Chapter 15 : The Arrivals

8 1 0
                                    

Chapter 15 : The Arrivals

AVEREN


Nakatingala lamang ako sa ilaw na nasa itaas, hindi ko matukoy kung ano ba ang maaari kong gawin ngayong abala si Asra at lahat ng tao sa manor. Si Azurine naman at tila walang paki at taimtim na nagbabasa ng kaniyang mga libro. Marahil masyado na itong nasanay na wala siyang responsibilidad dahil lahat ng tao sa paligid niya ay itinuturing siyang walang kwenta at wala rin silang inaasahan sa kaniya.

How I wish I can also settle in my seat just like her, but no. Something is bothering me and I don't even know what is it. Hindi ako mapakali.

Umahon ako sa aking higaan at tinanaw ang bintana sa silid. Sunod sunod na mga katulong ang dumaan sa ibaba ng bintana, may dala-dalang mga kagamitan ang mga ito.

Wala akong alam sa nangyayari kaya kuryoso ako kung ano ang mga kaganapan, hindi ko pa rin nakikita si Asra dahil abala ito. Maging si Savani at Darwin ay hindi ko pa rin nakikita muli.

Matapos silang maipatawag noong nakaraan, nang magdatingan ang namumuno sa bawat house ay hindi ko na muling nakita ang tatlo. Hindi ko alam kung umiiwas ang mga ito sa tanong para sa amin o talagang wala lamang silang oras upang makita ako o si Azurine.

Bumuntong hininga na lamang ako at lumabas upang kumuha ng makakain sa kusina. Kilala na naman ako ng mga katulong dito at sinabihan na sila ni Asra na huwag akong pakialaman kaya walang problema kung kumuha ako ng pagkain. I made my way towards the kitchen and it's busy as usual.

I don't want something grand to eat, ayos na sa akin ang tinapay kay kumuha ako sa tray at muling bumalik na papunta sa aking silid.

Nasa hallway na ako ng marinig ang pamilyar na mga boses. Nang gagaling iyon sa tapat ng pintuan ng aking silid.

"There's no way! It's impossible." Rinig ko ang denial sa boses ni Savani.

"Yeah, so why did you avoid her?" Now it was Asra's voice.

"Hindi ko siya iniiwasan, Asra. I need some time to think that's why I didn't meet her muna. It's so confusing you know? It's clearly Averen's voice we heard on that room but she's not even involved on the whole situation, plus, the girl introduced herself as Elena, the name of the maid that served us when we got lost on the Central Forest's abandoned mansion!" Halos kapusin ng hininga si Savani nang sabihin iyon.

"Calm down. Don't meet her yet, you clearly need more time to convince yourself."

"No!—"

Napag-isipan ko nang lumabas dahil baka kung ano pa ang marinig ko sa pinag-uusapan nila na dapat ay hindi ko naman marinig. Tumingin ang dalawa sa akin at nagulat nang makita ako. Mukhang hindi nila inaasahan na makikita nila ako sa hallway dahil ang akala nila ay nasa kwarto ako.

Asra noticed the bread on my hand so he loosened up. Maging si Savani ay umayos na ng tayo.

"Averen! Saan ka galing?" Ngumiti si Savani.

"Kumuha lang ako ng tinapay," Iniangat ko ang aking hawak.

Hindi ko makuha ang naging reaksyon ni Savani nang sagutin ko siya. She looked teary while looking at me as if I am something that she lost a month ago and found just now. Naiiyak ito na may ngiti sa labi na siyang ipinag-taka ko.

"Yes! This is my Averen. My sweet and innocent Averen. There's no way you're like that person." Nagulat ako nang hilahin ako ni Savani at niyakap ng mahigpit.

"A-Ah?" Taka kong tanong at pilit kinakausap si Savani ngunit abala ito at hindi man lang tumitingin sa akin kaya naman hinila ako ni Asra papunta sa kaniyang mga kamay upang makawala.

Viridescent BloodWhere stories live. Discover now