CARRUAJE SA JARDIN
Horror
True Story
Written by: Rafael Redgrave / Taga Punong
Story told by: Fructuosa 'Toots' PerezAng pangyayaring ito ay naganap 30-40 years ng nakalipas at ito ay base sa totoong karanasan ng aming mabuting tauhan o 'boy' na itago nalang natin sa pangalang 'Peping'.
Si Peping ay isa sa pinakamasipag naming Boy, kaya nga noong isang linggo siyang nawala, kami talaga ay nag alala at muntik muntikan na namin itong i-report bilang 'missing person'.
Pero sa aming pagkagulat, isang araw ay natagpuan nalang namin si Peping sa aming Jardin, walang malay at hubo't hubad.
Ano ang nangyari kay Peping? Ito ang kanyang kuwento...
Pagkatapos ng tanghalian ay inutusan siya ng Lola upang magtrim ng mga halaman sa aming Jardin. At sa kasagsagan ng kanyang trabaho ay nagulat na lamang siya na may isang puting carruaje sa gitna ng jardin.
Sa kanyang pagkamangha sa ganda ng nasabing carruaje ay dali dali niya itong nilapitan; at dun, ay bumungad sa kanya ang totoong kagandahan. Isang babaeng kutis porselana at may buhok na kasing itim ng gabi ang sumalubong sa kanya.
Lulan ng carruaje, ang babae ay tinanong siya
'Managdang araw, kamusta ka?'
'Mabuti naman po' sagot ng ating bida.
'Sumakay ka Ginoo at pupunta tayo sa isang lugar na walang sakit, pait, gutom at kamatayan' sabi ng babae.
At dala ng kapusukan ng pagiging binata, sumagot si peping ng walang pag aalinlangan 'Opo, ako'y sasama'
Ang kanilang paglalakay ay inabot kuno ng milya milya, dumaan sa mga lugar na hindi na niya kilala. At sa isang pagkakataon pa nga ay may nasaksihan siyang kakaiba, isang lalaking nakayuko sinisipsip ang daliri sa paa ng isang dalagita; at nung lumingon ito at sumilip sa carruaje, nagtago si Peping sa takot na siya ay makita.
'Ilang oras pa po bago tayo ay makarating?' Tanong ni peping.
'Maya maya lang, umidlip ka muna' sagot ng babae.
At ang pag idlip ay kanyang ginawa nga. Napakalalim daw ng kanyang tulog sa kanyang pagkakaalala. At ng siya ay gumising ay nandoon na sila.
Bumungad sa kanya ang napakataas na gate na yari sa ginto. At sa loob nito ay mga bahay na kakaiba; may maliit at may mala torre pero lahat ay mala palasyo ang ganda.
Ang mga tao ay sinalubong sila, lahat nakangiti, nagkakantahan at nagsasaya.
At sa isip isip ni peping ito na nga ata ang lugar na tinutukoy niya; ang lugar na walang kamatayan, sakit at pangamba.
Sa pinakamalaking bahay ay tumungo ang dalawa. Doon, ang punong taga pamahala ay nakilala niya.
'Magandang araw ho' sambit ni peping.
'Magandang araw din naman at tuloy ka sa iyong bagong tahanan' sagot ng matanda.
Doon sila ay nagsalo-salo. Sa isang hapag na kala mo ang handa ay pang pista. At sa haba ng kanilang paglalakbay, sa gutom si peping ay hindi na nakapag hunos dili.
'Kumain ka pa' sambit ng babae.
Sa hapag ay samo't saring putahe ang nakahanda, lahat ng iyon ay wala namang masasabing 'kakaiba'.
Maliban sa kanin.
Ang kanin na nakahain ay may tatlong kulay — puti, itim at pula.
'At bawat kulay ay magdedesisyon ng iyong kapalaran' sabi pa ng matanda.
'Puti ikaw ay makakauwi, pula ikaw ay bibigyan ng oras magdesisyon pa at itim ay dito kana' dagdag naman ng babae.
At dahil mukang masaya ang lugar na kanyang napuntahan pero ayaw niya namang iwan agad ang kanyang pamilya at mga kaibigan, pinili ni peping ang pula.
Doon si peping ay nakipagsaya
—- nakikanta, nakipagsayaw at kung ano ano pa. Para daw pista araw araw sa lugar na iyon. Umaapaw ang pagkain at inumin, may musika, at ang mga tao ay lagi lang masaya.Pero dumating daw sa puntong ayaw na niya. Kung walang sakit at hirap paano naman daw siya magsusumikap?
Kaya naman ng tanungin ulit siya ng babae at matanda, lakas loob ni peping pinili ang kanyang pag laya.
Ang huli niya daw naalala ay ang pag kain niya ng puting kanin, at doon ay nahilo at nahimatay na siya.
At sa kanyang pag gising siya daw ay nasa jardin na, nandoon ang kanyang mga kaibigan at pamilya sumasaklolo sa kanya
Ang istorya ni peping ay napakahirap paniwalaan para sa iba. Pero kung ang Masbate ay dating magubat gubat pa, hindi malabong tayo ay may mga kasamang hindi natin basta basta nakikita.
BINABASA MO ANG
CARRUAJE SA JARDIN
HorrorIsang linggong nawala ang tauhan naming si Peping. San kaya siya nagpunta?