Hindi naman talaga ako nagigising ng alas-nuwebe ng umaga, lagi akong gumugising ng maaga para kay Lorrain. Ngayon lang ako naging komportable na matagal bumangon dahil alam kong may mag-aalaga sa anak ko.Matapos kong maligo at magsipilyo ay bumaba na ako. Naabutan ko sila na nagtatawanan sa sala habang nanonood, si ate naman ay nagpapalinis ng kuko at si Lorrain ay nakakandong sa kanyang Lolo.
"Good morning" ako na ang bumati dahil hindi talaga nila ako napansin.
"Oh, kumain kana muna dun at anong oras na" sabi ni Papa
"Good morning, mommy" lumapit at humalik saakin ang anak ko.
"Kumain kana muna dun initin mo nalang at baka lumamig na" "hindi na kita ginising at mukhang napasarap ang tulog mo."sabi ni ate
"Ayos lang ate, salamat. Sige, kain lang ako" iniwan kona sila at ininit na ang pagkain sa kusina
"Maliligo daw po tayo sa dagat mamaya mommy yan kase sabi ni tita." sabi ng baby ko while hugging Grizz.
"Okay baby" I said habang tinutupi ang ibang damit n'ya.
"Mommy, I want to have pets, a cat or a puppy or both" she giggles after saying she want pets. (So adorable)
"Okay, we'll buy soon" I said with a smile plastered on my lips, assuring her.
"Thankyou, mommy" she smiled cutely. Im so thankful to have such a perfect daughter.
"I love you, baby" I whispered while lifting her and kissed her forehead.
Dumating ang tanghali at napagdesisyunan ng buong pamilya na sa tabing dagat na mananghalian.
Sobrang saya ni Lorrain habang naliligo sa tubig ng dagat at tawa pa s'ya ng tawa habang hinahabol s'ya ng kanyang pinsan.
Kahit gaano ka saya ng buong pamilya hindi ko yata kayang isipin na nagsasaya ako habang nung nakaraan parang alam ni Marvin ang tungkol sa bata.
Naaalala ko kasi ang kan'yang madilim na mga titig.
Sa aking pag-iisip ng mga bagay-bagay biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib dahil sa aninong biglang dumating sa harapan ko.
Natulala ako sa kanyang madilim na anyo hindi ko maintindihan ang kan'yang mga tingin pinaghalong lungkot, galit, inis, at saya, iyan ang nakikita ko sa kan'yang mga mata.
"we need to talk" aniya sa mahina at nakakakabang tinig
"A-ano bang p-pag-uusapan natin, umalis kana" sinubakan kong tumayo para makaalis na
"we need to talk, Lorrain is my child" namumula ang kan'yang mata ng banggitin n'ya ang pangalan ng anak namin
"ano ba? Umalis ka na" tinulak ko s'ya pero hindi s'ya natinag "bakit ka ba nandito, dapat nasa Manila ka diba para mag trabaho, yun naman ang gusto mo diba?" medyo natinag s'ya sa tulak ko dahil nakita kong nanghina s'ya sa mga sinabi ko, kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para umalis at puntahan si Lorrain.
Kinarga ko ang anak ko at nagmamadaling umuwi sa bahay. Nagliligpit ako ng mga gamit dahil aalis na kami, ewan ko hindi na ako sigurado sa mga gagawin ko.
"mommy, are we going to leave na?" she is trying to wear her sandal
"yes baby, I'm sorry" pagmamakaawa ko
"it's okay, I'm used to not stay in a peaceful places, I understand that we need to go back to Manila because of your work, right mom?"
Nalulungkot ako kasi ang tono n'ya ay siguradong-sigurado na talaga s'ya sa mga sinasabi n'ya kahit na nanghihinayang s'ya at gusto n'ya pang makasama ang kan'yang Lolo, tita, at pinsan.
BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST LOVE
RomanceHere is a story about a woman named Larah. She is beautiful and confident in everything she does. She is proud of herself and can accomplish difficult tasks through hard work. She does not easily give up on something until she achieves the desired r...