Aiden, Cupcake!

3.4K 177 25
                                    

Zylene's POV


Agad kong inayos ang eyeglasses ko habang tumatakbo papunta sa gym. Bitbit ko ang isang maliit na box na may laman na isang cupcake.



Cupcake made with love...



Pumasok na ako at ng makita ako ng mga ka team mates niya ay naghiyawan ang mga ito.


"AIDEN! CUPCAKE!" Sigaw ko


"Aiden, si cupcake girl mo oh! Ayiieee!" tukso nila kay Aiden pero tiningnan ko siya, di man lang lumingon. Busy kaka-shoot ng bola sa ring.


Haist. Napabuntong hininga nalang ako. Di man lang abala na tingnan ako. Agad din naman silang natapos sa practice. Doon na ako naghintay sa labasan ng gym para ibigay itong cupcake.


Nakita ko namang nagsilabasan sila at nakita kong nasa may hiluhan si Aiden. Agad kong inayos ang sarili ko at inilahad sa kanya ang box ng cupcake.


"Aiden, cupcake." ulit ko pero di manlang nag-abalang tingnan ako at kunin ang dala ko at nilampasan lang ako.


Napasimangot na lang ako. Ganoon na lang lagi eh.


"Zyzy, akin na lang iyan. Tutal alam kong masarap naman ang gawa mong cupcake." sabi ni Ken na binibigyang diin pa ang ibang words. Nginitian ko nalang siya at walang atubiling ibinigay sa kanya ang cupcake.


Si Ken, and bestfriend ni Aiden. Siya lagi yung kumukuha ng cupcake na gawa ko na hindi naman pinapansin ni Aiden for the past 3 years.


Oo, 3 years. Nagsimula kasi ito noong nasa 1st year high school palang kami. Crush na crush ko kasi si Aiden simula palang. Nasa Section 2 kasi siya at ako naman Section 1. kaya noong natanggap siya sa basketball team ay palagi akong present sa practice nila habang may dalang cupcake.


Bakit cupcake? Kasi sweet. Tapos I believe in the saying a way to a man's heart is through his stomach. Kaya ganun.


Bago ako umuwi sa bahay ay pumunta muna ako sa mall para mag-grocery. Wala na kasing ingredients sa bahay para sa cupcake na ibe-bake ko bukas para kay Aiden.


————————————————————————————————————————


Everyday, ganun lang talaga yung routine.


1. Yung sisigaw ako na "AIDEN, CUPCAKE"

2. Manonood ng practice

3. Maghihintay sa labasan ng gym

4. Ilalahad kay Aiden tapos uulitin ang "Aiden, cupcake."

5. I-isnob ako ni Aiden

6. Ibibigay kay Ken

Aiden, Cupcake! [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon