X

1 0 0
                                    

Katulad ng hinala 'ko, walang nagreply sa mga texts at sumagot sa mga tawag 'ko kagabi. Even though he said that it's his Kuya Javier's driver, but his face tells me otherwise. I know it might be a person who's receiving direct orders from his family. Hindi naman na haka-haka ang ideya na maaaring hindi ganoon kaganda ang relasyon ni Silas sa pamilya niya. For years, I have watched him flinch every time the topic is about his family, and never once indulge questions related to it. Kada rin may parent-teachers meeting ay si Ate Giselle ang pumupunta para mag-representang guardian niya.

It's like he's been excluded by his family, and will only be called on some occasions.

Pumasok ako kinabukasan na hindi na nag-abalang tawagan pa uli si Silas. He could be somewhere unreachable... like a plane or he might be extremely busy that's why. Akala ko'y hindi na uli 'to mangyayari, dahil noong nakaraang taon ay halos wala akong matandaan na okasyong nawala si Silas. But knowing Silas only on the surface, I might have missed tiny details about him.

Dahil opisyal na ang pagbubukas ng booth ay mas maraming tao ang nasa eskwelahan ngayon, pwede na rin kasing pumasok ang mga outsiders lalo na 'yung mga potential enrollees para malibot nila ang eskwelahan. Pagpasok ay hilera agad ng mga stall ang makikita sa quadrangle. Iba't ibang mga clubs and organizations ang nagtayo ng booth doon, karaniwan ay puro sa pagkain at iba't ibang mga paninda.

Bumili agad ako ng panali sa booth na mayroon. I've been preoccupied earlier that I forgot to bun my hair, and since it's already reached my torso, it'll be a hassle to keep it hanging. Nang maitirintas ito at matali ay nagsimula na akong maglibot.

There are a lot of fun activities prepared by our school clubs, karaniwan na 'yung jail booth at wedding booth na may hiyawan kada minuto. I smiled seeing some small girl dragging another boy, who's so shy to refuse and just let her be. I bet Silas would get wedding requests if he's here too. Katulad last year na kinailangan niya ng magtago sa CR dahil sa dami ng naghahanap sa kaniya at gusto siyang maging groom. Natawa na lang ako sa naalala.

Papalapit pa lang sana ako sa isang stall na nakita 'kong nagtitinda ng parang naka-spiral na kung ano sa stick ay may dalawang kamay na ang humawak sa magkabilaang braso 'ko. Nilingon 'ko sila parehas at nakitang isang babae at isang lalake ito. Hindi 'ko nga lang sigurado anong year dahil wala silang suot na ID.

"Miss, you're under arrest. Tara na po sa jail booth." Sabi noong isang lalakeng naka-itim sa kanan.

Nanlaki ang mata 'ko at tinignan ang tinatapakan 'kong pwesto. Wala namang marka ng X? Akala 'ko ganoon iyon? Wala na 'kong nagawa nang hinatak nila ako at inakyat sa 2nd floor ng ikatlong building sa secondary department. Pagdating doon ay dumiretso kami sa isang klasrum na may nagbabantay na dalawang lalake sa magkabilang pintuan at isang babae ang nakaupo sa teacher's table sa labas.

Umangat ang tingin niya sa akin at bahagyang nanlaki ang mata, bago sinilip ang likod 'ko. Kumunot ang noo niya at tinignan ang lalake kanina, "Walang kasama 'yan?"

Umiling naman ang lalake, "Wala, kaya nadampot agad eh."

May panghihinayang sa mata ng babae bago ako tinignan, nginuya niya ang bubble gum tsaka tinuro 'yung cartolinang nakadikit sa mesa, "Ito 'yung listahan ng mga taong pwedeng mahuli ngayon." Nakita 'ko 'yung naka bullet form na nakasulat doon sa kartolina, mga deskripisyon lang naman ito, tulad ng "'yung naka-school shoes" at kung ano-ano pa.

Tinuro niya ;yung partikular na bullet, "Kung nakikita mo, nakalagay rito na pag nakasuot ng stripes ay huhulihin. Kung may magtutubos sa 'yo bago mag alas-dose ay laya ka na. Pag olats, eh ala-una ka pa makakalabas."

Hindi na 'ko naka-alma dahil sinenyesan niya 'yung nakatayong lalake sa pinto na buksan ito, pinapasok nila ako ron at sinara uli. Ngumuso ako, at naisip ang naging reaksyon ng babae kanina. Whatever, it's not like he's attached to my hip for people to find him in my back whenever I'm present.

Psalm's LawWhere stories live. Discover now