Napatingin ako sa rearview mirror para makita ang kotse na nakasunod sa'kin. Kung saan nandoon si Fayre.
Kung bakit ba naman kasing pareho kaming may dalang kotse. I should've said na wala akong dala kanina para sakaniya nalang ako sasabay. Pero wala e, ayaw magpatalo ng isa. Buti nalang sumama dahil akala ko talaga kanina ay hindi siya papayag. Of course, I just invited her once, ayoko namang pilitin siya pero nung pumayag siya parang lulundag na talaga ang puso ko sa tuwa kanina.
Nang makarating kami sa reception, I kinda regretted that I invited Fayre to have lunch here. Bakit ko nga ba ulit siya niyaya na dito kung pwede ko namang i-ditch nalang 'tong bagong kasal na 'to para samahan si Fayre mag-lunch somewhere she wants.
Especially when the other guests starts whispering about her. Nag-text naman ako kay Reinne kanina kung pwede ako magdala ng plus one sa reception, and he said yes kaya wala na akong pake sa sasabihin pa ng ibang bisita, but Fayre would. I'm worried that they really made her uncomfortable. I should've bought her a dress first para hindi siya lalo maging uncomfortable dahil out of place talaga ang suot niya, na dahil do'n ay pinupuna siya ng ibang guests.
Very wrong move, Kace.
"Okay ka lang?" I looked at her over my shoulders. Gulat naman siyang napatingin sa'kin. "Don't mind them." I said as I give her a reassuring smile. She just gave me a single nod with a half smile that made me bother so much. But it's a good thing na sa pinakalikod kami ni Fayre nakaupo.
Isa na rin siguro ang rason kung bakit ako nagsisisi na dinala ko siya rito because she has to see me performing in front. Nakalimutan kong may dance number nga palang hinanda ang mga bride's maid andd groom's men para sa couple, at mas nakakahiya pa roon na isa sa Twice song ang sinayaw namin. I could feel my ears burning because of embarrassment when I'm dancing and she's watching me. Pero I think I could bear that much embarrassment kung makikita ko ang pagtawa at pagngiti niya. I'm thankful din na medyo naging komportable na siya dahil sa kahihiyan na ginawa ko sa harap.
"CR lang ako." Paalam niya, pagkalingon ko ay nakaalis na ito.
Pinagpatuloy ko nalang ulit ang pagkain ko habang inaantay bumalik si Fayre ngunit muntik na akong mabulunan nang tawagin ng host si Fayre. Pabalik-balik ang tingin ko sa host at sa kaawa-awang si Fayre habang tinatanong nito kung mag-CCR lang ba talaga siya.
I'm lying if I would say that I'm fine with this. Kada event talaga may pinagtri-tripan ang mga host, at malas ko lang na si Fayre pa talaga ang napagtripan ng isang 'to. Gusto ko siyang batukan for making Fayre uncomfortable. Okay na nga, e. Hindi na nga siya kinakabahan sa mga taong nakapaligid sa'min, tapos sisirain ng isang 'to.
"Osige, siguraduhin mo na bumalik ka ah! Ikaw lang ang naiibang damit dito kaya madali kitang makita." Pagbabanta ng host sa kaniya na tinanguan lang ni Fayre. Nagtama pa ang mga mata namin bago siya tumalikod.
Sana lang nakuha niya ang paghingi ko ng tawad gamit ang mga mata ko. Kabaligtaran ng mga tingin ko kay Fayre nang itinuon ko na ang mga mata ko sa may stage.
I smiled when Fayre got back in her seat, and she replies with a awkward smile. And because of that, my body became restless. Nagdadalawang isip ako kung tatakas nalang kami ni Fayre dito nang tawagin ng host ang mga groom's men na nagpabalik sa'kin sa reyalidad.
"'Kala ko si Gwen?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Caleb. Kaibigan at block mate ko nung college.
"Oo nga. Ang akala ko hahabol siya?" Si Lauren na kalalapit lang sa'min.
Tinanaw ko muna si Fayre mula sa table namin na nag-pphone lang bago binaling ang mga dalawa sa harap ko. "Puro kayo Gwen." Nakangiwing sagot ko sa kanila. Ilang beses ko pa ba sasabihin na hindi nga kami ni Gwen. "Atsaka busy yung tao kaya hindi nakapunta."
YOU ARE READING
Spoiler Paradox (High school series 1)
RomanceSpoiler Paradox - Knowing the ending of a story before reading it does not detract from the enjoyment of the story, according to psychological research. Fayre Iris Valencia, became the anonymous bestselling author with her young adult fiction and ro...