerxes, inimpake ko na lahat ng gamit ko.

I don't need his explanation baka mas lalo lang ako masaktan. Tama na yung announcement kanina. At alam kong si Ynna na ang papalit sakin dito sa bahay. Ayuko ng hintayin pa na palayasin nya ko.
Lalo na ngayon at malinaw na sakin ang lahat.

Habang nag iimpake ako, mas lalo akong naiiyak kapag naalala yung masasayang memory namin.

Si Jasmine, yung mga tawa nya, yung pag tawag nya sakin ng mommy, lahat yun ay wala na.

Nag bihis ako ng damit at iniwan ang longdress sa kama ko. Dito na mag tatapos ang lahat Althea.

Dahil wala si Yaya Mina nag iwan ako ng letter sa kwarto nito. Mamimiss ko si Yaya Mina.

At sa huling sandali, inikot ko ang paningin ko sa loob ng bahay bago lumabas dito. Maraming masasayang alaala ang nabuo sa bahay na to, pero kailangan ko ng  umalis. Hindi na ko welcome dito.

Sumakay na ulit ako ng taxi, tinawagan ko si Ate Helga, sya lang naman ang alam kong makakatulong sakin. Mabuti nalang at nakalipat na sila ng bagong apartment.

Habang palayo ako sa bahay ni Xerxes, mas lalong nadudurog ang puso ko. Naalala ko pa kagabe, masaya pa kaming magkatabi matulog.
Pinag uusapan ang future namin na mag kasama.

Lahat lang pala yun ay kasinungalingan. Sana ay maging masaya sila ni Ynna, at maalagaan nila ng maayos si baby Jasmine.

Pinunasan ko ang luha ko, ito ang pangalawang beses na nasaktan ako ng sobra.

Una ay noong mamatay si mama, at pangalawa ngayon. Hinahampas ko na yung dibdib ko dahil sa paninikip nito. Ramdam kong parang may pumupunit sa puso ko.

Totoo nga yung sinasabi nila kapag nasasaktan ang isang tao. Paano na ako ngayon? Paano ulit ako mag sisimula? Kakayanin ko pa kaya?

Hindi ko lubos maisip na mauuwi lang kami sa ganito, bakit hindi ko napansin na niloloko nya lang ako?

Bakit kasi nahulog ako sa mga salita nya at mga pinapakita nya sakin. Ang tanga mo Althea, mashado kang nag padala sa damdamin mo.

Talagang nasa huli ang pag sisisi, sana pala ay hindi ko agad binigay sa kanya ang lahat. Kaya ito ako ngayon. Uuwing luhaan at sugatan, hindi ko alam kung anong natira sa pag katao ko.

Ma, paano na ako? Paano ako mag sisimula?

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon