Kaya sa pagbukas na pagbukas ko ng pintuan hindi na ako nagdalawang isip na salubungin siya ng isang yakap. Walang pakealam kung may makakita.
Ewan diko alam kung bakit ko ito ginagawa pero basta bigla ko nalang naramdaman na gusto ko itong gawin sakanya.
Ok na sana not until..."What the hell Zhannayah Blaire?! Ganyan mo ba talaga ako ka-miss huh?" natatawang tanong ni Ara habang nasa gilid naman nito ay si Yuki na nasa weelchair kita ko naman sa mukha ni Yuki ang medyo natatawa
Eh?!
Anong gingagawa nila dito?! And me and Ara? Seriously?! Bakit siya pa nayakap ko at hindi nalang si Yuki?! Pagtritripan lang ako nito!
"You wish!" puno ng inis kong sabi pano ba anman kasi naririnig ko na yung nakaka asar niyang tawa!!
Sa ngayon dalawa nalang kami ni Nykx sa kwarto ko dahil bumalik saglit si Ara sa kotse na dahil may nakalimutan siyang dalhim dito.
Talaga nga naman
"Hindi ka nag iingat tignan mo parang matatanggal nanaman yang nakatusok jan sa may kamay mo." mahinahon at puno ng kalmang sabi ni Yuki habang nakatingin sa may kaliwa kong kamay, kaya naman kaagad din akong napatingin doon.
Looking at my hands kung nasaan yung may nakatusok hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot ang tagal na kasi nung last na yung pakiramdam na walang kahit na anong nakatusok sayo sa kamay.
"Nagmamadali ka noh? May ini-expect ka ba na bisita sayo bukod samin?"
"Wala naman syempre di ba pwedeng miss lang kita?" pagpapalusot ko. "Tyaka ok lang ako sanay na rin naman. Nga lang namamaga na yung isa kong kamay dahil sa nakatusok dito sa kamay ko."
Pero tinignan lamang ako nito ng masama.
"Kahit na importante pa rin yan, mamaya kung ano ano nanamang mangyare sayo, mamaya pagkarating ni Ara ipa suyo natin na tumawag ng nurse para maayus at mailipat yan sa kabila ng makaginhawa naman yang kaliwang kamay mo." puno ng awtoridad nitong saad
Kokontra pa sana ako ng tignan na ako nito ng masama.
Sabi ko nga, oo nalang.
"May bagong pasyente dito alam mo na?" pagbubukas niya ng usapin.
"huh?" ano daw?? Bagong pasyente?
"Sabi ko may bagong pasyente dito, nakita ko lang nanjan lang katabi ng kwarto mo, lalaki."
"Ano daw sakit?" di ko alam pero bigla akong na curious sa bagong pasyente na yun taposmas naintriga pa ako dahil ito ang unang beses na nagkwento si Yuki tungol sa lalaki kaya diko mapigilang magtanong kahit feel ko wala naman akong pake dun sa lalaki
"Di ko pa alam pero naririnig ko Depression daw and Anxiety."
Kaya napa "O" nalang ako sa kawalan ng masasabi. Well mahirap din ang pagkakaroon ng depression at anxiety kumabaga kasi sa isang taong may sakit from outside may pag asa pa na gumaling at hindi pahirapan ang process from my point of view lang naman.
But depression and anxiety? That's pretty hard kasi yung kalaban mo diyan hindi mo nakikita pero nararamdaman mo. It's either yung kalaban mo is yung nararamdaman mo or yung sarili mo, well both naman na parehong hindi madaling lampasan.
Depression is like living in a body that tries to survive, but in mind that tries to die.
Kaya sa mga kagaya talaga niya na may ganitong uri ng sakit, maganda na mas mabigyan sila ng attention at hindi lang pinapagsawalang bahala.