𝐗𝐗𝐈

466 13 42
                                    

𝗟𝗲𝗼𝗻𝗼𝗿'𝘀 𝗣𝗢𝗩

Maganda ang gising ko ngayong umaga, ilang linggo na lang at ipagdiwang na ni Ana ang kanyang ika-dalawampu't apat na kaarawan.

Naisip kong regalo ay ang dibuho sa kanyamaso, sinimulan ko na maghanap ng mga gagamitin ko.

Dumating naman si Francisco para ibigay ang gamit sa pagpipinta na ipinabili ng aking Papá.

"Mukhang espesyal ang pagbibigyan ng aking prima ha.. si Ana ano?"

"Sino ba bang bibigyan ko, siya lang naman ang laman ng isip ko sa araw-araw."

"Sabi ko nga.. Siya nga pala, kung hindi kita maabutan dito sa bahay ninyo ay ibibigay ko na lang kay Julieta ang pinabibili mong tsaa.
Sabi sa akin ng tsino na binilhan ko ng nakaraan ay hindi pa dumadaong ang bangka galing sa tsina."

"Salamat, aking primo.. Maasahan ka talaga!"

"O siya, ako'y mauuna na.. Dadaan ako kay Selina para mananghalian, naka pangako na kasi ako." aniya, niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang buhok ko.

Napaka lambing niya sa akin kahit na lagi ko siyang kinaiinisan, gaya ko'y nag iisa siyang anak ng aking Tió Diego.

Nag hiwalay ang kanyang mga magulang noong siya'y sampung taong gulang, nag aaral siya ng abugasya.

Kaya napaka swerte ni Selina at maalaga si Francisco.

Mabalik tayo sa ipipinta ko, nagpunta ako sa silid ko at inayos na ang mga gagamitin ko.

Nagsimula na akong magpinta, sana nagustuhan ng aking irog.

"Mukhang hapong-hapo ka, hirang..
Marami ka bang ginawa?" tanong ni Ana sa akin habang naka higa kami sa kama niya,

"Inaasikaso ko kasi ang regalo ko sa iyo, tapos si Papá nama'y iniwan sa akin ang pamamahala sa bahay dahil nagpunta sila ni Mamá sa Espanya para sa ilang araw na bakasyon." sabi ko, napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit hindi ka nila isinama?"

"Naku, kung isinama nila ako roon baka nasa barko pa lamang ako ay gusto ko na lumangoy pabalik sa piling mo." natatawa kong sambit,

"Napaka pilya mo talaga.. Hanggat maaari dapat ay sumasama ka at makapag bakasyon kahit saglit, para saan pa ang kartero hindi ba?"

"Aanhin ko ang kartero, kung ang kailangang ko ay pag ibig mo?" naks bumanat si bading!

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang aking pisngi,

"Pasalamat ka, mahal kita--"

"Maraming salamat, Ana!"

Hahalikan ko sana siya ngumit inilapat niya sa mukha ko ang kanyang palad.

"Eto naman.. Nagbibiro lamang ako, hirang!"

"Pwes, ako hindi! Sa banig ka matulog!"

"Iroooog, patawarin mo na ako!"

Inirapan lamang niya ako sabay talikod, ngunit maagap ako at agad din naman yumakap sa kanya.

"Naisip ko lang, mahal ko.. Gusto mo ba magka supling?" tanong ko, nilingon niya ako.

"Paano?" gulat na turan niya,

"Isa sa atin ang magdadalang tao." kaswal kong sagot,

"Hindi ako papayag.. Lalo na kung hindi mo naman gaanong kilala ang taong pagbibigyan mo ng iyong puri. Maria, alam kong hibang ka sa pagmamahal sa akin pero ibang usapan na ito."

En Otra Vida ( In Another Life ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon