My Bestfriend's Ex-Boyfriend

1.2K 30 37
                                    

" best ! he broke up with me :( "

Nandito ako ngayon sa bahay ng bestfriend kong si Jillian and kasalukuyan ko syang kinucomfort dahil sa break up nila ni Bren.

Sus !

Lagi naman silang ganyan eh . Di pa ko nasanay .

Lagi naman nakikipagbreak yung lalaking yun sa bestfriend ko eh, palibhasa gwapo siya, habulin siya ng mga babae, pati nga mga bakla nagkakagusto eh, madami talagang nagkakagusto sa kanya. bukod kasi sa gwapo, e mabait talaga sya. Perfect ika nga.  Actually isa nga ako sa may mga gusto sa kanya eh pero lihim lang . ako lang nakakaalam.

Ayoko kasi magkalamat yung relasyon namin ng bestfriend ko because of one guy. Alam ko rin kung gano niya kamahal si Bren at alam ko rin naman na mahal rin ni Bren ang bestfriend ko.

Away-bati sila, sobrang sweet pag magkasama to the point nasasaktan na ko pag nakikita ko sila kung pano mag lambingan.

NAIINGGIT AKO .

Hindi lang kasi simpleng pag kacrush yung nararamdaman ko for Bren e .. Mahal ko rin sya. Mahal ko pa dati pa. Bago ko pa mapakilala sa kanya si Jillian.

" ok lang yan.. lagi naman kayong ganyan eh. " cool na cool na sinabi ko sa bestfriend ko.

" nangako kasi siya eh.. huhuhu.. :'( sabi niya di niya na ko iiwan, sabi niya hindi niya na ko sasaktan.. hindi ko pa alam kung magkakabalikan pa kami o hindi. "

 

Patuloy parin siya sa pag iyak. kahit mahal ko ang lalaking mahal ng bestfriend ko, hindi ko magawang hindi maawa sa bestfriend ko. Halatang ibang-iba yung paghihiwalay nila ngayon.

" gago siya ! lahat binigay ko tas iiwan niya ko ? " 

 

" ano ba kasing rason ? bakit daw ? " tanong ko sa kanya sabay himas sa likod para i comfort siya.

" tingin niya kasi niloloko ko sya :'( e mahal na mahal ko yun eh "

 

" kausapin mo kaya ? may pag asa pa yan .! "

 

" lagi nalang ako taga habol ! :'( never niya pa ko binalikan ng kusa. lagi nalang ako nag mamakaawa sa kanya. kahit mahal na mahal ko siya. napapagod din ako nuh :'( mas maganda pang ubusin ko nalang tong luha ko kakaiyak kesa mag habol pa ulet tas iiwan niya ko ulet "

Nag pipilit maging malakas na naman tong bestfriend ko.

nagpipilit na kaya. tss.

" so ? anong plano mo ngayon ? "

" mag momove on na ko ! tama na yung nagawa niya sakin . tama na pag papaiyak "

Kaya kaya nitong babaeng to mga pinagsasabi niya ? hays . bahala ka nga. susuportahan nalang kita.

" sige . best . kaya mo yan ! :) smile ka na . "

My Bestfriend's Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon