Chapter 4: Pagtataka

902 33 0
                                    

Chapter 4

Jerk's POV

Naka-jackpot ako kay Clary kanina! Yahoo! Kaso parang Naaawa ako sa kanya kasi parang pinaglalaruan ko siya. No! Di ako pwedeng maawa sa kanya.

"Jamie, lagi mong tatandaan this is Revenge sa ginawa niyang Pag-iwan sayo noon." sabi ng utak ko.

Tama! Paghihiganti ko ito sa kanya sa ginawa niyang pag-iwan sakin.

Di na ako Pwedeng main-love sa kanya ulit kasi sasaktan o iiwan niya lang ako ulit.

Di na pwede.

Di na pwede.

~

Clary's POV

Ugh! Bakit ba kasi ganto yung nararamdaman ko?! Meron ba akong di alam?

Meron mali eh!

Meron talaga pero di ko alam kung ano yun.

Pero bakit ganon? Feeling ko talaga pag kasama ko si Jerk.

Parang ang kasama ko ay si jamie, hindi si jerk.

Pero hindi eh! Sobra silang magkaiba.

Sa ugali pa nga lang, magkaiba na sila. Syempre lalong lalo na sa itsura. Sobra talaga silang magka-iba. Sobra talaga.

Pero Bakit parehas silang may nunal malapit sa ilong?

Ay nako, Clary! Napa-paranoid ka lang siguro. Di ko na nga iisipin yun, matutulog nalang ako.

Bukas ng umaga ko nalang ihahanda yung mga gamit ko para sa swimming. Ay teka, saan at anong oras ba yung swimming namin bukas? Hayaan ko nalang. May magtetext naman sakin ng reminder eh.

----

8:45 a.m at Clary's House.

Kring! Kring! Kring!

sabi nung alarm sa phone ko.

Umupo muna ako sa kama ko at tinignan yung phone ko kung may nag text naba na reminder about sa swimming namin.

"From: 0922*******

Good Day! Just want to remind you na ang swimming natin ay mamayang 9:30 a.m sa King John Water Park Resort.
Thanks."

Pagkatapos kong mabasa yung reminder, Tumayo agad ako para ayusin yung mga dadalin kong gamit at damit.

After ko namang magayos ng gamit. Bumaba naman ako sa kitchen para Kumain ng breakfast. Sakto kasi nakapag ready na si mama ng breakfast namin, nandun narin sila kuya. Nagpaalam na rin ako kay mama na may swimming kami mamaya.

Then After nun, naligo na ako at nagbihis. Well, I'm wearing a hoodie pero mukha na siyang dress kasi mahaba siya and I'm also wearing shorts tinerno ko nalang sa Keds.

Ako nalang nag-drive ng kotse ko papuntang Dun sa resort. Pag dating ko dun. Nandun narin yung iba naming kaklase. Tinulungan ko nalang yung mga babae kong class mates na magluto. Tinanong ko rin yung mga names nila hehehe. Nagka-kwentuhan din kami.

After namin magluto. Dumiretso ako sa CR malapit sa entrance gate para maghugas ng kamay. Ng bigla akong may nakitang lalaki papasok na sa entrance gate.

It's him.

It's The jerk.

But wait, with another girl?

MY BESTFRIEND IS A GANGSTER | JADINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon