Balak gawing nobela balang araw. One-shot muna ito sa ngayon.
Isinulat nang walang plano.
Chia's POV
💭💭💭
Tanginang pila iyan sa LTO (Land Transportation Office).
Gusto ko lang namang ipa-renew 'yong dormant driver's license ko dahil kailangan ko nang magmaneho nang mag-isa simula ngayon. Nasanay kasi ako masyado dati na palaging hatid-sundo ng boyfriend kong si Juan Russel Del Mundo—na ex ko na ngayon.
Buong buhay ko kasi, siya palagi ang nagmamaneho para sa akin/amin at hindi ko naman naisip na posible kaming maghiwalay dahil sobrang swak na talaga kami para sa isa't isa.
Akala nga ng mga kamag-anak at kaibigan namin ay kaming dalawa na ang magkakatuluyan. Kasal na nga lang ang kulang sa amin. Sa dinami-rami naming pinagdaanan, pinili pa rin namin ang bawat isa araw-araw.
Pero tanginang pag-ibig iyan, minsan talaga mapanakit.
Napagod na siyang mahalin ako. Pakiramdam niya kasi, sa akin lang niya ibinuhos ang lahat ng oras at effort niya. Half of his life daw ay sa akin lang umikot kaya ngayon, sarili naman daw niya ang aasikasuhin niya.
Naguguluhan na raw siya sa lahat ng bagay.
Hindi ako nakapagsalita n'on dahil sa halo-halong emosyon. Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko.
Nasaktan kasi ako sa mga sinabi niya na para bang tinutuos niya sa akin ang mga isinakripisyo at ginawa niya noon para sa akin.
Alam ko namang bukal iyon sa loob niya dati pero sa tuwing nagkakanda-letse-letse na ang isipan niya, roon na lumalabas ang tunay niyang hinanaing sa relasyon namin.
Wala na raw kaming growth.
Tangina, kung alam ko lang, nag-Growee kami noon.
Hindi na raw niya alam kung may patutunguhan pa ba ang sampung taon naming relasyon.
Hindi ko na raw deserve masaktan pa sa pamamagitan ng mga salita at actions niya kaya mas mabuti nang umalis na siya at layuan ko na rin siya.
Ayaw ko, siyempre. Gusto ko siyang ilaban katulad ng mga ginagawa ko dati noong mga panahong naguguluhan ang isipan niya't sinubukang lumapit sa ibang babae habang hinahanap ang kaniyang sarili.
Maraming beses ko na siyang pinagbigyan, inintindi at pinatawad dahil nga sa tanginang pagmamahal iyan.
Para sa iba, ang daling sabihing, "Bitawan mo na iyan kung hindi ka na masaya at maraming beses ka nang nasasaktan.". Pero para sa akin, ilalaban ko hangga't hindi pa ako nauubos at nasasagad kasi ganoon ako magmahal.
Kapag kasi inalay ko ang buong ako, sisiguraduhin kong sa iisang tao lang.
Ayaw ko na rin kasi nang paulit-ulit pang magpapakilala at makikipagharutan tapos wala naman ding assurance kung magtatagal kami o panghabambuhay na ba iyon.
Gusto kong patunayan sa sarili na mayroon pa ring natatrabahong relasyon sa panahon ngayon na puro hiwalayan na lang.
Pero hindi ko lubos akalaing mangyayari rin iyon sa akin.
Akala ko kasi sobrang solid na kami ni Russ. Tangina, naging gas na lang ngayon.
Hindi ko na siya inilaban.
YOU ARE READING
Pagtatagpo (One-shot Fiction)
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon. © 2022 isipatsalita.