*Hidden Reason*
"Mahal tama na ayoko na, sana naman iniintindi mo din yung kagustuhan ko palagi mo nalang tinututulan kung ano man yung ginagawa ko tama na lalo lang akong nasasaktan sa ginagawa mo ayaw mo ba ako maging masaya?" ang palagi ko nalang linya kada naalala ko sya umiiyak, nahihirapan at palagi nalang nasasaktan ganyan ang nararamdaman ko araw araw at sa tuwing nagigising ako sa madaling araw.
*FLASHBACK*
Ilang araw nalang 5 Years na kaming magkarelasyon ni Louie masayang masaya kami sa isa't isa at kontento na kami sa relasyon namin kulang na nga lang eh magpakasal kami pero pareho namin gusto na mag enjoy sa pagiging mag girlfriend/boyfriend namin. Sobrang bait ni Louie at wala kaming problema sa isa't isa kung meron man puro maliliit lang na bagay na parang away bata lang. Magkasama kami ngayon dito sa bahay ko para sabay kaming kumain ng lunch.
"Wow mahal ang laki naman ng teddy bear na to, ang cute!" sabi ko habang may halong pagkasabik.
"Oo yan talaga yung pinili ko para may katabi at kayakap ka kapag mag isa ka kapag namimiss mo ako" sabay yakap sakin.
"Ang sweet mo naman mahal, bukod sa malapit na yung anniversary natin excited nadin akong pumuntang tagaytay."
"Ako din naman eh, oo nga pala" habang may kinuha sa bulsa nya at may isinuot sa akin na kwintas. "Locket yan nakalagay din dyan yung pictures natin dalawa." sabi ko habang may halong saya sa surpresa ko sa kanya.
"Oo nga no pinili mo talaga yung anggulo na gwapo ka babe ha! Diba sabi ko naman sayo kahit hindi ka na umanggulo ikaw lang ang pinakagwapo para sa akin at ikaw lang yung my one and only love" nanlalambing kong sambit.
"Binobola mo na naman ata ako babe e, oo nga pala uuwi na ako ha? Kailangan ko pa kasing ipa-laundry yung mga damit ko magkita nalang ulit tayo sa linggo sa anniversary natin susunduin kita mahal Iloveyou" sabay yakap at halik sa labi nya.
"O sige mahal magpahinga ka nadin pagkatapos, magtext ka nalang pagnakauwi ka na ha? Iloveyou too." medyo naghihinayang dahil uuwi na sya pero excited kong sinabi sa kanya dahil aalis pa nga pala kami ni Hazel para bumili din ng regalo ko para kay Louie sa darating na linggo.
Pag kaalis ni Louie ay agad agad akong pumunta sa mall para makitapagkita kay Hazel.
"Be ano bang naisip mo ibigay kay Louie?" tanong ni Hazel."Gusto ko ng relo yung kulay black, kinikinita ko kasi sa kanya na bagay sa kanya yung kulay na itim at nakakadagdag sa kagwapuhan nya." Nakangiti ko na naman pinagmamalaki kay Hazel na gwapo si Louie.
"Hay nako Ailey, kung siguro mas nauna akong makilala ni Louie malamang lamang kami nagkatuluyan na. HAHAHA! Pero sobrang saya ko para sa inyo friend, kinikinita naman natin kung gaano kaayos yung relationship nyong dalawa at kung gaano kayo ka-perfect match" Pagpuri na naman ni Hazel sa relasyon namin.
"Oo nga e di ko naman akalain na sya na pala yung matagal kong hinhintay, atsaka teka ikaw din naman ah kung hindi dahil sakin hindi mo makikilala yan si Benj. Palibhasa hindi kagwapuhan yan si Benj kumpara kay Louie so nagsisisi ka ba?"
"Syempre hindi, 3 years na kami and still counting masaya na ako kay Benj 'no at sinasabi ko sayo walang sino man ang makakapag hiwalay sa amin at kung sino man ang magtangka malalagot talaga sa akin" Matapang na sinabi ni Hazel.
"Alam mo yan resbak mo ako" dugsong ko.
Matagal ko ng kaibigan si Hazel kaya nya nakilala si Benj dahil kaibigan ni Louie si Benj na nung panahon iyon ay pareho silang single ni Hazel. Nabili namin yung design at kulay ng relo na gusto ko, itinabi ko din sa kama ko ang bagong teddy bear na regalo sakin ni Louie iniisip ko tuloy parang sya 'tong kayakap ko kada gabi habang natutulog ako. Dumating na nga ang kinahihintay namin araw ang Anniversary namin, sinundo nya ako sakay sa kotse nya at where on our way to Tagaytay! Tumigil muna kami saglit sa may gasolinahan para magpakarga.
BINABASA MO ANG
Hidden Reason ( One Shot )
Short StoryBinibigyan tayo ng rason para maging masaya pero bakit kailangan bawiin ang mga 'to sa atin sa hindi inaasahan na pagkakataon? Kaya mo bang tanggapin ang lahat o gagawa ka ng paraan para makasama ulit ang taong nagpasaya at naging mundo mo? Alamin a...