"Leon-, you bastard!"
Nagising ako sa ingay ng paligid, para akong binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig. Ngayon, naging klaro ang bunga ng aking ginawa.
Ang kahihiyan na kailangan kong harapin. Narito na. Dumapo ang tingin ko kay Leon na naguguluhan at inaalala pa kung ano ang nangyari.
He was clueless.
Kunot noo niya akong tiningnan, humihingi ng paliwanag ngunit nanatiling tikom ang aking bibig. Pinasadahan niya ng tingin ang paligid.
Nagkalat ang aming mga damit sa sahig pati ang mga unang naging saksi ng nangyari.
Muli niya akong sinulyapan, his eyes were murderous, glancing at me as if he understand what had happened.
"Magdamit ka, putang-ina! Bago ka pa makita ni Alya!" Pulang-pula ang mukha ni Kuya Louis at umakmang lalapit ulit kay Leon nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang aking kapatid na nanlalaki ang mata sa gulat.
"A-anong nangyayari rito, Mahal?"
Huli na ang lahat dahil dumating na si Ate.
Ang tagpong naabutan nina Ate ay hindi na kailangan pang ipaliwanag. Nanginginig ang aking mga daliring kumapit sa dulo ng kumot na tanging nakabalot sa aming katawan.
"Magbihis kayong dalawa. Maghihintay kami sa baba!" yumuko ako. Walang makakapantay sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon, hindi lang iyon, ang matinding pagkakadisgusto sa mukha ni Ate Alya, lalong-lalo na kay Kuya Louis.
My tears kept falling.
Leon don't even look at me, nor talk to me. His eyes were blazing fire, pero kailangan kong tanggapin dahil ito ang bunga na kailangan kong panindigan.
"Pakasalan mo ang kapatid ko, Leon!"mariing sabi ni Ate Alya.
Alam ko kung gaano niya pinangangalagaan ang kanyang prinsipyong dapat ay minana ko pero hindi.
I was her total opposite.
She is stern and full of principle. All her life, she knew what she wants and get what she thinks she deserves.
"Hilingin mo lang ang iba Alya, wag lang yan!"
"Hindi puta ang kapatid ko, Leon!" napatda ako sa sigaw ni Ate at palitan nila ng mga salita.
Humahapdi na aking palad dahil sa pagkakadiin ng mga kuko ko roon.
"But I didn't know how did it happened!" gulong-gulo ang kanyang buhok. Nagmamakaawa ang kanyang mga titig kay Ate habang nagpapaliwanag.
"Ibig mong sabihin, kusang tumayo at tumutok 'yang iyo Leon? Huwag mo akong pinagloloko. Putang ina ka!!!"
Naglalakihan ang mga mata at ilong ni Ate dahil sa galit. Dinaluhan siya ni Kuya at hinaplos ang kanyang loob.
Her eyes glittered with frustration and anger.
"Don't stress yourself, Mahal. Makakasama sa inyo ni Baby 'yan!" Kuya Louis tries to calm her down.
"Magkakababy na kayo ulit?" sumaya ng konti ang aura niya sa narinig ngunit bigla ring nawala ng makita ang mukha na Ate na umuusok na sa galit.
"Magkaibigan tayong dalawa Leon pati ang asawa ko, sana naman nirespeto mo iyon! Bakit kapatid ko pa?"see
**
My dream came true, but I never imagined to be this sad. I wasn't happy. Pinangarap kong ikasal na katulad kay Ate Alya. Sa paraiso. Hindi ko inakala na maging taliwas ang lahat.
Natigil ako sa pagmumuni-muni ng pumasok si Leon sa hotel room kung saan ako naghihintay bago magsimula ang kasal.
"May pagkakataon ka pang umatras, Amirie!"saad niya. Umatras ako. Ang boses niyang buong-buo at mababa ay nagpakaba sa akin, “I'll forget about this if you...runaway!”
BINABASA MO ANG
Bolts Of Desire
RomanceWhat happens when a handsome bachelor wake up with a young girl? ***** He was deeply inlove with someone else who was forbidden. When the love of his life married his friend, he promised to himself not to marry in this lifetime. But a young girl ca...