21

1.1K 21 0
                                    

** Shaine's Pov **

Nandito kami ngayon sa bahay nila ate Althea dahil sa nabalitaan namin about kay Lucas. Kulang nalang ay paliparin ni Dad yung sasakyan namin kanina dahil sa bilis ng pag mamaneho nito.

"Hay*p talaga yang Lucas na yan, at may plano pa talaga syang kunin Ang apo natin. Wala syang utang na loob!" inis na wika ni Mom.

High blood yung mga tanders, tumawag na din ako ng nurse dahil tumaas na ang Bp ni Tito Ronald.  Wala akong maitulong sa kanila kundi ang bantayan ang cute na pamangkin ko.

Si Kuya Xerxes hindi na din nakapasok sa hotel, ayaw nyang iwanan yung mag Ina nya. Haist, naiingit tuloy ako sa dalawa, ang sweet kasi nila. Sana kapag nag ka boyfriend ako ganyan din kami. 

Bigla namang pumasok sa isip ko si Kleo. Nung isang araw lang kami nag kita pero bakit namimiss ko na sya.

"May Kilala ba kayong Attorney na expert sa ganitong kaso?" tanong ni Dad.

"I will ask Mr.Calvadores kung may i-ooffer sya satin. " wika ni kuya Xerxes.

Biglang may pumasok sa isip ko, naalala kong may napag usapan kami ni Kleo before tungkol sa dad nya. Pag kakaalam ko eh attorney ito.

Agad kong tinawagan si Kleo to confirm.
Sumagot Naman agad ito.

"Napatawag ka? " tanong nito na halatang nakangiti sa kabilang linya.

"May gusto lang ako I-confirm, diba Attorney Ang dad mo? Napag usapan natin before na may kaso sya about custody of child?" tanong ko dito.

"uo, why did you ask? may problema ba?"
pag aalalang tanong nito.

"Hulog ka ng langit!" wika ko Kay Kleo..

"Huh?" confused na sagot nito.

"Pwede bang makausap ang dad mo right now? Importante lang talaga Kleo, it's about Jasmine. Nandito kasi sa pilipinas ang tunay nyang ama at gustong bawiin samin si Jasmine". paliwanag ko dito.

"No, hindi ako papayag sa gusto nya. Wala syang rights kay Jasmine. Nasan ka ba ngayon, pupunta kami ni Dad dyan para makausap sila kuya Xerxes" wika nito.

Napangiti naman ako sa naging reaksyon nya, napalapit na dine kasi ang loob nya kay Jasmine. Ilang beses nya na din kask itong naalagaan.

"I will send the address, thank you talaga Kleo. Kahit papano may naitulong ako sa kanila. Sana pumayag ang dad mo na hawakan ang kaso ni baby." Mulinh wika ko dito.

"Don't worry, akong bahala kay dad. Malakas ka sakin eh " wika nito kaya kinilig naman ako sa sinabi nya.

After kong patayin yung phone nakatingin silang lahat sakin. Napalunok naman ako sa tingin nila, parang hinihintay nila na may sabihin ako.

"S-si Kleo po kausap ko". Panimula ko, ang ingay ko pala at naagaw ko na ang atensyon nila.

"Napakingan namin ang mga sinabi mo? Anong attorney? sinong Attorney?" tanong ni Kuya Xerxes.

"Yung dad po ni Kleo is attorney, special case nya ang about sa custody ng mga bata. Willing na tumulong si Kleo at sabi nya kakausapin nya ang dad nya na hawakan ang kaso ni Jasmine. Pupunta na daw sila dito para magkausap kayo". paliwanag ko sa kanila.

"Thanks God! Sana ay pumayag ang dad ni Kleo. Kapag nanalo tayo sa kaso, sagutin mo na si Kleo." wika ni Mom na syang ikinagulat ko.

Maging sila ate Althea at napatingin kay mom. Napailing nalang si Kuya Xerxes.

Napangiti tuloy ako ng lihim.

Biglang nag pop yung phone ko at naka recieve ako ng message mula kay Kleo.

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon