His mistress for a night (Tim's secret affair)

28.1K 344 160
                                    

The Doctor is in.

Mahabang pila. Iyan ang bumungad sa akin pagpasok ko ng hospital at pagkarating na pagkarating ko sa may klinika niya. Pumasok ako sa loob at nagpalista sa mahigit kwarentang edad na sekretarya na sinimangutan agad ako pagkakitang-pagkakita sa akin. Ngumiti nalang ako. Sa haba ng pila sa labas palagay ko ay pagod na siya at talagang humabol pa ako sa kahuli-hulihan oras.

Umupo ako sa tapat ng mesa niya habang pinifill-up-an ang new patient record. Unang beses ko pa lang magpapatingin sa kanya, hindi sa ngayon ko lang siya nakilala o nakita kundi ngayon lang ako nagkalakas ng loob na gawin ito.

Tawanan. Iyon ang narinig ko sa loob ng klinika ng doktor. Narinig ko ang pagtawa niya mula sa loob at di ko mapigilan kiligin sa boses palang niya. Nanlalamig ang kamay ko sa antisipasyon na maaring makita at makausap ko siya ng malapitan sa tagal ng panahon tiniis ko.

Bumukas ang pinto ng klinika niya sa loob at may lumabas na babaeng buntis mula rito na napakalaki ng ngiti at tila buhay na buhay ang kanyang mga mata. Napangiti nalang ako. Balita kasi ang epekto ng karisma ng doktor na 'to. Kunsabagay, hindi pa man ako magpatingin sa kanya ay palagay ko apektadong apektado na ako ng kanyang karisma.

"Hindi ba siya talaga titigil dito?"naulinigan kong salita ng buntis na babae sa sekretarya ng doktor.

"Reliever lang po siya ni Dr. Samartino. Sa susunod po na check-up niyo si Dr. Samartino na po ang titingin ulit sa inyo," halos pasinghal na sagot ng sekretaryang hindi ko man lang kinakitaan ng ngiti.

"Sayang naman, kung malapit lapit lang ang Maynila dito dadayuhin ko nalang sana siya roon." Sabi ng babaeng buntis sabay abot ng pera sa sekretaryang hindi ko alam kung may buwanang dalaw o nagmemenopausal na dahil sa ugali niya.

Hindi nagsalita ang sekretarya ngunit umirap nalang ito pagkatalikod ng babae sa amin.

"Tsk! Buntis na nga naglulumandi pa," nagulat ako ng biglang nagsalita ang sekretarya. "At ikaw babae hindi ka pa ba tapos diyan?" dagdag pa nito at sabay taas sa akin ng kilay niya na sobrang nipis sa kakaahit.

"Eto po tapos na po ako. Sa labas nalang po muna ako."

"Sandali lang!" tatayo na sana ako ng nagsalita na naman ang sekretarya.

"Po?" mahina kong sambit sa kanya.

"Buntis?" hindi niya nakatinging tanong sa akin.

"Hindi po."

"Tsk. Isa na naman sa mga babaeng naglulumandi sa doktor na ito." pabulong niyang sabi na intensyon niya talagang hindi ko marinig pero malakas ata ang pandinig ko.

"Ano po 'yon?" kunwari'y di ko naulinagan ang salita niya.

"Wala, maupo ka na sa labas at ikaw na ang kahuli-hulihan pasyente. Dapat nga hindi na kita tinatanggap dahil alas singko 'y media na. Hindi mo ba alam na 2 pm to 5 pm lang ang clinic hours?"

His mistress for a night  (Tim's secret affair)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon