Unang Pagkikita

9 1 0
                                    

*may mga bansang mababanggit sa kwento lahat ng ito ay walang katotohanan, gawa gawa lamang ng manunulat.

na sa aklatan ako ng bahay namin ng may marinig akong kalabog sa maliit na bintana sa dulo ng kwarto, kinuha ko ang kutsilyong regalo ng ina ko upang makasigurado sa aking kaligtasan at dumayo na roon, dahan dahan akong naglakad at nag iingat sa aking bawat hakbang ng di magulantang saakin ang mandarambong, nang makita kong nakabukas ang bintana ngunit walang tao roon, marahan akong humarap sa isang helera ng aklatan at nakaharap ko ang isang ginoong nakasuot ng pangsundalo parehas kame nakatutuk ng armas sa isa't isa, sinamaan ko sya ng tingin sa kadahilanan na hamak syang sundalo e basta basta lang syang pumapasok sa pamamahay ng isang maharlika, 

"sino ka?" tanong ko sa kanya habang naka lagay ang pinakatuktok ng kutsilyo ko sa leeg nya habang ang baril nya nama'y nakatutuk sa aking ulo, binaba nya ang baril at nag pakilala

"isa akong tinyente ng hukbong pang dalawa sa ranggo at inutusan ako ng heneral na maghalukhok ng patago sa hacienda Dela fuente, tama nga sila na ika'y walang kinakatakutan binibini," kahit na nag biro sya wala ni anong emosyon sa mukha nya, kaya binaba ko na din ang patalim na hawak ko 

"pwede mo bang sabihin kung bakit palihim na maghahalukhok sa tahanan namin ang tinyente?" taka kong tanong sa kanya at tumalikod na nag lakad sa kanina kong pwesto at naupo sa isang upuan roon, sumunod naman ang tinyente saakin at walang aya aya'ng umupo narin roon at nilapag ang kanyang sandata sa katabing lamesa,

"pinaghihinalaan ng heneral ang iyong ama, dahil sa huling bisita neto sa opisina ay nawala ang mga sandata'ng dapat gagamitin sa magaganap na digmaan-" pinutol ko ang paliwanag nya at mabilis syang hinila sa kwelyo sa galit

"hindi gagawin ng ama ko iyon. mag ingat kayo sa pag bibintang, kahit ni isa samin ay hindi katulad nyo e tinulungan at sinamahan namin kayo, namatay halos lahat ng kasambahay na nakalakihan ko dahil sa mga pag tataka at pagbibintang nyo na rebelde silang lahat" galit kong punto sa kanya pero di sya pumalag at dahan dahan na tinanggal ang kamay ko sa kwelyo nya, inayos nya ang sariling kwelyo at tumango tango

"totoo namang mga rebelde sila, hindi mo lang talalaga kayang makakita ng taong namamatay sa kadahilanang duwag ka, mauuna na ako binibini paumanhin at ika'y aking na istorbo, magkikita muli tayo sa susunod." may kaonteng ngiti ang kanya mukha ng banggitin nya ang huling pangungusap at dali daling umalis na,

di ko nalang pinansin ang kanya sinabi at bumalik sa kanina kong ginagawa na parang walang nangyare.

** kinabukasan

kakatapos ko lang mag ayos kasama ang kaidaran kong kasambahay para sa partido sa mahalagang anunsyo ni ama sa mga malalapit nyang espanyol na kaibigan lalo na ang mga may ranggo sa militar dahil malapit sya sa mga ito 'kaya pala nabanggit ng ginoo na mangkikta uli kame.'

"binibini?," tawag sakin ni hiraya,

"ano iyon?" guntang ko namang tanong 

"tapos na po akong ayusan ka, naghihintay na po sila sa iyo" nakangiti nitong wari, 

tumango ako't tumayo, lumabas ng kwarto at nagtinginan naman sila saakin, mabilis na hagip ng mata ko ang tinyente nakangiti saakin, mabilis akong lumingon sa ama upang iwasan ang ginoo, pinakilala ako ng ama sa mga bisita nya, ngumiti ako at nag sabi ng mga mabubulaklak na salita sa kanila.

nakita ko din ang ina't binati sya, madalas kase na sa labas ang ina namamalengke sa umaga at nag sisimba sa tanghali nagpapanginga sa hapon at tumutulong manggamot sa mga nasugatan sa gabi madalas sa gabi tumutulong ako sa kanya pero pag sobrang dilim na'y pinapauwi na ako ng ina.

lumapit saakin si ama na kasama si tinyente at nakangiting pinasama ako sa kanila sa may hagdanan at nag salita si ama ng malakas upang marinig sya ng mga tao,

la historia no contada de emildina y leandro (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon