"Hay nako, Nat! Bakit nawawala susi mo? Amoy alak at usok ka pa naman. Saan kita patutulugin?" Tatawa-tawa si Markus habang tinutulungan niyang maglakad ang kaibigan ko. Nawawala ang susi ni Nat sa apartment niya kaya hindi kami nakapasok!"Love, you can just clean Nat's face and body with wet wipes-"
"Paano ko bibihisan?! Ang bigat ni Nat! Shuta ka, girl. Bakit ba kasi nalasing ka?!" Inayos ko ang kama ko bago inilapag ni Markus si Nat doon. "Uuwi ka na ba?" Napatigil si Markus at napalingon sa akin.
"Nat is here. Baka hindi siya maging komportable kapag nalaman niyang nandito ako. Babalik ako mamaya, sabay-sabay na tayong mag-breakfast. Sleep well, love."
"Teka..." I encircled my arms around his neck ang gave him a kiss. Gumanti naman siya at muntik pa kaming matumba sa sobrang gigil niya, natawa tuloy kami. "Dito ka na matulog. Sa sala tayo. May folding bed ako."
"Why do you want me to sleep here?" Bumigat ang paghinga ko nang punasan niya ang gilid ng labi ko.
"Na-miss kaya k-kita! Sige na, please? Ayaw mo ba akong makasama?" He chuckled when I made a cute face.
"Okay, love. I'll just get my clothes in the car."
Ni-lock ko ang pinto ng k'warto ko nang makalabas si Markus. Dumiretso ako sa banyo para maglinis ng katawan at mag-toothbrush. Kailangan malinis ako! First night namin together as mag-jowa, dapat mabango at malinis ako para hindi siya ma-turn off!
Nang matapos ako, sinuot ko ang bagong pares ko ng underwear at bagong silk night dress. Ginamit ko ang Victoria's Secret ko na pabango na minsan ko lang gamitin. Naglagay rin ako ng lotion para mabangong-mabango ako!
Nang lumabas ako ng k'warto, nadatnan ko si Markus na nakahiga sa couch, nagce-cellphone.
"Uhm, p'wedeng magpa-help? Medyo mabigat kasi 'yung bed. Ayoko namang hilahin kasi medyo maingay 'yung gulong, baka magising si Nat." Napalingon sa akin si Markus at agad na tumayo. "Sa folding bed ka nalang matulog, mahaba-haba 'yon. 'Di ka kasya sa couch, sasakit legs mo."
Tumango siya at tahimik na sumunod sa akin. Pumasok kami sa k'warto ko at kinuha niya ang folding bed. Inayos ko ang kumot ni Nat bago ako sumunod kay Markus palabas ng k'warto.
Hindi naman nasunod ang sinabi ko! Pareho naming gusto na magtabi nalang. Idinikit namin ang folding bed sa couch para may sandalan ang mga likod namin habang naglalaro. Inaya niya akong mag-ML nang malaman niyang gamer ako.
"'Wag kang mahihiya kapag nakita mo rank ko, ha?" pagyayabang ko sa kaniya. Ngumisi siya at napailing.
"What's your rank?"
"Legend haha," nahihiyang sagot ko. "Malas lang sa kakampi! Mga bano tapos daming satsat!"
"I'm Mythic na. May smurf account ako... Do you want me to use it para mababa 'yung search?"
"Ay hindi na! Kaya ko makipagsabayan, promise! Magaling ako! G na."
Nakagat ko ang labi ko habang nasa draft picking kami. Wow, core pala ang bebelabs ko! Nainis ako nang i-lock ng s3 ang Angela! Hindi ako papayag na may ibang pumatong kay Markus!
"Ikaw 'tong tank, love?" Nataranta ako sa tanong niya.
"Ako ang Tank mo." Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon pero nakita ko ang pagngiti niya. "Mm na s4. Gela naman magmi-mid niyan. Pinilit niya mag-Gela, eh."
YOU ARE READING
Bewildering Flights with you, Captain
RomanceA graduate of BS in Tourism Management, a Flight Attendant of PhilAero, an online seller, event host, and a beauty queen. How can someone reject Sophia Ava Pineda? Pia loves to explore things, in love and in life. She believes that flights are a way...