CHAPTER 8

3 0 0
                                    

CHAPTER 8:


Kasalukuyang nasa office si Aslan nang may kumatok sa pinto at pumasok si Audrey- ang Public Relations Manager ng kompanya.

"Thank God you're here now!" Eksaheradang sabi nito. "Marami kang ie-explain sa akin, Aslan."

Napatingin siya sa mga litratong nilapag nito sa kaniyang office table. Tiningnan niya ang mga litrato nilang dalawa ni Pristine noong sila'y pumunta sa café. "Where did you get these?"

"Tell me... Did you marry the woman in the photos?" May hinanakit na sabi ni Audrey. Nang sumulyap ito sa kaniyang palasingsingan ay tila alam na nito ang sagot. "Aslan! Ano na namang decision ang ginawa mo without me knowing?!" Maluha-luhang sabi nito.

"Audrey, puwede bang kumalma ka muna?"

"How can I calm down? I already warned the reporters because they're now trying to know the woman's identity but I settle that problem. Sa kanila ko pa nalaman!" Huminga ito nang malalim at nagpatuloy. "Hindi lang ako ang PR mo, I am also your friend!"

Umiling lamang siya. Kaya ayaw niyang malaman ni Audrey ang balita sa pagpapakasal niya ay dahil pipigilan siya nito sa kaniyang plano. He doesn't want someone to ruin his plans.

"Don't cry," pag-aalo niya. Binigyan niya ng panyo ang dalaga na tinanggap naman nito. "Hindi ko sinabi sa'yo dahil gusto kong mag-focus ka sa pagkontrol ng media about the business that we took over in Turkey. It's riskier."

Ito ang naging dahilan kung bakit naging abala ang kaniyang team. Si Audrey ang nag-divert ng balita tungkol sa kaniyang kasal kasama si Xavier-ang kaniyang representative- na pumayag na gamitin ang pangalan nito bilang bagong CEO ng negosyo ng kaniyang ama at si Rio naman ang nag-asikaso sa mga kontrata ng kompanya.

Everything went well according to his plans.

"Who's that woman anyway?" tanong Audrey nang maayos nang muli ang composure nito.

Nakaupo na siya sa hamba ng mesa at nakapamulsa. "She's the heiress of Marvellous group."

"No way...You already saved their company by being the major shareholder. Don't tell me that you want to acquire all of their shares? I know you, Aslan. Hindi ka magpapakasal kung hindi beneficial sa'yo ang babae."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ng kaibigan. "Malinis ang intention ko sa kanila. In fact, I'm already interested with Pristine before I accepted Don Marbello's proposal."

Audrey crossed her arms and stayed quiet for a minute. "You and your plans."

"Yes," he shrugged.

"I'm jealous, Aslan." Bumuntong-hininga si Audrey.

"I know, kaya hindi ko sinabi sa'yo dahil alam kong tututol ka."

"Of course, but you underestimated my opinion. Alam ko kung gaano ka ka-dedicate sa plano mo. Maybe you just considered about my feelings for you, pero alam mo rin kung sino sa ating dalawa ang mas mature." tumaas pa ang kilay nito.

Sa kanilang apat na magkaibigan, si Audrey ang may pinakamatatag ang personality. She's an epitome of strong, independent, clever woman. Napaka-dedicated nito sa trabaho kaya kahit alam niyang hindi lang platonic ang nararamdaman nito sa kaniya ay hindi siya nag-take advantage. She's really like a sister to him.

"Will you accept my treat of coffee as my apology?" he requested.

"You really have a lot to tell me about your life as a married man." Audrey shook her head but accepted his offer.

Hindi pa man sila nakakalabas ng office nang tumawag si Xavier. Kasalukuyan pa rin itong nasa Turkey para alamin ang business partners ng kanilang club. "Bro, any news?"

"I've already met the families. Apat na ang na-settle pero may isa na kakailanganing suyuin pa."

"How friendly are they?"

"Very friendly. They just poke me with their gun and—"

"What? Ayos ka lang ba?" Mukhang naalarma naman si Audrey sa tono niya.

"I'm fine, kaya sinabihan na kita para aware ka sa possibilities diyan."

Tumango siya, "Okay, just keep being close with the four families. We need to gain power first."

"Alright, I'll keep you updated." Then, he hung up.


"What's happening, Aslan?" Audrey asked.

He kept quiet. Mukhang hindi magiging madali ang magaganap.






EXCITED na nag-aayos si Pristine sa harap ng salamin. Aslan texted and invited her to go outside! Kaya nagmamadali siyang naglagay ng light make-up, hinayaang nakalugay ang kulot niyang buhok at isinuot ang red dress na bigay sa kaniya ng asawa.

Be there in a minute. Basa niya sa mensahe ni Aslan.

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto ngunit napahinto nang bumungad sa hamba ng hagdan ang seryosong mukha ng kaniyang abuelo.

"Saan ka pupunta?" Seryosong tanong nito.

"Lolo, uhm A-Aslan told me we will go outside." bulong niya.

Napaigik siya nang hawakan nito ng madiin ang kaniyang braso at hinila paakyat ng hagdan. "Hindi ka lalabas! Huwag mong ipamukha na porque may asawa ka na ay magagawa ang lahat?! Tonta!" Impit siyang umiyak dahil sa malakas na sampal nito.

Nagsilabasan naman ang mga tauhan sa kanilang mansyon.

"Pristine!" Boses iyon ni Aslan. Tumakbo ito sa direksyon nila.

Ramdam niya ang paghila nito sa kaniyang braso. Nang magtagumpay ay hinarap nito ang kaniyang lolo.

"Don't you ever meddle with my wife's decision." Halos magdikit na ang mukha ni Aslan sa kaniyang lolo dahil sa banta nito.

"Pendejo! Lumaki na yata ang ulo mo dahil lang naging asawa ka ng apo ko?! Your marriage is only part of our business!"

"No! I've had enough playing a respectful in-law! Once I see you hurting Pristine again... Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko, Don Marbello."

Takot siyang lumingon sa kaniyang lolo nang marahan siyang hilahin ni Aslan. Kita niya ang pagtitig nito at bulungan ng mga tauhan nang makalabas sila ni Aslan sa mansiyon.

"Shh, don't cry, please." Niyakap siya nito. Gumaan naman ang loob niya.

"Sorry kung nakita mo pa iyon."

"Don't be. Lagi bang ginagawa 'yon sa'yo ng lolo mo?"

Umiwas siya ng tingin dahil sa tanong nito. "Is that your car?" pag-iba na lamang niya ng usapan.

It's a red, classic Cadillac car.

Tumango naman ito, "Let's go?" he offered his hand.

Nang makalabas sila, ang una niyang ginawa ay binuksan ang bintana at hinayaang hanginin ang kayang mukha. She was now smelling her freedom. Pinagmamasdan lamang siya ng kaniyang asawa.

"Mukhang nag-eenjoy ka ah." Biro nito.

"Very! This is the first time I rolled down the window of the car and smelled outside!" Sigaw niya. "Saan pala tayo pupunta?"

"Pupunta tayo sa perya ng bayan." Perya? Hindi pa siya nakakapunta rito.

Maggagabi na ng makapunta sila sa sinasabing perya ni Aslan.

"Come on," alok nito nang makita ang alinlangan sa mata niya. Kinakabahan man ay inabot niya ang kamay nito at nang makita niya ang bawat titig ng mga tao sa kanila ay napayuko siya.

"'Wag kang matakot, just think that people are seeing the most beautiful woman in their entire lives." He stared at him, there it was again, the unfamiliar feeling when she was always with Aslan.

Kaya iyon ang ginawa niya. Hinarap niya ang bawat tingin ng mga tao habang nagsasaya sa piling ng kaniyang asawa. Sinubukan nila ang lahat ng patayaan at maliit na rides sa perya.

