A friend
Napahiwalay kami sa pagyayakapan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Ara at Yuki na may gulat na expression sa mukha.
Papalit palit kung tignan nila kaming dalawa ni Archer kaya hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha at mahiya.
Sino ba naman kasi ang hindi totobuan ng hiya kung madatnan ka ng mga kaibigan mo na may kayakapan?! At lalaki pa!!
Nabasag ang katahimikan na namumuo sa pagitan namin ng tumikhim si Archer kaya napatingin kaming lahat sakanya.
"Excuse me....uhm.... i think, i need to go. May kaylangan pa pala akong asikasuhin." nahihiya niyang paalam. ngunit walang imik pa rin yung dalawa na nasa pintuan parin habang nakatingin saamin.
Nang walang makuhang sagot tumingin siya saakin pahiwatig na aalis na siya kaya naman tinanguan ko nalang ito.
But before Archer leave, he look at me and smile as saying goodbye.
"Babalik ako bukas, and make sure that your parents is already here para naman maipaalam na kita." he said before leaving.
Pagka alis niya doon lang gumalaw yung dalawa at dali-daling pumunta sa kinaroronan ko na may naguhuluhang mukha.
"Ipaliwanag mo kong anong nakita namin! Sino yun, boyfriend mo?! Ano yung payakap-yakap na yun? Zb ikaw ahh naglilihim ka na saamin." may halong pagtatampo sa boses na tanong ni Ara kaya medyo natawa ako sa itsura niya. Muka siyang batang inagawan ng candy.
Ngunit natigil ako sa pagtawa ng magtama ang mata namin ni Yuki, tahimik lang siyang nakatingin saakin, medyo kinakabahan ako kay Yuki ngayon dahil hindi naman siya ganitong sobrang tahimik!!
Oo, tahimik siya pero ibang iba ngayon. Masyado siyang seryuso habang nakatingin saakin.
"Hoy! Zb, ano? Kailan mo sasagutin yung tanong ko? May namamagitan ba sainyo ng lalaki na yun? Huh?" nakataas na kilay na tanong niya. Pano ba naman kasi kunh makatanong naman kasi siya akala mo naman napakalaki ng kasalanan ko sakaniya.
"Ano... u-uhm... W-wala" nauutal kong sagot habang hindi nakatingin sakanila.
Namumula pa rin ang pisngi.
"Oh ba't ka nauutal. Simple lang naman ang tanong ko ahh."
'Kung sayo simple pwes saakin hindi!! Dahil kahit ako mismo hindi ko rin alam!!' gustong gusto ko yun isigaw sa kaniya pero parang natuop ang bibig ko. Hindi ko alam kong anong isasagot ko.
Tinignan ko muli silang dalawa at ganun din sila saakin. Seryusong tingin ang ibinabato saakin ni Yuki habang nakataas ang kilay naman ang kay Ara.
Mariin akong pumikit, kasabay nun ang paghugot ko ng isang malalim na hininga bago ako dumilat at tumingin muli sakanila.
"Okay...ganito kasi yun nakilala ko siya 1 buwan nang nakalilipas, doon sa opisina ni Nurse A. Pero hindi kami yung parang normal na nagpakilala sa isa't isa, kasi naman sobrang naintimidate talaga ako sakanya kasi sobrang seryuso niya tapos kung makatingin siya saakin, para akong may ginawang masama sakaniya. Alam mo yun?" pagkwekwento ko sakanila na may ngiti sa labi habang binabalikan yung panahon kung paano kami nagkakilala.
"Tapos 2 weeks after non, ewan ko ba kung sinasadya ba ng destiny. Kasi nung pumunta ako sa rooftop hindi ko alam nandoon din siya tapos narinig ko siyang kumanta. Sooobrang galing niyang kumanta, tapos sabi niya pangarap daw niyang maging isang magaling at sikat na song writer at producer pero ayaw ng daddy niya. Gusto ng daddy niya na ipagpatuloy yung pag memedisina at itigil ang pagkanta, yun nagkaroon ng kunting kwentuhan. Pero actually hindi ko nga yun ineexpect dahil sino ba naman ang hindi mabibigla eh, isang beses lang naman kami nagkita tapos hindi pa kami masyadong close." pagpapatuloy ko.