KABANATA 14

18 4 0
                                    

Familliar

2 years had passed at nagpapasalamat ako na sa dalawang taon na yun ay buhay pa rin ko kahit papaano. Malaki ang naitulong saakin noon ng pagpapa opera ko kasabay ng pagpapa chemo ko.

Tuluyan na ring nalagas ang mga buhok ko kaya naman naka bonet nalangko ngayon minsan naman naka wig lalo na kapag kumakain kami sa labas.

At sa dalawang taong iyon wala pa ring pinagbago sa sakit ko. Minsan kapag sinusumpong ako ng sakit ko dinadala agad ako nila daddy sa hospital.

Minsan na rin akong nacoconfine sa hospital at 1 buwan ang pinaka matagal kong stay doon. Nong na admit nga ulit ako natakot ako ng sabihin ng mga doctor na kakailanganin ko ulit mag stay doon dahil parang mas lalong lumalala yung sakit ko pero nagpumilit ako na ayuko.

Kung ganon lang din pala mas maganda na mag enjoy nalang ako, gawin yung mga bagay na ilang taon kong hindi nagawa simula nong i-admit ako sa hospital ng sobrang tagal. In the end wala ring nagawa sila daddy kundi ng pumayag. Hehe makulit ako ih.

Pero sabi nila kapag daw naulit nanaman yun hindi daw sila magdadalawang isip na ibalik ulit ako sa hospital na yun. Sa ayaw ko man o sa gusto.

Kaya naman todo alaga na talaga ko sa sarili ko ngayon sa kadahilanang ayaw ko na ring bumalik pang muli doon, tama na yung halos kalahati ng childhood ko ay doon.

Buti nalang at malakas ang pangangatawan ko nitong mga nakaraang araw. Mukhang sumasabay sa agos ng gusto kong mangyare.

At pamninsan minsan pa rin umaattend ng session sa chemo at sa check ups, pansin ko rin na nitong mga nagdaang buwan, lumaki ang ikinabawas ng timbang ko, pero ayus lang sakin ang importante buhay ako ngayon at nakakakilos pa.

Gumaglaw at humihinga.

Maraming nagsasabi na, hindi naman daw ganito ang healthy kasi ang payat payat ko tapos ang putla pa pero ang totoo niyan, saaming mga nag the-theraphy normal na sa amin ang ganitong katawan. Kung tutuusin para samin ito na ang pinaka stable at pinaka maayos na katawan namin.

"Oh ano naman na ngayon ang pinag kakaabalahan mo? Busy ka ba?" tanong saakin ni Ester ang bago kong kaibigan.

I met this girl named Ester in art museum. Doon kasi siya nag papart-time job, yes, Ester is a working student. Nakilala ko siya doon ng minsang pumunta ako sa art museum at sa kamalas malasan ko doon pa ako inatake ng sakit ko.

Good thing si Ester ang nakakita saakin non at swerte ko pa rin kahit papaano dahil buti nalang at pagiging Doctor ang kinuha ni Ester sa collage. Kaya kahit papaano ay may alam siya kung anong dapat gawin sakin.

At doon nag-umpisa ang pagkakaibigan naming dalawa.

"Not really dadalaw lang ako ngayon kay Yuki alam mo naman katatapos lang ng operation nun sa puso kaya gusto ko na siyang madalaw at makita kung ano nang kalagayan niya." puno ng excited kong sabi sakanya.

And yes nakahanap na ng donor si Yuki. For years sa wakas hindi maghihirap pang muli si Yuki at sobrang saya ko para sakanya.

For the passed 2 years napakarami ng nagbago sa buhay ko.

Sobrang bilis ng panahon, parang dati lang halos parang maging bahay ko na itong hospital na ito pero ngayon....

Pinayagan na ako ng mga doctor ko na dito na sa labas dahil na rin sa kagustuhan ko yun ang totoo. Gusto ko na rin kasing maranasan yung mabuhay ng normal.

At sa pagbabago na nangyare, una na roon ay nakalabas na ako sa hospital, pangalawa nagkaroon na rin ako ng mga bagong kaibigan isa na roon si Ester, pangatlo malapit nang grumaduate ang kambal isang taon nalang at makakagraduate na sila!

Back To The Ocean [ EDITING ]Where stories live. Discover now