Chapter 2
"I know you had a problem! Thea? talk to me.. i'm your bestie remember? hehehe." sabi ko mula sa labas ng kwarto niya. I'm so tired of this fvking suyo chuchu whatever! I'm not good at this thing.
Alam ko namang nasaktan siya ng sobra sa nangyari. Pero ober naman, isang linggo na siyang hindi pumapasok sa school simula nung nangyari sa 6th floor.
Kumatok ulit ako pero walang sumasagot. Ok payn! Isang linggo ko na ring ginagawa 'to dahil naawa na rin ako kay Tita. Hindi na daw siya kumakain at palagi na lang daw lumalaklak ng milo na nasa sachet. Jusko! Kung di ko lang bespren 'tong si Thea, i will never do this. Halos ang aga kong gumising sa umaga para sabay kaming pumasok pero hindi pala siya papasok. Anong kaartehan ba naman kasi ang sumanib sa kaibigan kong yun! Hay nako!
"Bala ka nga diyan! Puntahan ko kaya si Patrick at sabihin kung anong ginagawa mo sa sarili mo!" sinadya kong ipinarinig sa kanya. I just want to know how your weakness controls you! *evil grin*
"WAG!"
isang malutong at malakas na sigaw ang narinig ko. Enebeyen! Epekto lang siguro yun ng walang kain niya. Waaaaah! What happen to my bestieee?
"Edi lumabas ka na diyan! Magaral ka! Thea nomon! Ong domo mo nong nomoss! Jusko! Sumasakit ugat ko sayo eh!"
Walang sumagot! Ok! -___- i guess i'm going to school alone again!
Umalis nako sa bahay nila at nagsimula ng maglakad papuntang school, malapit lang naman, tsaka ayoko munang makakita ng taong nagdadrive (driver namin). Lalong masisira ang araw ko!
I put on my earphones and then i played my favorite music. Magpapakaloner ako ngayon, kaya wagas wagasin ko na!
Napapahead bang tuloy ako dito, putek! Ang sarap sa feeli---
*BEEEEEEEEEEP*
Isang mahabang busina ang narinig ko kaya agad akong dumilat. Dahan dahan akong tumingin sa tuhod ko, it's just an inch away from the car bumper! Waaaaaaaaaah! Muntik nakong masagasaan!
Kumulo ang dugo ko at hinampas ko ang harap ng sasakyan niya. I'm close to death!
Death agad? hindi pedeng pipti pipti muna?
Arrrrrgh!
"Hey! What the fvck did you do?" sabi ng driver na nakasilip lang ang ulo niya sa bintana ng kotse.
"Hinampas ko! Ulol, didn't you saw?" i said.
Bumaba siya ng sasakyan at hinarap ako. Napatigil siya ng nakalapit na siya sakin! o.O
Problema nito? Naestatwa sa beauty ko, ganun? Naman! Pero bakit hindi naeestatwa yung mga boys sa school kapag nakikita ako? hmm. baka mga bakla silang lahat!
Nanatili syang nakatayo sa harap ko, he's staring at me. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya, bwisit! Kinakabahan ako.
Umirap siya sakin matapos ang isang minutong pagtitig niya na halos malusaw ako kung hindi pa niya tinigil. I sighed.
Pumasok na siya sa kotse niya at pinaharurot na niya ito sa daan. Baklang 'yon! Muntik na kong sagasaan, hmp! Sayang, gwapo pa naman.
---
Nagsimula na ulit akong maglakad. After 10 minutes, may mga estudyante din ako nakasabay ng lumiko ako sa kanto, ibig sabihin malapit nako sa school.
May napapalingon naman sakin at halos eh mga matatandang tricycle driver at tambay sa kanto. Gosh! Hindi naman pang ganun ang beauty ko ah. Umirap na lang ako at tinuloy na ang paglalakad.
Nakarating ako sa school ng ligtas. Dumeretso ako sa locker hallway para kunin yung librong gagamitin ko sa first subject.
