Chapter 18: New Comrade

25.1K 1.1K 451
                                    

Autumn's PoV:

Bored akong nakatingin sa professor na nagtuturo sa harapan namin. Napatingin ako sa mga kaklase ko. Kahit sila ay halatang bored na bored na rin. Some peeps keep on yawning. Nakakahawa.

I yawned too but of course, may poise pa rin. I spread my fingers at maarteng itinakip 'yon sa aking bibig. I yawned. Ganyan humikab ang magaganda.

Wag nyo nang subukan na gayahin. Hindi nyo 'yan kaya.

Kung tutuusin, dapat ay nakatutok ang lahat sa tinuturo ni Sir lalo na't isa ito sa mga major subjects ng course namin.

Hindi naman sa pagmamayabang pero alam ko na lahat ng lesson namin sa buong quarter na ito. Nag-advance reading na ako. Iba talaga kapag isang prodigy.

Itinuon ko na lang ang tingin ko sa labas. It's the usual. May mga students akong nakikita sa quadrangle. 'Yung iba ay nakaupo at 'yung iba ay may klase.

I started to scan everyone. Ni isa ay wala man lang nakakuha ng atensyon ko. They're too normal and dull to me. Walang dating.

Tanging si Paris lang talaga ang gustong makita ng mata ko.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking ballpen. Damn it. Nitong mga nakaraan ay alam kong may mali sa akin. There's something off. Parang hindi si Autumn ang nasa katawan ko.

My heart is beating faster than its normal state. Parang may mga paro-paro rin akong nararamdaman sa tiyan kong sexy. Sa tuwing nakikita ko si Paris, parang nagiging makulay ang paligid. She's the only one that I can see. Gustong-gusto ko syang makita sa araw-araw. She's my walking happy pill.

Ugh! Kelangan ko na atang magpatingin sa doktor dahil dito sa nararamdaman ko. It's weird.

"Miss Claveras!" I snapped into reality when I heard my surname. Automatic na nagsalubong ang dalawa kong kilay.

"What is it, Sir?" Ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yung pinagtataasan ako ng tono ng boses. Ni hindi nga nagawa sa akin 'yun nina Mommy at Mama. Hmp.

"You're not paying attention to my class." Nakakunot ang noo nito habang masungit na nakatingin sa akin.

I mentally chuckled. Sorry not sorry, Sir. Hindi ako tinatablan ng pagsusungit mo. I'm better than you.

"And what about it?" Iginala ko ang aking tingin. I noticed that everyone's eyes are on me. Wow. Parang nabuhayan sila ng lakas. Iba talaga ang nagagawa ng komosyon.

"You see, everyone else are also like me. Lumilipad ang isip. Bored na bored na silang lahat sa klase na ito." I said. "Right, guys?"

Agad na umagree sa akin ang mga kaklase ko. They nodded their head and keep on murmuring some things. Basically, nasa side ko sila lalo na't nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"Argh! Silence!" Hindi na maipinta ang kanyang mukha sa sama ng kanyang expression. He's mad.

It was epic to see him like this. Gustong-gusto kong tumawa. Halatang inis na inis na sya. Yeah, right. Baka mamaya ay atakihin sya bigla sa puso. Ako lang 'to ha. Hindi ko pa tinotodo ang lakas ng pang-iinis ko.

"Get out of this classroom, Miss Claveras!"

"Sure. It's my pleasure, Sir." I flipped my hair bago ko kinuha ang mga gamit ko.

Walang tingin-tingin na naglakad ako papalabas ng classroom. If I know, naiinggit sa akin ang mga kaklase ko lalo na't nakalabas na ako sa lugar na 'yun. They also want to skip this class.

Now, I'm walking elegantly in an empty hallway. Para akong isang model na nasa isang runway. Karamihan ay mga nasa loob pa ng classroom ang iba lalo na't may klase pa.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon