SINJI'S POV:
--
TULALA lang ako sa kawalan habang hindi pinapansin ang mga tao sa paligid ko. Kasalukuyan akong nasa university, nakaupo sa lilim ng isang puno ng mangga.Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung na saan si Saviel, at kung ano ang ninakaw nya kay Kuya. Hindi naman sa pinag-iisipan ko ng masama ang bestfriend ko. Sa tagal naming magkakilala, alam ko ang ikot ng bawat organs nya sa katawan.
"Hayss!" naiinis na dabog ko sa damuhan na siyang kinauupuan ko.
"Lagot ka, kalbong-kalbo na yang kinauupuan mo."
Napalingon ako sa kaliwa kung saan naroon ang bulto ni Thud na may subong lollipop sa kanyang bibig.
"Ano na namang ginagawa mo ditong bansot ka?" naiinis na sabi ko.
Naglakad si Thud palapit sa kinaroroonan ko at basta na lang sumalampak sa tabi ko at umupo.
"Wala naman. Nakita lang kita kaya lumapit na ako."
"O tapos? Share mo lang?"
Lumingon sa akin si Thud at inalis sa kanyang bibig ang lollipop na kinakain at ipinangduro sa akin.
"Bakit ba ang sungit mo sa'kin? Meron ka ba ngayon?"
Lumagapak ang palad ko sa pisngi ni Thud na siyang ikinabigla nya. "Kelangan talaga pag masungit, may regla agad? Desisyon ka?"
"Aww."
Late reaction amp. Hindi ba pwedeng naiinis lang ako? Kelangan talaga may dalaw agad?
"Nagtatanong lang naman." nakangusong wika nya.
Pasalamat sya at cute siya ngayon. Kaya naman inagaw ko ang lollipop na nasa bibig nya at basta ko na lang kinain. Stress eating yan, bahala syang bumili.
"Naiinis ako, okay?"
"Kanino? Kay Senri?" aniya. "Sabi ko naman kasi sayo, ako na lang piliin mo. Kesa dun sa hapon na yon na laging buntot sa kapatid mo kahit saan pumunta." dugtong pa ni Thud.
Napairap na lang ako sa kawalan at humalukipkip bago sumandal sa bansot na katawan ni Thud. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng ibang estudyante.
"Kadiri ka. Hindi ako pumapatol sa bansot."
"Hoy, baka malaki din ito."
"Ang ano? Anong malaki? Ang bastos mo!"
Sinuntok ko ang mukha ni Thud pero nakaiwas ang loko. Kahit kelan talaga puro polusyon ang utak ng isang ito.
"Ang pang-unawa ko. Ano ba! Nakakarami ka na sakin!"
"Ang sarap mo kasing saktan, bwisit ka!" nagkukulitan lang kami ni Thud hanggang sa lumapit ang isang nilalang na hindi ko kilala.
"Oh my, look who's here? The bitch is everywhere." sabay kaming napatingala ni Thud sa isang bulto nang babae na nakahalukipkip ang dalawang braso sa malulusog nitong dibdib.
Wala sa sariling napatingin ako sa aking hinarap at sa babaeng kinapos sa tela. Tumaas ang kaliwang kilay ko at tinignan ang babae.
"At sino ka naman?" matapang na tanong ko habang si Thud ay bumunot ng lollipop sa kanyang bulsa na agad kong inagaw. Nagugutom ako at kailangan ko ng matamis. Bahala sya dyan!
Pinagtaasan ako ng kilay nitong babaeng nasa harap namin. Ang lakas ng loob nitong sumabat sa paglalambingan namin ni Thud. Charot!
"Balita ko ikaw ang fiancé ni Senri, am I correct?"
Atribida din tung babaeng to.
"O tapos?" tamad na tanong ko.
"I just wanna say that Senri is mine."
BINABASA MO ANG
Missing Melody
Любовные романы[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...