Lauren's Point of view
Dahil wala pa naman sila Meshie, Denise, at Roxie, no choice ako kundi kausapin siya. Ang boring kaya! Humarap ako sa kanya at sinimulang makipag-usap.
"Calix."
"Oh?"
"Tungkol doon sa kanina, biro lang 'yun ah."
"Okay, sabi mo eh."
"Joke nga lang 'yun."
"Oo na nga."
"Bakit parang hindi ka naniniwala?"
"Ha? Naniniwala naman ako."
"Eh kasi yung mga sagot mo, parang napipilitan."
"Hmmm, hindi naman eh. Tsk."
"Oh, yan na naman, bakit ganyan sagot mo?"
"Ha? Anong mali sa sagot ko? Hindi naman ako napipilitan, medyo lang."
"Ang gulo mo! Hindi ka napipilitan, pero sabi mo rin medyo. Ano ba talaga?"
"Sinabi ng kaibigan mo na crush mo ako. Tapos babawiin mo? Crush back na nga kita, tsk."
"Hahaha, yun na nga! Biro lang 'yun, crush lang naman kita dati eh. Bakit parang galit ka?"
"Crush mo ako dati?"
"Oo, hahaha. Kaso may iba kang crush."
"Sino?"
"Bakit mo sa akin tinatanong? Tsk. Maalala mo yung Grade 4 tayo?"
"Hindi, eh. Anong meron doon?"
"Crush mo si Stacey noon, tapos nung Grade 5 naman, si Roxie yung crush mo! Hahaha, yung tumawag sa'yo kanina."
"Paano mo nasabi na crush ko yung mga 'yun?"
"Eh, lagi ka kasing nakikipag-usap at lumalapit sa kanila?"
"Ahhh, hahaha. Okay."
Habang nag-uusap kami, dumating na sina Denise, Meshie, at Roxie. Naupo muna sila sa upuan at nagtanong si Roxie.
"Hi Lauren, Hi Calix. Ano pinaguusapan niyo?"
"Ahh, ano-"
Hindi ko pinatapos ang sasabihin ni Calix. Ako na ang sumagot kay Roxie, nahihiya ata kasi siya. Crush niya pa rin ata eh.
"Sinasabi ko kay Calix kung sino yung mga crush niya dati. Hindi niya ata maalala."
"Ahh, okay. So sino yung mga crush niya?"
Hindi ko na nasagot yung tanong ni Roxie kasi dumating na yung magtuturo sa amin. Kakatapos lang magturo ng last teacher namin. Uwian na.
Papalabas na kami ng classroom nina Denise nang makita namin yung tatlong lalaki sa tapat ng pintuan. Hinihintay ata nila si Calix.
"Hi Lauren."
"Hello?"
"Pre, ito yung sinasabi ko sa'yo kahapon, hahaha. Yung maingay na babae," sabi ni Zaren, sabay turo kay Roxie. Sumagot naman si Roxie.
"What? I'm not maingay! You're so rude, kuya. Ang gwapo, arghh!"
"Sabi ko sayo, pre, ang ingay! Hahaha."
"Whatever, kuya!"
"Ang tanda mo na pala, Zaren! Haha, kuya ampt."
"Gagi ka, Axson! Gwapo naman ako! Hahaha."
"Tara na, guys. Alis na tayo, ang hangin kasi," sabi ni Roxie kaya umalis na kami. Pero hindi pa kami nakakalayo nang tinawag kami ni Calix.
"Lauren, Denise!"
"Oh? Bakit?"
Si Denise na yung sumagot.
"Balik kayo dito."
"Roxie, wait. Balik daw tayo. Hayaan mo na 'yun, yung nang-aasar sayo, crush ka nun eh."
"Pwes, I don't even like him."
Bumalik kami sa kanila, pero nauunang maglakad si Roxie at Denise, nagbabangayan sila.
"Crush ka talaga nun! Libre mo ko pag tama ako."
"Paano naman eh lagi niya nga akong inaasar! Whatever!"
Narinig ko pang usap nila.
"Uyy, Calix, bakit mo kami tinawag?"
"Yayayain lang sana namin kayo sa bagong bukas na coffee shop malapit lang sa school natin."
"Okay, it's fine with us, pero iwan niyo 'yung kaibigan mong asungot na mayabang dyan."
"Sinong asungot, Roxie?" tanong ko.
"Ahh, yung Stem student lang naman dyan na mahangin."
"Sino sa kanilang dalawa, si Axson ba?"
"Luh? Bakit ako nadamay? Eh, hindi nga kita kilala. Ngayon lang!"
"Sinabi ko bang ikaw!"
"Baby Calix, oh! Inaaway ako!"
Hindi ko mapigilan matawa sa itsura ni Axson habang nagtatago kay Calix sa likod nito.
"Yuck, kadiri ka, pre."
"Tara na, umalis ka nga sa likod ko, Axson."
"Kevin, tara na."
Naglalakad kaming walo sa hallway papuntang gate. Katabi ko si Kevin, at nauuna naman si Meshie at si Axson. Sa likod namin si Calix at Roxie, at ang huli ay sina Zaren at Denise.
YOU ARE READING
I'm tired loving you
Novela Juvenil私はあなたを愛するのに疲れています When I was a little kid back then. elementary kid,I have a classmate that I have a crush on... yet he have a crush on someone else.... When I become a teenage girl, we met again I don't know what I feel. I don't know if this is sti...