41.

42 6 0
                                    

Hywell's POV

HALOS mayanig ang pagkatao ko nang makarating ako sa dark forest. Hindi sapat ang salitang pagkagulat para ilarawan ang nararamdaman ko ngayon!

Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si kuya Zed na pinapalibutan ng kidlat habang sa paanan naman nya ay tila may katawan na nakaratay. Anong nangyari dito? Ilang oras lang akong nalingat ay nagkaganito na sya?!

Napapikit ako nang tumama sa gilid ko ang isang kidlat. I even felt the electricity on my body.

"Kuya Zed!" sigaw ko saka ako naglakad palapit sa kanya.

I should be careful. Sa tingin ko, wala sya sa sarili ngayon. Baka pati ako ay mapagkamalan nyang kalaban.

Muli ay napapikit ako nang gumapang sa lupa ang mga kidlat patungo sa isang malaking tipak ng bato. Napakalakas ng pagsabog na nilikha noon. Naramdaman ko din ang bahagyang pagyanig ng lupa.

"Kuya Zed!"

Ngunit tila wala syang naririnig. Shit! He's really pissed. Sino ang kalaban nya at ganoon na lang ang galit nya.

Natigilan ako nang malapit na ako sa kanya. My eyes widened when I saw who's the person on the ground. It was his friend! I don't sense any aura or mana from her.

She's dead.

Now that explains this. I need to do something. Kung hahayaan ko sya, malalagay sya sa mas delikadong sitwasyon!

"Kuya Zed!" muli ay tawag ko.

Doon lang sya humarap sa akin. I almost froze when I saw his face. Sya ba talaga ang kilala kong Zed? He look like a maniac! He's face is emotionless while grinning evily.

"Why are you here?" malamig nyang tanong.

"Anong ginagawa mo?! May balak ka ba na ilantad ang sarili mo?!"

Hindi naman sya sumagot bagkus ay itinaas nya ang isang kamay sa aking direksyon. Muli ay gumapang ang mga kidlat sa lupa patungo sa direksyon ko.

Shit. I have no choice!

Mabilis na pinalabas ko ang aking pakpak saka iyon ibinalot sa aking katawan. Napangiwi pa ako sa pagtama ng kidlat nya sa pakpak ko. Tangina! Napakasakit na nga ng likod ko dahil sa sugat na nilikha ng pakpak ko, may balak pa yata syang tustahin ako!

"Tama na!" sigaw ko.

Pilit na lumapit ako sa kanya. Wala na din akong pakialam sa sunod-sunod na atakeng ginagawa nya sa akin. All I know is I need to take him away from here.

"Zed!" I heard Nix voice.

Nice timing. Mukhang na-distract si Zed sa pagsigaw ni Nix. I took the chance to run toward him. Mabilis na niyakap ko sya at binalot din sya ng aking itim na pakpak.

"Calm down kuya Zed!" gigil kong bulong.

I then felt his body loosen. Nawala din ang ingay sa kalangitan. Maging ang mga kidlat na tumatama sa lupa ay naglaho.

"H-hywell..."

Agad ko syang nasalo nang bumagsak sya sa balikat ko. He's now unconcious!

"Nix!" sigaw ko. "Tulungan mo ako!"

Kailangan na naming magmadali. Nararamdaman ko na madami na ang paparating. Mukhang nakatawag talaga sya ng atensyon!

"What happened here Hywell?" hinihingal na saad ni Nix nang makalapit.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Tulungan mo akong dalhin si kuya Zed sa malayo. Hindi tayo pwedeng makita dito!"

Mabilis naman nyang inabot ang kabilang braso ni Zed.

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon