Chapter 31: Blue Dragon Quest Part V
Klenton's Point Of View
Peniron is gone. He sacrificed his HP for us so we need to stay alive and win this quest kahit gaano pa kami ka-dehado para hindi niya kami masipa mamaya. As if gagawin niya nga yun but to Ashia, mukhang malaki ang percentage. Galit sa isa't-isa ang dalawang yun eh.
"Captain." tawag saakin ni Kristel habang nakatingin siya sa may labasan nitong cave, at nilipat sa akin ang kanyang tingin. "mukhang papalapit na ang dragon dito."
"Gaano kalapit?" tanong ko naman.
"Approximately, 100 meters nalang and it's heading our way faster than expected." report niyang muli kaya't napatayo na ako para matingnan din ang gubat ngayon na walang tigil pa ring tinutupok ng asul na apoy.
Hindi pa nag-iisang minuto bago kami nakapagpahinga sa cave na ito pero mukhang mamamataan na kaagad kami ng kulugong dragon na ito. Nakakainis na ang talas ng pakiramdam niya. We won't have time to hide and that will be a big problem.
"Ano na ang gagawin natin?" tanong naman sa akin ni Ashia. Nasa tabi niya si Niko na kanina pa tila lingon ng lingon sa paligid habang mahigpit rin ang hawak sa kanyang espada.
Mas lumakas ang pagyanig ng lupa na nagpapahiwatig lamang na sobrang lapit na ng dragon ngayon sa amin. Kahit na malaki ang dragon. We still can't see it clearly dahil sa nagtataasan at nagkakapalang mga sanga at dahon ng puno ngayon sa paligid.
"Kumilos na tayo." sa naging utos ko mabilis din naman kaming nagsitanguan at sabay-sabay na tumakbo paalis sa cave nayun.
Maliban kay Niko na kaagad din naman naming tatlo na ikinapagtaka. "Hey, did you not hear him? Umalis na tayo." tigil ni Ashia sa pagtakbo sabay sinabi yun sa batang player na halos apat na metro ng malayo ngayon sa likod namin.
"May problema ba? May sugat ba siya kaya hindi siya makakilos?" tanong din ni Kristel.
"Hindi ba magaling na Captain si K, kaya ayaw mo siyang sundin?"
Hoy, Ashia. Ano ba yang pinagsasasabi mo?
But instead of answering, biglang tinapat ni Niko ang kaniyang hintuturo ng patayo sa kanyang labi ordering us to shush ourselves for a bit. Kaya't nagtakang tumahimik nalang muna si Ashia at nagkatinginan nalang kami ni Kristel.
Nung akmang lalapitan kona sana ito para mas malaman ang gusto niyang mangyari, bigla nalang din naman siyang tumitig sa banda sa akin sabay mabilis na nag-sprint and in just a single glimpse mabilis niyang naiwasiwas ang kanyang espadang nakalagpas na ngayon sa likuran ko.
Nagulat kaming tatlo sa biglang ginawa ni Niko but the most shocking part here, ay nung bigla nalang ding sabay tumalsik at bumagsak sa lupa ang isang putol na braso sa kanang kamay ng isang red werewolf monster. Lumakas ang hiyaw nito sa natamong malubhang sugat sabay patalong umatras ng halos apat na metro lang din mula ngayon kay Niko na nakatalikod sa akin ngayon na nasa bandang likod ko rin.
So that slash just now was not for me. He just protected me from the sneak attack that red monster planned on doing from behind me. Ang talas ng pakiramdam niya. That's not even a newbie move. That's entirely a work of a pro! Honestly, hindi ko talaga napansin na target na pala ako ng isang red monster kanina. Not even those two managed to sense it not until it appears and tried to attack us. Makikita yun sa mga reaksiyon nila.
But clueless as he can be. Hindi na hinayaan ni Ashia na makakilos pang muli ang red monster nayun dahil pagkatapos na pagkatapos nitong makatalon paatras mula kay Niko ngayong nakabantay sa likod ko, kasing bilis din naman ng kidlat na nakapag-sprint si Ashia, at lumitaw sa mismong harapan ng red werewolf monster na ito.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...