SYNOPSIS

4 0 0
                                    


"Vanessa Marie! Lumabas ka nga riyan sa kwarto mong bata ka! Hala! Labas!" Sigaw ng aking ina sa labas. Napabuntong hininga ako at lumabas ng kuwarto.

"Bakit po, ma?" Bungad na tanong ko rito nang makalabas ako.

"Anong bakit? Ang aso hindi mo pa pinapakain! Sinabi ko sayong pakainin mo si Roody hindi ba? Gusto mo bang ikaw ang hindi ko pakainin?" Galit na sigaw nito sabay hablot sa buhok ko.

Araw araw na senaryo na ito sa buhay ko. Simula nang mawala ang daddy ay halos patayin narin ako ng mommy sa mga utos at pambubogbog.

"Ma tama na po, nasasaktan po ako". Mangiyak ngiyak na pakiusap ko sa aking ina. Tila wala itong naririnig. Tuloy tuloy ang pagkaladkad nito sa akin patungong kulungan ni Roody.

"Pakainin mo ang aso ko kung ayaw mong ikaw ang hindi kumain naintindihan mo?" Galit na itinulak ako nito sa kulungan ni Roody. Ang mabangis niyang aso. Sa pagkakaalam ko'y hindi pa ito natuturukan kaya delikado kapag nakagat ako nito.

Takot mang makagat ay sinunod ko ang utos ni mommy sa akin. May pangako akong tutuparin kaya titiisin ko ang mga ginagawa niya sa akin.

"Congratulations graduates" pagbati ng principal sa stage. Labis natuwa ang mga kasama ko at lalo na ang mga kaibigan ko. Sabay sabay kaming nakapagtapos ng pagaaral.

Bago umuwi galing skwelahan ay dinalaw ko ang puntod ng aking ama.

"Daddy, nakapag tapos na po ako. Natupad ko na po ang pangako ko sa'yo. Mahal na mahal kita, daddy." Ngumiti ako sa kan'yang puntod at kalauna'y namaalam na upang umuwi sa bahay.

"Katagal mo namang bata ka! Sobrang tagal ba ng walang kwenta mong graduation kaya inabot ka ng siyam siyam?" Galit na bungad sa akin ng aking ina. Humingi lang ako ng paumanhin at pumanhik na sa aking kuwarto. Kailan kaya matatapos 'to?

"Nabasa ko ang story mo ang ganda ganda talaga Van," dahil sa pagka-hyper niya hindi ko mapigilang matawa. Nagchat si Ashley ng pagkarami raming emoji.

"Tapusin mo na gustong gusto ko na malaman ang mangyayari sa kanilang dalawa," masiglang sabi nito sa akin. Naisip kong may kailangan pa nga pala akong gawin kaya nagpaalam muna ako.

Si Ashley Cortez lang ang naging kaibigan ko mula highschool hanggang college. Isang araw ay nakita niya nalang akong sugatan sa daan dahil sa bugbog ni mommy. Pinatuloy nila ako sa kanila at inalagaan hanggang gumaling. Mula noon ay siya narin ang nagsilbing stress absorver at sister ko.

Kinagabiha'y tinapos ko na nga ang story na'yon ginawa ko ang best ko para maging maganda halos hindi na ako natulog matapos lang at mapublish ko lahat ng natitirang chapter.

Ginawa kong happy ending ang katapusan umaasang magiging gano'n ang mangyayari sa reality.

"Have you tried taking meds na, Van?" Ashley asked with a sympathy tone. Napabalik agad ako sa realidad. I just shrugged and put down my pen.

I looked everywhere and sighed. I feel it again. I feel so weak in the inside. Parang may bagay na humihila sa'kin para sumuko at magpahinga na lang.

"You need to take your meds, Van! Kumain ka ba? Look at you, you're ruining yourself."

Ash just keep nagging about me not taking my meds and eating. I don't have a strength to start this day. I just want to lay down in my bed and do nothing. Why am I doing this anyway?

The scandalous video my mom posted went viral and everyone think of me with those pitiful eyes that I don't need. I buried everything from my past, all the scars that I got after she hits me with those long blue tubes.

I've become anxious day and night about what people think of me. That disgusting little sh*t in the video being violated send shivers all over my body. My mom really is a gold digger, all she thinks is money. She doesn't care if she ruined someone's life.

I feel so tired because of the messages I got. Some of them laughing, crying, or sad because of the video. I don't need any of them. I sighed again as I lay down in my bed. As hippos embracing me for a sleep, I closed my eyes.

May I ask you?

Naranasan mo na ba maging isang manunulat?

Naranasan mo na bang purihin ang mga akdang iyong ginawa?

Naranasan mo na bang laitin ang iyong akda ng mga taong walang magawa?

Naranasan mo na bang sumulat habang umiiyak?

Naranasan mo na bang sukuan ang larangan ng pagsusulat?

Kung iyong naranasan lahat ng 'yan ay hindi ka nagiisa.


I'm Vanessa Ryxz. The best writer of all time. Sikat at magaling sumulat ngunit hindi nila alam na nakatago ako sa isang maskara.

Ang tintang panulat na may bahid ng itim kong dugo at durog na pagkatao.

The Wrath of Melancholic InkWhere stories live. Discover now