Everytime na nakikita ko ang auntie ko napapatanong ako sa sarili, bakit kaya hindi siya nagka anak o nag asawa man lang?Pero ang katanungang 'yon ay nagkaroon ng kasagutan dahil sa kwentong isinabi niya sa akin na kahit na sino ay hindi alam.
Bakasyon nang bumisita ako sa kaniya. Papalubog na ang araw. Naririnig ko rin ang tunog ng alon galing sa dagat. Tinatanaw ko si Auntie na nasa tabing dagat na naka upo sa buhangin at malayo ang tingin.
"Auntie Cassandra..." Tawag ko sa pansin niya nang maka lapit ako sa kinauupuan niya.
Lumingon siya sa akin. Kahit medyo may edad na pero hindi pa rin nawawala ang taglay niyang kagandahan. "Thalia... halika, umupo ka sa tabi ko." Naka ngiti niyang sabi.
Tumango ako at umupo nga sa tabi niya. Habang tinititigan ko ang papalubog na araw hindi ko mapigilang mag salita. "Auntie may tanong ako."
"Hmm, ano 'yon?" Tanong niya na naka tingin pa rin sa araw.
"Nagtataka lang po kasi ako, bakit hindi po kayo nag asawa?" Nahihiya kong tanong, nagkamot pa ako sa ulo kahit wala namang makati.
Natigilan siya sandali pero may ngiting unti-unting sumilay sa labi niya. "Ikaw lang ang taong naglakas loob na itanong sa 'kin yan."
Napatakip ako sa bibig ko. "Hala, sorry po..."
"No, no it's okay. Natatawa lang talaga ako."
Habang nagsasalita siya makikita at maririnig mo talaga sa boses niya na mahinhin siya.
"Alam mo Thalia, may rason talaga kung bakit hindi ako nag asawa. Naririnig mo sa mommy at mga tito mo na man hater daw ako, hindi ba?"
Tumango ako.
"Hindi talaga yon ang rason ko. When I was in my teens years may nakilala akong bata na kasing edad ko lang, kakalipat lang nila noon."
"𝗖𝗮𝘀𝘀, 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗱𝗮𝘄 𝗸𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆?" 𝖳𝖺𝗇𝗈𝗇𝗀 𝗇𝗀 𝖼𝗅𝖺𝗌𝗌𝗆𝖺𝗍𝖾𝗌 𝗄𝗈. 𝖲𝗂𝗇𝗂𝗋𝖺𝖽𝗈 𝗄𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝗅𝗂𝖻𝗋𝗈 𝗇𝖺 𝖻𝗂𝗇𝖺𝖻𝖺𝗌𝖺 𝗄𝗈 𝖺𝗍 𝗍𝗎𝗆𝗂𝗇𝗀𝗂𝗇 𝗌𝖺 𝗄𝖺𝗇𝗂𝗅𝖺.
"𝗢𝗼, 𝗯𝗮𝗸𝗶𝘁?" 𝖭𝖺𝗀𝗍𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺 𝗄𝗈𝗇𝗀 𝗍𝖺𝗇𝗈𝗇𝗀.
"𝗦𝗶𝘆𝗮 𝗱𝗶𝗯𝗮 𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻?" 𝖭𝖺𝗀𝗄𝗂𝖻𝗂𝗍 𝖻𝖺𝗅𝗂𝗄𝖺𝗍 𝖺𝗄𝗈. "𝗘𝘄𝗮𝗻, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗼 𝗽𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮 '𝘆𝗼𝗻 𝗲𝗵."
"𝗧𝘀𝘀, 𝗮𝗻𝗼 𝗯𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝘆𝗮𝗻 𝗰𝗮𝘀𝘀. 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮?"
"𝗠𝗮𝗹𝗮𝘆 𝗸𝗼 𝗯𝗮 𝗱𝗼𝗼𝗻, 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗸𝗲 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮." 𝖧𝖺𝗅𝗈𝗌 𝗇𝖺𝗉𝖺 𝖿𝖺𝖼𝖾 𝗉𝖺𝗅𝗆 𝗌𝗂𝗅𝖺 𝖽𝖺𝗁𝗂𝗅 𝗌𝖺 𝗌𝗂𝗇𝖺𝖻𝗂 𝗄𝗈. 𝖡𝖺𝗁𝖺𝗅𝖺 𝗇𝗀𝖺 𝗄𝖺𝗒𝗈 𝖽𝗒𝖺𝗇.
𝖧𝗂𝗇𝖺𝗁𝖺𝗅𝗎𝗇𝗀𝗄𝖺𝗍 𝗄𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗀 𝗄𝗈 𝗁𝖺𝖻𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗀𝗅𝖺𝗅𝖺𝗄𝖺𝖽 𝗉𝖺𝗅𝖺𝖻𝖺𝗌 𝗇𝗀 𝗀𝖺𝗍𝖾 𝗌𝖺 𝗉𝖺𝖺𝗋𝖺𝗅𝖺𝗇 𝗇𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝖺𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗀𝗅𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗒 𝗍𝗎𝗆𝖺𝖻𝗂 𝗌𝖺 𝖺𝗄𝗂𝗇 𝗁𝖺𝖻𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗀 𝗅𝖺𝗅𝖺𝗄𝖺𝖽.