Ryla
Selos? Uso ba yun sa kanya? Well, di ko pa siya nakikitang nagseselos or something. Sa ilang taon ko siyang kaibigan, once ko lang nakita siyang nagselos.
Two years ago..
Naglalakad kami papuntang basketball court. Kami-kaming magbabarkada, well, ako, si Rence, Kyle, Brandon at Krystal. Nagyaya kasing magbasketball itong si Rence. Wala naman akong magawa kundi pumayag.
Ito pa yung mga panahon na boyish akong gumalaw. Hahaha, memories nga naman.
Nakarating na kami sa destinasyon namin. Nilapag ko na mga gamit ko sa bench.
"Nasan yung bola?" tanong ko. Nagstrecthing na rin ako. You need to get ready whenever. Binato sa akin ni Kyle yung bola na nasalo ko naman. Skills. Haha.
Nakita ko si Rence na hawak-hawak niya phone niya. Samga mata niya, parang galit siya na malungkot. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.
"Anong problema best?" konomfort ko siya.
"Nakipagbreak si.." umiiyak na siya. First time ko siyang nakitang ganito. And I mean ganito, i mean umiiyak.
"Sssh. Well, it's her loss. Tara na, laro na tayo." Hinihila ko siya para tumayo. Well, ayaw niyang tumayo kaya iniwan ko lang siyang nakaupo at malungkot.
"Anong problema ni Rence?" tanong ni Brandon.
"Nakipagbreak yung gf niya." Me, sounding bitter as ever. Nagshooting ako sa ring. Woosh! 2 points!! yeahh! Well, I've been practicing. Haha!
"Ouch. Sakit nun."
"Oo nga eh. Mahal na mahal pa naman niya yung babae. First love eh." Nag-3 points ako... WOOOSSSH! NAKITA NIYO YUN? PUMASOK!!
"Nice one dude!" Nag-high five kami ni Brandon.
"San pala si Krystal?" Tumingin ako sa paligid nang nakita ko siya sa may tindahan.
"Ayun oh!" Tinuro rin niya yung tindahan kung saan ako nakatingin. Tumakbo ako papunta kay Krystal nang nakita ko siyang pinapaligiranng mga lalaki na kasing edad lang namin.
"Krystal! Anong nangyayari dito?!" Nagulat ako sa nangyayari.
"Bitawan mo bestfriend ko!!"Hinihila ko yung guy palayo. Pilit niya kasing nilalandi si Krystal eh. Hindi ko siya nahila kundi nasampal pa niya ako sa mukha. Ito na, nagagalit na ako. Hinila ko ulit yung lalaki palayo sa bestfriend ko, pinagsisipa ko siya. Gumitna ako sa kanilang dalawa. Pero tinulak ako papunta sa puno, pilit akong hinahilakn ng lalaki.
"Tulooong!!" sumisigaw na si Krystal. Nakikita ko sa ekspresyon niya yung takot, galit at panghihina.
To the rescue naman sina Rence, Kyle at Brandon. Agad akong niligtas ni Rence at biglang sinuntok niya yung lalaki.
"Lumayo ka sa bestfriend ko!" sabi niya habang binubugbog yung lalaki. Tumayo na yung lalaki at tuluyan nang umalis. Niyakap naman ako ni Rence, " Buti nalang walang ginawa sa'yo yung hayop na yun."
"Kaya ko naman sarili ko Rence eh."
"Pero ayaw ko may mangyaring masama sa'yo." Napatingin ako sa mga mata niya. Anong ipinapahiwatig ni Rence?
Well, masasabi natin na dito nagsimula siyang magparamdam, pero syempre kinalimutan ko na yun.
"Huh?"
"Ayaw kong may mangyari sa bestfriend ko, okay?"
"Kaay." Lumayo na ako sa kanya, at kakalimutan ko nalang mga sinabi niya. "Tara uwi na tayo."
Ito yung time na nakita ko siyang magselos. At sa akin pa talaga noh? Hindi ko alam kung bakit naging overprotective siya that time or baka kasi kakabreak lang niyanun sa gf niya. Baka yun nga yun.
Balik na tayo sa kwento ko..
"Naalala mo naman ata Krystal yung time na nagbasketball kami tapos biglang alam mo na tapos binugbog nila." kinuwento ko sa kanya. "Well, yun lang yung time na nakita ko siyang magselos."
"Yah, yah, yah. Naalala ko yun, okay?" bumalik na kaming dalawa sa table, dala-dala yung MGA pagkain na binili namin. Oo, "mga", sorry ah, gutom kasi kami eh.
"Dami naman yan!" point out ni Brandon.
"Hindi naman ikaw yung kakain eh." sagot ko.
"BOOM! Barado si Brandon!" tumawanang malakas si Michelle.
Nag-enlighten naman mga mata ni Krystal, "Ooooh! Bagay yun aah. Brandon barado!"
"Hahaha, mas maganda tong naisip ko! BARAndon!" inemphasize ko yung "bara", gets? HAHA lol
Nauna akong tumawa sa kanila, so tiningnan lang nila ako parang baliw. Ganyan naman sila eh.
"Whatever, Ms. Sungit!" wow, Barandon ah! Talagang tinawag pa ako sa nickname ni Rence sa akin.
"Tse! Barandon!" Tinuloy ko nalang kinakain ko.
Biglang bumili yung araw. Di ko namalayan na tapos namga klase ko at uwian na.
"Lawrence!" Napatingin ako kung sino tumatawag kay Rence.
Gosh. I expected na si Princess. Well, guess what? Tama ako.
"Bakit Cess?" wow!! May tawagan na pala sila ngayon!!?? Niiiiiiice...
Lumayo na ako. Halata namang ayaw kong marinig usapan nila.
Nakasalubong ko si Krystal, Kyle at Michelle at parang hinaharangan nila ako.
"San niyo ako dadalhin?!!" hinila nila ako. More like, kinaladkad nila ako.
"Hi Princess, hi Rence!" bati ni Michelle.
"Bro, manunuod kami ng sine sa mall. Yung Furious 7 papanuorin namin. Sama kayo?" anong ginagawa ni Kyle? Sana, humindi sila. Sana humindi...
"Suuure! We love to go!" sinabi ni Princess. What to do noow?!!!
"Sige ba. What time? And kailan?" tanong ni Rence.
"Well, sa Sabado. If that's okay with both of you." galing makipagnegotiate ni Krystal.
"Waaiit. Di sasama sila Barandon?" tumawa ako slight sa nickname na binigay ko. Bakiiit? Nakakatawa kaya.
"Sige sige." sabi ni Princess. At umalis na silang dalawa.
"Saan sila pupunta?! Wait, sila na ba?" okay, supeer curious ko na.
"Chill, Rye. Palagi na silang naghahang-out tuwing uwian. And, Rence already clarified na friends lang sila. Kaya, no need to be jealous okay?" Wow, yung english nga naman ni Michelle, nakakadugo ng ilong.
Inikot konalang mga mata ko. 'Sasama ba buong barkada sa Sabado?" napansin ko silang nagtitinginan na parang may plano sila.
"Ano yung plano niyo, huh?" Mabili mata ko eh, sorry.
"Okay, wala pa kaming exact plan, pero magkakaroon kami before Saturday and don't worry, sasabihin namin sa'yo. At, oo, sasama yung buong barkada." inexplain ni Kyle.
Okay, mabigyan ko nga sila ng nickname!! Wieee!! Yun yung ipapalit ko sa contact names nila.
Nagvibrate phone ko, ibigsabihin may text ako.
From: Mr. Feeler
Excited na ako sa Sabado!!!
Huh? Anong ibigsabihin nitooo? Nakakalito naman forever si Rence.