Nothing But A Rebound

2.9K 78 12
                                    

Nothing But A Rebound

Story line by Moonlightfairy (c) 2014


Ikari, may load ka? Kelangan ko lang sana ng kausap.

Muli kong tinignan ang text na yun mula kay Wesley, nagdadalawang-isip kung pupunta ba ko kina Aling Telay para umutang ng load o manahimik nalang dito sa attic at matulog na.

Bestfriend ko si Wesley. Nagbreak sila kanina ng girlfriend niya, I mean ex-girlfriend nya na si Rina.

At ito, mukang kailangan na naman nya ng mahihingahan ng sama ng loob. I sighed at the thought.

"Huwag ka na makisali Ikari. matulog ka na lang," nilagay ko yung cp ko sa ilalim ng unan at nahiga na.

Pero ilang saglit palang ay bigla na namang nag-vibrate ito. At imbes na kunin at tignan iyon ay pumikit nalang ako at iwinaksi sa isip ko si Wesley.

"Tama yan Ikari, matulog ka na lang at huwag ng makisali pa sa kanila."

*bzzzt*

"Aish!" nagtakip ako ng unan sa mukha ko dahilan upang mahulog yung cp ko sa sahig.

♫ She can't see the way your eyes, that light up when you smile ♫

Napatingin ako sa nagriring kong cellphone.

♫ She'll never know just how you stop and stare, whenever she walks by ♫

Tumatawag si Wesley. At hindi ko alam kung sasagutin ko ba o magbibingi-bingihan nalang at tuluyan nang matutulo.

♫ And you can't see me wanting you the way you want her. But you are everything to me ♫

"Hello Wes, napatawag ka?"

"Nagising ba kita, Ika?" napapikit ako, ang ayaw ko sa lahat, yung tinatawag niya na ako sa palayaw kong iyon. Ibig sabihin nun, naglalambing sya at may pabor siyang gustong hingin.

"Ano yun Wes?"

"Wala naman, gusto lang kitang makausap. Masama ba?"

"Wes, matulog ka na. Gabi na. Sige, ibababa ko na to."

"Wait lang Ika!" napatigil ako, hinintay siyang magsalita.

"Gusto ko lang naman ng kausap eh, please?"

Napabuntong hininga ako at napapikit nang mariin. Hindi ko talaga siya kayang tiisin...

***

"Ikari!"

"Oh Wes, san ka galing?" tanong ko sa kanya nang makita siya sa hallway ng school at ngayo'y papalapit na patungo sa akin.

"Sa room namin, tara na?"

"Huh? Saan tayo punta?" nagtataka kong tanong.

"Basta, tara na Ika!"

Napatingin ako sa kamay ko... na ngayon ay hawak-hawak na niya. Hindi na lamang ako kumibo at hinayaan siya...

Sa mall...

"Ika anong gusto mong kainin?" tanong ni Wesley sa akin nang nasa tapat na kami ng mga kainan.

"Kahit ano nalang Wes."

"Sige. Same nalang tayo ng foods para couple foods, haha!"

"Adik to!" natatawa ko siyang hinampas nang mahina.

"Haha joke lang! Ang cute-cute mo talaga Ika!" sabay pisil sa pisngi ko.

"Aray ko Weees!" iwas ko sa malaking kamay niya.

Nothing But A Rebound (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon