Hywell's POV
MATAPOS sagutan ang huli kong assignment ay napagdesisyunan ko nang mahiga. Nakakaubos din ng brain cells ang pag-aaral! Hindi naman ako ganito kasipag mag-aral dati eh. Hay, ano bang nangyayari sa buhay ko!
Sinulyapan ko naman ang relo sa dingding. Malapit na pala mag-alas dos ng umaga. Napahikab na naman ako. Inaantok na talaga ako.
I made myself comfortable on my bed. May klase pa mamaya. Magkikita na naman kami ni kuya Zed. Sana lang ay nakabalik na sya mula sa dark forest. Natatakot talaga ako na baka mahuli sya doon ng mga nagpapatrolyang mages.
Naghikab muli ako. Hinihila na talaga ako ng antok. Papunta na sana ako ng dream land nang may malakas na ingay ang pumailanlang sa katahimikan.
"Anak ng—" gulat na napabalikwas ako.
Lintek na buhay naman ito! Nawala bigla ang antok ko. Bakit biglang kumulog? Hindi lang isa kundi sunod sunod!
"May bagyo ba?" naghihikab na nagtungo ako sa bintana saka iyon binuksan.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang mga kidlat na gumuguhit sa kalangitan. Thay doesn't look normal! Kulay violet ang mga kidlat na iyon at tila sa isang direksyon lang iyon tumatama!
"Shit..." mabilis na tumalon ako sa bintana. Masama ang kutob ko.
***
Calvin's POV
SABAY kaming napatigil at napatingala ni Dylan sa kalangitan. Kasalakuyang naglalakad na kami paalis ng student council's headquarters nang bigla na lang nagngalit ang kalangitan. Out of nowhere, ang kaninang payapa at puno ng bituin na kalangitan ay ginagapangan ngayon ng sanga-sangang kidlat na may kakaibang kulay.
Nagsalubong naman ang kilay ko. That thunder looks familiar. Bumalik sa alaala ko ang sinabi ng aking pinsan na si Trevor noong nasa manor ako. Could it be...
"Normal? That fucking thunder is not normal?! I'm sure na kagagawan iyan ng isang gifted na nagta-tantrums!"
Bakit masama ang kutob ko?
"That's one hell of a thunderstorm," wika ni Dylan na tila namamanghang pinapanood pa din ang mga kidlat. "May paparating yatang bagyo."
"I don't think so," kontra ko.
Naramdaman ko naman ang mata nya sa akin. "Are you saying that there is a gifted out there with the lightning ability?"
Hindi ako umimik. Bibihira ang mga gifted na nagtataglay ng ganoong ability. It's like 2 out of 10 children possesed the ability. Kaya naman kapag may ganitong pangyayari ay lubos na natatakot ang mga ordinaryong gifted at mortale. Napaka-rare kasi ng kakayahang iyon!
"This is not good," bulong ko nang mapansin na sa iisang direksyon lang tumatama ang mga kidlat.
Dumako ang paningin ko sa direksyon ng dark forest. Doon ko nakikita na tumatama ang mga kidlat. Agad ko namang binalingan si Dylan.
"Di ba kasalukuyang nagpapatrol si Xavier sa dark forest?" tanong ko.
"Oo, bakit mo naitanong?"
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasySuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022