Pagdating ko dun, as usual times, napapatingin sila sakin. I look at myself, hindi ako nakauniform kasi free day ngayon. I'm just wearing my black jeans and white lacy shirt, with matching red keds to my red bag. Infairness, ang comfortable ko sa suot ko ngayon.
Tinignan ko sila, halos ang lahat ay maiiksi ang palda. Pakelam ko noh! Hindi ako nagsusuot ng mga ganyan. Hindi sa manang ako ah! Pero hanggang shorts lang ako, kahit dress hindi ako nagsusuot kasi may issues ako dun, nung grade 12 kasi ako tinry kong magsuot ng skaterskirt tas pagdating ko ng school eh sobrang hangin, timing na napadaan ako sa volleyball open court ng campus at biglang lumakas yung hangin, humawi paitaas ang skirt ko at nakita yung panti ko. Hays. That was the most embarassing of my life. Buti sana kung baby pako nun pero 17 nako nun. Kahiya talaga.
So, binuksan ko ang locker ko ng di sila pinapansin. Sanay naman akong pagtinginan but the head-to-foot look, hindi ko ma-carry yan bess. Parang gusto kong manabunot ng di oras.
"Shit! I never thought of this damn school would be so fucking worst than ever!"
Napatigil ako sa pagkuha ng libro ng makarinig ako ng pagdabog at sunod sunod na mura ng katabi kong locker.
Kumunot ang noo ko.
That voice was familiar, lalo na yung 'fucking' word.
Isinara ko ng konti ang locker ko, as-in konting sara lang, at sinilip ko kung kanino yung locker na katabi ko.
I was shocked when i saw him. O___O HIM! oo, yung munting nakong sagasaan kanina lang.
Binuksan ko ulit ng malaki para di nya ko makita. Yung natatakpan yung buong mukha ko! Gets nyo? EMEGED!
"He's here!"
"Ohmygod! There he is!"
"Shete! Ang gwapo nya talaga! Kyaaaaah!"
Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng hallway.
O____O WTH?
Isang klasrum ng mga kababaihan? Anong kaguluhan 'to?
"Shit!" rinig kong sabi ng katabi kong locker.
Padabog na naman niyang sinara ang locker niya at tumakbo na sa kabila..
Isinara ko yung akin. Pinagmasdan ko syang tumakbo hanggang sa nakaliko na siya.
Para namang niyanig ang buong school ng dumaan ang isang klasrum ng mga kababaihan. Nasagi pa nga ako ng isa sa kanila kaya nalaglag ang librong hawak ko.
"MADAPA SANA KAYONG LAHAT!"
Pinulot ko yung librong nahulog tsaka nagmartsa na papunta sa klasrum.
Dito pala nagaaral yung bakla. Pero bakit ngayon ko lang siya napansin? hm!
Iniligay ko na sa bag ko yung libro at dumeretso nako sa klasrum.
Hindi masyadong marami ang estudyante ng pumasok ako sa room, kaya naman nilubos ko na ang pagpili kung saan ako uupo. Wala si Thea kaya dun sa bandang likod ko napiling umupo.
Mayamaya lang ay nagsipasukan na yung iba kong blockmates at sakto naman ang pagpasok ni Ms. Magdula, Filipino teacher namin.
"Magandang umaga sa inyong lahat." Bati ni Mam, umupo sya sa front desk at ipinatong nya ang dalawang siko nya sa table.
Umayos kaming lahat sa pagupo. Eh sa pwesto nyang 'yan, parang may mangyayari na naman. Si maam talaga, ang hilig magpathrill.
"Where's the transferee?" Tanong ni maam sa buong klase.
Nagtinginan kaming lahat sa isa't isa. Wala namang bagong santa, wala ring bagong mukha. Anong pinagsasabi ni maam? May magtr-transfer sa kalagitnaan ng semester?
"Meybe he's not around." Sambit ni maam.
HE? Did maam says HE? So, lalaki yung transferee? Hm. Who's the new BSBA Student.
BINABASA MO ANG
I'll Fall for You (ON HOLD)
Teen FictionThe worst pain in love is when your falling ALONE.