"Sya si Tonton?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Cassy at Jasmine,Maaga kaming umalis sa boracay dahil may mga pasok pa kami at Tita bukas.Nagtaka naman ako kina Cassy at Jasmine dahil dito daw muna sila sa condo ko,Tyaka ko lang nalaman kung bakit nang hindi ko makita si Astrid at Chester.
Hindi ko malilimutan ang boracay na yun dahil dun kompleto ang lahat,wala lang ang magulang namin ni Astrid.Pero kahit papaano hindi samin pinaramdam na hindi kami belong dun kaya masaya ako.Madami kaming sinubukan sa boracay,at hinding hindi ko malilimutan yun dahil dun naging sobrang masaya ako.
Kala ko nga hindi na kami ulit makakapag bonding ni Chester pero hindi,kumain kaming dalawa,naglakad lakad,pinanood ang araw kung pano ito unti-unting umakyat,nag try din kami ng mga water activities.Masaya ako kase ngayon nalang ulit kami ni Chester nakapag bonding at alam kong masaya rin sya nun dahil kita ko yun sa mga mata nya.
Napabuntong hininga nalang ako nang maalala yung kagabi at kaninang pag alis namin na dun muna daw patuluyin si Astrid sa bahay nila,Magsasalita pa nga sana si Mimina at Cassy kaso pumayag si Chester kita ko ang galit sa mga mata nila nang sabihin nya yun,gusto ko rin magalit pero ayoko,ayoko masira ang mga ngiti sa muka nila at kung gaano sila kasaya kay Chester at Astrid.
"Gwapings naman pala ang Tonton mo!" Sabay tawa ni Mimina.
"Hala,ikaw pala si Reena!Baliw na baliw kaya ang pinsan ko sayo.." Sabay pout ni Cassy,napailing nalang ako sa mga pinagsasabi nila.
Sabay sabay naman kaming napabaling sa pintuan ng makitang nagtutulakan pa sina Triton at Jaylen,napasulyap naman ako kay Jasmine ng makitang nakatitig lang sya kay Jaylen,wag mong sabihin na gumana ang plano ni Kate na magustuhan nila ang isa't isa?
"Do you like her?" Wala sa sariling tanong ko,agad naman syang napahawak sa dibdib nya at tumingin sakin na gulat na gulat.
"Hell no!Ang iw naman kung papatol ako sa babaero na yan!" Depensa nya kaagad,Natawa nalang ako dahil mukang kakainin din nya ang mga sinabi nya.
Napatingin naman ako kay Tonton na kanina pa palang tulala sakin,ang lalim ata ng iniisip ng Tonton ko hmmm..Gosh!Anong Tonton ko Vien?!
Ngumiti nalang ako ng malapad kay Tonton bago sya kawayan,Agad naman syang ngumisi at agad na tumabi sakin,simula nung malaman kong sya si Tonton hindi na ako umaalis sa tabi nya.Ayoko ng umalis sya parang lagi nalang may kulang sakin pag hindi ko sya nakakasama,buti nalang at hindi ako naiilang sakanya.Sya parin talaga ang dating Tonton ko.
"Hi Jane!My sugar mommy!" Sabay ngisi ni Jaylen Storm.
"Tang*na mo,lalaking binudburan ng abo ang buhok!" Ganti ni Mimina,napa "ohh" naman kaming tatlo dahil sa lutong ng mura ni Mimina,kaso eto namang si Jaylen umaktong nasasaktan pa.
"Hey!My Sugar Mommy don't say bad words, go ahead, your sugar daddy won't kiss you again."
Agad naman akong napatingin kay Mimina..
"Anong again?" Sabay singkit ng mga mata ko,bigla naman syang namula at akmang tatayo na ng biglang may nag bukas ng pinto,kaya agad kaming napalingon dun.
At dun ko nakita ang lalaking sinusundan ni Cassy dati,anong ginagawa nya dito?
Diko mapigilan titigan ang lalaking nakatayo ngayon sa harap namin,meron syang asul na mata..bakit parang mali ang iniisip nila?muka namang hindi sya snatcher,parang mayaman sya na nag panggap?Ewan koba basta yun lagi ang tingin ko sakanya.
Napabaling naman ako kay Cassy na dali-daling nilapitan yung lalaki kasabay nun ang agad nyang paglingkis sa braso ng lalaki.
"Umm.." Kinakabahang sambit ni Cassy,Kita mo sa muka nya ang kaba pero kapag tinitigan mo ang mga mata nya makikita mo dun ang kasiyahan.
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
Storie d'amoreThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...