Naglaro sila ng sinasabing color game, square coin, pellet gun shooting at card roulette, tinuruan din siya nito ng Bingo. Tuluyan niya nang nakalimutan ang palagiang titig ng mga tao sa kanila. Si Aslan lamang ang natatanaw niya.

Huli nilang pinuntahan ang ferris wheel. Tila naka-plaster na ang ngiti sa mukha niya kahit nang makaupo sila.

"I can see that you're so happy."

"Yes! Marami tayong prizes na nakuha sa pellet gun! I saw your expertise at shooting." She exclaimed happily. "Medyo awkward nga lang noong nasa color game booth tayo."

"Not really, I think na-amaze ang crowd sa'yo kasi natatalo ka na ng ten thousand, mukhang masaya ka pa rin." Natatawang paalala nito.

Ngumuso naman siya rito. "Why? Naririnig ko naman ang iba na natatalo na sila ng same amount."

"Kung hindi lang tayo inawat ng ale, baka six digits ang matalo natin. Ten thousand per round ang tinataya natin, hindi mo napansin?"

"No, kasi ikaw ang nagbibigay ng pantaya. You should have stopped me then."

"I can't, because I can't stop your priceless smile."

Natahimik siya, tinago ang kilig na nadarama. He would spend a lot just to continue her cheerful momentum? Well, that's sweet.

Nang nasa itaas na ang bagon nila, doon niya natanaw ang kagandahan ng kanilang bayan sa gabi. She was cherishing every detail with her husband. She caught him staring at her.

"What?"

"Can I ask you a question?"

"Hmm? Sure," she calmly asked.

"Bakit hindi ka nila pinapalabas?" Napakagat-labi siya, she was cornered by his question. "Okay lang na hindi mo sagutin kung hindi komportable sayo."

"... Uhm, It's because of my brother who died when I was three," simula niya. "I don't know what exactly happened. Ang alam ko lang, ang cause of death niya ay nalunod siya sa lawa. After that incident, naging strict ang lahat sa akin."

"Huwag mong sabihin na after twenty-two years, you are totally locked up in that mansion?"

She smiled sadly and continued. "Yes, uhm, when I was young I tried to sneak outside to play. But when I got caught, my lolo slapped me in the face. That's why I always follow their commands."

Napatiim bagang si Aslan. "And your parents didn't try to protect you?"

"Uhm, they're trying. But they're also afraid of lolo. They can only stop him when he's trying to h-hit me again." Hindi na niya namalayan ang luhang tumakas sa mata niya.

Tumabi si Aslan sa kaniya at hinawakan ang kamay. "Don't worry, Pristine. Nandito ako." Bulong nito. "I will drag you slowly out of that huge cage. I promised you will be a white dove who will experience life without any hesitation." He cupped her face and stared at her.

"Gusto ko rin, pero paano kung may masamang g-gawin si lolo?"

"I will make a plan, Pristine. You just need to wait. Okay?" She looked at his eyes, and saw a glimpse of hope.

Pagtapos ng ilang minutong titigan at paghaplos nito sa mukha niya, dahan-dahang bumaba ang daliri nito sa bibig niya.

"Pristine... Can I kiss you?"

Nang simpleng tumango siya ay dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kaniya.

"Aslan," she whispered. "Don't ask for permission anymore... I am yours."

He smiled and kissed her gently. Ang halik nito ay nagbigay sa kaniya ng iba't-ibang emosyon. Saya, pagkamangha, pagkasabik at pagmamahal.

Ginantihan niya ang mainit na halik nito. Kung pagmamahal man ang tawag nila rito ay hindi na siya magpapatumpik pang ipagpatuloy ang nadarama.

She's starting to trust him because she started to open the gate of love for him.



But what if, all of these actions are only a ploy? Since her grandfather said that she married her as part of his business?





















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tear of VengeanceWhere stories live. Discover now