Common Reasons of Break Up

166 1 0
                                    

1. Third Party- Aware na naman tayo dito diba?. Ito yung pagiging involved ng partner mo sa ibang babae/lalaki. He/She is having an affair with someone even though you’re still in a relationship.Kapag malakas ang senses mo, maa’identify mo kung may ganito na bang nangyayari sa relationship nyo. Pero minsan kasi sobrang galing magtago nung iba. Kahit araw-araw mo pa siyang kasama at sweet pa siya sayo kaya akala mo “Ikaw lang talaga” e’ nagkakamali ka. Nakakahanap pa din siya ng pagkakataong mangaliwa at makipaglandian sa iba. Siguro kasi magaling siya sa TIME MANAGEMENT kaya nagagawa niya pa yun. Akala mo okay kayo. Walang problema, walang lokohang nangyayari. Tiwalang-tiwala ka pa sa kanya pero sa tuwing hindi mo na siya kasama, ginagago ka na pala niya.

2. He/She love someone else- Hindi ka na niya mahal kasi may mahal na siyang iba. Parang kapareho lang din ng 3rd party pero walang affair na naganap habang kayo pa. Kahit papano naman dito may respeto pa siya sayo. Kahit hindi ka na niya mahal hindi ka pa din niya niloko. Kahit papano  inisip niya pa din yung feelings mo bago siya nakipagbreak. Ang most common na sinasabi nila e’ “Ayaw kasi kitang lokohin”. Kaya kapag nakipagbreak sayo gf/bf mo at yan ang sinabi alaman na.

3. “I still love him”- Involve dito si EX-lover niya. Dahil si EX ang naging dahilan ng break up nyong dalawa. Siguro nung time na kayo pa, tinitimbang na niya kung sino talaga ang mahal niya at VIOLA ! narealize nyang hindi ikaw. In other words naging “REBOUND” ka lang. 

4. Lack of time- Dahil sa sobrang hectic ng schedule niyo, nawawalan na kayo ng time para sa isa’t-isa. Kapag may free time ka, siya wala. Kapag siya naman meron, ikaw naman ang wala. Kaya kung minsan hindi na kayo nagkakasundo sa mga bagay-bagay. Kung magkikita man kayo sagglit lang o kung minsan naman nag-aaway pa kayo. Kaya kadalasan humahantong na lang kayo sa hiwalayan.

5. Suspicion and Jealousy- Magkakonekta ‘tong dalawa. Kasi dahil sa sobrang selos mo nagkakaroon na siya ng maling hinala. Nilapitan ka lang at kinausap, magseselos na siya agad. Dapat hindi ganon, kasi kung mahal mo talaga siya dapat may tiwala ka sa kanya. Atsaka kung mahal ka talaga niya, kahit ilang gwapong lalaki o babae pa ang iharap mo sa kanya hinding-hindi ka niya magagawang lokohin dahil nga MAHAL KA NIYA. Hindi naman talaga masamang magselos pero wag lang sobra. Hindi mo namamalayan nasasakal na pala siya. Alam mo kung kailan ka dapat magselos. At huwag ka din palaging ‘Tamang Hinala’. Bago magselos alamin mo muna kung yung taong pinagseselosan mo e’ dapat mo ba talagang pagselosan. Hindi yung pati  kaibigan at kamag-anak e’ pinagseselosan mo.

6. Long Distance Relationship- Bakit sinama ko ito? Syempre gusto ko. Haha. De pero may valid reason naman kung bakit ko ito isinama at alam kong alam niyo din na kasali talaga to. Totoong marami nang ganitong relationship ngayon. Yung tipong nandito ka sa Pinas yung girlfriend/boyfriend mo nasa Iraq, Dubai, Australia, Norway, U.S.A or whatsoever country. Saludo ako sa mga taong naglakas-loob na pumasok sa ganitong relasyon. Kasi diba magkakaiba ng oras sa bawat bansa? Kapag umaga sa’tin gabi sa kanila o di kaya hapon o kaya madaling araw. Gigising sila at bubuksan ang laptop o desktop para lang mag-skype at makausap ang isa’t-isa. Dito, hindi pwedeng isa lang ang gumagawa ng way para magkaroon kayo ng communication, dapat pareho kayo. Pati yung trust and loyalty nila sa isa’t-isa sobrang nakakabilib. BUT, may mga taong hindi nakakatagal sa ganitong set up. Hindi kasi nila nakakayanan yung tukso sa paligid nila o kung minsan naman nagsasawa na sila sa ganyang sitwasyon at minsan napo’fall-out of love na sila.

7. His/Her parents doesn’t like you- “You and Me Against the World” ang set up nito. Syempre kapag couple kayop mas maganda kung may blessing ng magulang diba? Para masabi mo talagang “LEGAL”.  Pero paano kung ayaw sayo ng parents niya? Saklap. Kaya yung iba sumusuko na lang at mas pinipiling maghiwalay. Pero may ways pa naman para mapapayag sila. Prove to them na worth it ka para sa anak nila. Huwag kang basta-basta mangangako sa mga magulang niya lalo na’t di ka sigurado kung magagawa mo yun. Maraming convincing reason pero syempre dapat realistic. Huwag puro salita daanin sa gawa.

8. He/She wants to find himself/herself- Alam mo yung kantang ‘Cool Off by Yeng Constantino’? Kung hindi mo alam, kawawa ka naman. Pero kung alam mo, sige lang magbasa ka na Haha. Charot lang. May lyrics kasi doo na “Sarili ko’y hahanapin ko lang ..”. Para sa’kin korni ‘to pero may mga tao talagang nakikipagbreak dahil sa ganyang reason.  Yung tipong bigla na lang makikipagcool-off o kung minsan naman kapag gulong-gulo na sila bigla nalang sasabihing “Break na tayo”. Sila yung mga taong sinosolo yung problema na kahit andyan ka at handang tumulong at dumamay e’ ams gusto pa ding mag-isa. Feeling nila may kulang sa kanila, incomplete kumbaga. Hindi mo naman pwedeng ipagkait sa kanya yung hinihingi niya dahil baka magalit lang siya sayo at isumbat sayo na “Hindi mo kasi siya naiintindihan” kaya no choice ka kundi ibigay yung kalayaang hinihingi niya.

9. I will focus on my studies- 15% true, 85% lie. Bakit? Minsan kasi dinadahilan lang ‘toh kasi wala silang maisip na valid reason para makipagbreak. Syempre kapag sinabi yun sayo, may magagawa ka pa ba? Pero asahan mo after a month or just a few weeks may karelasyon ng bago yun. Ayaw kasi nilang sabihing “Hindi na kita mahal”. Ayaw nilang magmukhang masama kaya yun ang ginagamit nilang rason.

10. Panget- HAHHAHAHAHA. Wala na kasi akong maisip kaya tinanong ko ang kaibigan ko at yan ang sinabi niya, kasi daw “PANGET”. Ito kasi yung reason ng break up nila ng recent EX niya. Mala-gayuma (yung kanta ni Abra) ang set-up nito. Sa araw-araw mo siguro siyang nakakasama na’realize mo yung imperfections niya. Mga bagay na hindi mo gusto sa kanya lalo na sa mukha niya. Tapos nagising ka na lang isang araw .. “Bakit ko ba siya minahal? Eh ang panget niya” kaya ayun break na kasunod.

________________________________________

P.S: Gawa-gawa ko lang ‘yan kaya wag niyong seryosohin HAHAHA. 

Common Reasons of Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon