"Loda, Ibinibigay ko sayo ang kapangyarihang kontrolin ang isip ng tao sa pamamagitan ng paghawak sakanila, gamitin mo ito sa tama" giit ng Hene-Foro sakaniya bago siya bumaba.
LODA'S POV
"Matapos ang ilang taong paghihintay, nakababa na rin ako sawakas sa Forodio, isang kagalakan ang aking nadarama" Ika ko habang ako ay matindig na ibinababa mula sa kalawakan.
Naibaba na ako mula sa kalawakan "Salamat Hene-Foro!" Sigaw ko habang pinagmamasdan ko ang kalangitan. Ako ay ibinibaba sa isang patag na damuhan, di ko mawari ang mga bagay na naroon.
"Bakit ganiyan ang suot mo?" Biglang tanong saakin ng isang paslit.
Pinahawak ko ang ang kasuotan sakaniya "hindi ba't napakasarap nitong hawakan?""Ang ganda po!" Masayang giit ng paslit.
Masaya naman akong ngumiti sa ipinakitang kaugalian ng unang Foro na aking nakasalamuha.
"At saang lumalop naman nanggaling ang babaeng ito? Galing ka ba sa encantadia, ha?" Giit ng isang lalake sa aking likuran.
Narinig ko siya kaya napalingon ako sakaniya. "Hindi, galing ako sa kalawakan. Ibinaba ako ng Hene-Foro"
"Haha! Kalokohan! Anong galing sa kalawakan? Ibon lang ang kaya non hoy!" Giit niya.
Nalimutan ko pala na bawal sabihin sa mga Foro ang aking tunay na kaanyuan.
Kaya naman hinawakan ko agad ang lalake "Mula sa kapangyarihan na ibinigay saakin ng kalawakan. Kalimutan mo na sinabi ko ang tunay kong kaanyuan"Agad namang gumana ang aking kapangyarihan at naglakad nalamang papalayo ang lalaki na parang wala lang.
"Anong ginawa mo?" Giit ng babae sa gilid.
Nagulat ako sa sinabi ng babae. "A-ano! Hoy hindi mo pwedeng malaman iyon!" Tumakbo ng mabilis ang babae, hinabol ko siya.
"Bumalik ka rito!" Sigaw ko sakaniya habang ako ay tumatakbo.
Matulin ang kaniyang takbo, hindi ko siya mahabol. Masyado siyang mabilis gumalaw."Babae, bumalik ka rito!" Sigaw ko ng may pagod na nadarama.
Pinagmasdan ko nalamang tumakbo ng papalayo ang babae. Hindi na ako nagpatuloy pa sa paghabol. Naisipan ko nalamang maglibot libot at nagbabasakaling makita ko siya sa daan.
"Nako, sana hindi niya ikalat ang nakita niya" giit ko ng may pag-aalala.
Naglalakad ako sa isang eskinita na napakadilim, isang ilaw lang ang nakasindi at patay-sindi pa ito. Habang naglalakad, may narinig akong lalake "ganda mo naman, pwede ba kitang mahawakan?" Nagulat ako sa sinabi ng lalake "hindi!" Tatakbo na sana ako ng may humarang saaking dalawa pang lalake.
"Anong gusto niyo? Wala akong dalang kayamanan" sigaw ko ng may pangamba.
"Ikaw ang gusto ko, mukhang bago ka lang rito ha, binyagan na kita" ika ng isang lalake.
Nangangamba ako dahil tatlong lalake ang gustong manakit saakin, hindi ko alam kung paano ko sila hahawakan at nang magamit ko ang aking kapangyarihan.
"Lumayo kayo saakin!" Sigaw ko.
"Ayaw mo ba saamin" ika ng isang lalakeng papalapit saakin para ako'y hawakan.
"Huwag!" Sigaw ko. Napapikit nalamang ako. Napamulat nalamang ng may marinig akong mga pagsuntok at pagsipa.
Kamulat ko ay nakita ko itong babae na nilalabanan ang tatlong lalake, wala silang magawa sa babae, maliksi ito at "teka? Siya ba yun?" Agad naman akong lumapit sa labanan, hinawakan ko ang braso ng isang lalake at inutusan ko siyang umalis.
Umalis siya na parang walang nangyare.

YOU ARE READING
Henedroa: They now descend
FantasyApat na Henedroang kababaihan ang ibinababa mula sa kalawakan ng kanilang Hene-Foro. Ibinababa sila sa Forodio, mundo ng mga tao. Ano kaya ang kapalaran nila sa doon? Ano kaya ang kanilang dadanasin sa bagong mundo na kanilang haharapin?