Habang kumakain kami ng dessert matapos mag-lunch, biglang may pumasok na lalaki sa cafeteria. May suot siyang headphones na nakasabit sa leeg at mukhang may hinahanap.
“Kevin, dito!!”
“Pre, andito kami!”
“Tahimik nga kayo, Zaren, Axson.”
“Okay, baby Calix!”
“Hahaha!”
“Nakakahiya ka, Axson. Lumayo ka nga dito!”
Narinig ko ang tawanan nila mula sa kabilang table. Napansin ko na rin si Kevin, lumapit na siya sa kanila.
“Ang tagal mo, pre. Ikaw na mag-order kasi ikaw huli,” sabi ni Axson.
Narinig ko bigla ang pangalan ko.
“Lauren, Girl!”
Napatingin ako sa gawi nila Denise nang tawagin ako.
“Ha? Bakit?”
“Tapos na kami kumain ng dessert, ikaw na lang hindi pa. Ano ginagawa mo, ba't nakatingin ka sa kabila?”
“Ah, wala, wala. Sige, kakain na ako.”
“Yiee, nagseselos ka yata sa tawag ni Axson kay Calix?”
“Hindi ah, Denise!”
“Yiee, baby Calix raw!”
“Hahaha!”
“Hindi nga! Tumahimik nga kayo, Roxie at Denise. Baka marinig kayo ng mga tao sa kabila.”
“Haha, Roxie, ililibre kita ng dinner basta isigaw mo kay Calix na crush siya ni Lauren.”
“Meshie, huwag naman!”
“Haha, game ba kahit ano?”
“Oo nga, kahit ano!”
“Meshie, please! Tara na, tapos na ako. Alis na tayo, please!”
Nagmamakaawa ako sa kanila at napatingin ako kay Denise.
“Denise?”
“Oh? Hahaha! Go, Roxie, isigaw mo kay Calix tapos i-video ko!”
“Pati ikaw, Denise? Huhuhu, guys, alis na tayo. Huwag niyo na ituloy, please!”
Bigla namang sumigaw si Roxie.
“CALIX, HOY!”
Napatingin si Spencer sa amin. Lagot.
“OH? BAKIT DAW?” Tanong ni Zaren, natatawa.
“HINDI IKAW ANG TINATAWAG KO, SI CALIX!”
“Hahaha! Hindi ka naman tinatawag, Zaren. Ba't ka sumasagot?”
Narinig ko ang malakas na tawa ni Axson matapos sabihin yun, si Zaren naman parang napahiya.
Si Roxie, tuloy pa rin.
“HOY, CALIX!”
“BAKIT?”
Shocks, sumagot na siya. Lagot.
“CRUSH KA DAW NI LAUREN! HAHAHA! CRUSHBACK MO DAW SIYA!”
Napatakip ako ng mukha sa sobrang hiya.
“OKAY”
“HAHAHA TALAGA? YIEE! GAGAWAN KO KAYO NG FANPAGE! SHIP: CALREN!”
“Okay na, Roxie. Iiyak na si Lauren, eh. Hahaha!”
“Okay, ha! Dinner ko mamaya, boss Meshie.”
“Nakuha mo ba ng video, Denise?”
“Oo, hahaha!”
Rinig ko silang nag-uusap at pati yung kabilang table, ang ingay.
“Pre, crush ka pala nung sexy na chick!”
“Sino? Yung may mahabang straight na buhok? Yung maganda na maamo ang mukha?”
“Oo, pre. Nakuha mo!”
“Tahimik nga kayo. Ang ingay niyo naman.”
“Hahaha, kinikilig ka lang, eh. Namumula na yung tenga mo!”
Nakipag-apir si Axson kay Zaren. Naging tahimik na sila nang dumating na yung pagkain nila dala ni Kevin.
“Pre, anong nangyari sayo? Ba't namumula tenga mo?”
Rinig ko ang tanong ni Kevin kay Calix, pero hindi siya sumagot. Si Zaren ang sumagot.
“Hahaha, kinikilig, pre. Hindi mo ba narinig yung kanina?”
“Hindi, naka-headphone ako. Ano ba yun? Kwento niyo na lang.”
"Tara na, guys,” sabi ko, gusto ko nang umalis. Nahihiya pa rin ako. Kailangan pa naming madaanan ang table nila Calix.
“Uy, miss! Ikaw si Lauren, diba?” Tanong ni Kevin, pero hindi ko pinansin at dumiretso ako ng lakad, hindi tumingin sa kanila.
“Snobber naman, pre.”
“Hahaha, inisnob ka lang. Pangit mo kasi, eh.”
Narinig ko pa yun, pero nagpatuloy na ako, kasama si Denise at yung iba.
Habang naglalakad sa Hallway May nakita kaming bench at sinabi nila Denise na maupo muna kami doon ngunit nauna na akong umalis.
Nang makarating ako sa room namin, naupo ako at inilapag ang ulo ko sa braso ko. Nahihiya talaga ako sa ginawa nila kanina. Hindi ko alam bakit ako parang naiinis, pero at the same time, parang kinikilig sa sinabi ni Calix. Crushback, huh?
Pero hindi ko naman na siya crush… Ewan ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
YOU ARE READING
I'm tired loving you
Teen Fiction私はあなたを愛するのに疲れています When I was a little kid back then. elementary kid,I have a classmate that I have a crush on... yet he have a crush on someone else.... When I become a teenage girl, we met again I don't know what I feel. I don't know if this is sti...