Chapter 54

37 2 0
                                    

Umupo ako sa tapat nya. Nakaupo kami sa kama rito sa kwarto. Katahimikan ang namayagi sa pagitan naming dalawa kaya nag simula nakong mag salita.

"Wala akong maalala sa nakaraan k-kairan. Pero, nanaginip ako tungkol satin. Kaso malabo. nalilito rin ako sa panaginip ko. My times na tinatawag akong kairan pero panong nangyari yun? Parang ako na ikaw  pano ba to. Memories mo ata na papanaginipan ko. Pwede mo ba sabihin sakin kung pano tayo nag kakilala?" Daing ko sa kanya. tinitigan nya naman ako ng mariin at nag buntong hininga.

"Nag kakilala tayo nung minsan na mag kabungguan tayo dahil sa hinahabol natin na paro paro." Tigil nya sabay ngiti. Kumunot naman ang noo ko.

"Nang matumba tayo nag katitigan tayo. Sino bang hindi magugulat pag makakakita ka ng kahawig mo? Pag katapos non nag pakilala tayo sa isa't- isa at sabay pa tayong nagulat non dahil parehas pala tayong prinsesa." Bumuntong hininga sya.

"Pero nung mga panahon nayun mahigpit sa palasyo kasi may nag tatangkang kumuha sakin kaya limitado ang labas ko kaya nung makilala kita at mag kahawig naman tayo, nag pasyahan akong lokohin ka." Kumunot ang noo ko.

"Lokohin? anong ibig mong sabihin?"

"Gusto ko maging malaya kara, gusto ko lumabas sa palasyo tulad mo. Makipag laro sa mga bata dahil nag sasawa nako sa mga katulong na kalaro ko. Naiinggit ako sayo dahil nakakapag laro ka sa labas kaya nakagawa ako ng kasalanan. Hindi mo namalayan yung intension ko na makipag palit sa buhay mo. Di ko alam kung uto-uto ka non or naawa ka sakin kaya ka pumayag. Isang linggo. Isang linggo tayong mag papalit. I gave you some of my memories so you know who's i been with. Ako bilang ikaw, at ikaw bilang ako. Even our necklace we switch it." Nanlaki ang mata ko.

"Bawal bayon?" Tumango sya.

"We're the chosen one to take care of our necklace. Pero dahil bata pa tayo di natin alam kung gaano kamali yun. Sumali pa nung kaguluhan noon."

"Kaguluhan?" Taka kong tanong. Tumango sya.

"Someone betrayed us. She wants to took me but instead she took you" nahigit ko ang hininga ko.

"I-ibig mong sabihin yung nag alaga sakin nung bata pako--"

"No, Yung nag alaga sayo sa mundo ng mga tao she's my auntie." Tumango naman ako.

"After years ng pag hahanap namin sayo, nalaman namin na nasa mundo ka ng mga tao kaya nag utos ang kuya mo na kunin ka non nung eighteen birthday mo" nanlaki ang mata ko.

"Yung mga dark creatures nayon? Alam mo bang pinatay nila yung mga kaibigan ko? Pati si mama na tiya mo!" Galit kong saad. Umiling naman si kairan.

"That dark creatures protect you" kumunot ang noo ko.

"Huh?"

"Bago ka natagpuan ng kuya mo, may nag padala ng mga dark creatures don na hindi sakop ng kaharian nyo. Plinano ng mga yon na patayin ang mga kaibigan mo para kamuhian mo ang pag katao mo pag nalaman mo yung totoo. Nagulat nalang kami na pag dating namin sa bahay nyo don ay magulo at maraming namatay. We gave them a proper burial." Na touch naman ako ng malaman ko na nilibig pala nila yung mga kaibigan ko ron.

"Pag kabalik namin dito sa kaharian nyo, nalaman namin kung sino yung mga traydor. Kinuha nila sa kuya mo ang kaharian at pati na ang mga a-a-alaala nito" sabay luha nya. Pinunasan naman nito iyon. Suminghot muna sya bago nag patuloy.

"Sila tiyo at tiya ba?" Tumango sya.

Demonyo talaga mga yon

"Gusto nila pamunuan lahat. Ang mga hari at reyna gusto nilang maging sunod sunuran ito sa kanila."

"Narinig kong balak nila gumawa ng emperyo at sila ang hari at reyna" sabi ko sa kanya.

"May paraan ba para matigil sila?" Tanong ko sa kanya. Tumango sya.

"Oo kung di ka maloloko nila. For sure pag nalaman na di ka sang ayon sa kanila ay tatanggalan ka nila ng alaala at papakainin ka nila ng mga kasinungalingan nila." Napakuyom ako ng kamao

"Lalo na hawak rin nila ako. Tayong dalawa ang sagabal sa kanila kung di nila tayo mauutusan" tumitig ako sa kanya.

"Kung ganun kaylangan mong makatakas" umiling sya. Kumunot ang noo ko.

"Sasaktan nila ang kapatid mo! A-ayokong saktan nila sya. Once, your brother tried to make me escape but then, nahuli kami. Pinatakbo ako ng kuya mo but your auntie, she put sword on your brother's neck. Pag lumayo ako papatayin nila kapatid mo! Ayokong mamatay ang kapatid mo" sabay hagulgol nya.

"Mas gusto ko pang makulong kaysa mawala sya." Tinitigan nya ako. " I love your brother" nginitian ko sya

"Wag kang mag alala kairan, andito nako di ko hahayaan na mawala ang kapatid ko. Ngayon kaylangan ko puntahan ang kapatid ko para kunin ang lux necklace" Tumango sya.

"Tatakas ka ngayon araw. Pag balik ko rito isuot mo ang damit ko at mag papanggap ka bilang ako para makatakas ka" tumango sya

"Pero pano kayo? For sure sasaktan kayo ng tiyo at tiya mo!" Ngumiti ako

"Don't worry pag pinatay nila ako, di nila kayo matatalo dahil wala silang alas na ako" tumango sya.

"Gawin na natin ang plano." Tumango sya sa sinabi ko.

Lumabas nako ng kwarto nya at pumunta sa kapatid ko. Kumunot ang noo ko ng makita ko na bukas ang silid nila tiyo at tiya

Dali dali akong nag tago para makinig sa usapan nila.

"Uto utong mga kapatid,malapit na natin makamit ang ating tagumpay  Mahal" sabay tawa ni tiya.

'pshhhh kalbuhin kita eh'

"Handa nakong mamuno ng emperyo at sambahin ng mga tao mahal, handa narin akong gawin kang empress ko" sabi ni tiyo.

'ang cringe mo tiyo!'

"Mga kamag anak mo Mahal uto uto, tulad ng kapatid mo"sabi ni tiya na kinakunot ng noo ko.

"Ako lang naman ang matino ang isip. hindi ko nga alam bat pinasa pa ni ama sa kapatid ko ang kaharian eh wala naman yon kwenta. Buti nalang at inalis kona yon sa landas natin" natigilan ako.

'si ama at ina ba tinutukoy nila? Sila ba ang pumatay sa kanila?'

Kumuyom ang kamao ko.

'Mga hayop sila! pano nila nagagawa ang manakit? Nasa dugo ba talaga namin yon?'

Mag saya lang kayo habang nasa taas pa kayo dahil sisiguraduhin kong bababa din kayo. lintik lang ang walang ganti.

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon