Prologue

10.9K 106 6
                                    

Prologue

"Aleina naman. Kailan mo ba titigilan ang pagkumpara sa aming dalawa?! Tama na. Patay na 'yon, e. Nandito na ako. Ako naman! Ako naman ang pagtuunan mo ng pansin. Ako naman ang mahalin mo tulad nung kanya. Kasi kung hindi, mababaliw na ako sa sakit. Aleina, kailan magiging ako? Gaano katagal pa ako maghihintay na maging ako naman?"

Si Jaustin ang matiyagang sinundan ang isang Aleina nang unang beses pa lamang nya itong nakita sa eroplano. Matangkad sya at makurba ang katawan. Maganda sya ngunit may kulang.. Ngumingiti ito ngunit alam nyang kabaligtaran ito ng tunay na nararamdaman ng dalaga.

Kaya naman ng bago pa sila bumaba ng eroplano ay nagtanong na ito sa isang Flight Attendant na isa.

"Hi? Are you a Filipina?"

"Yes, sir. Do you need anything?"

"I need to know her name.." sabay nguso sa nakatalikod na Aleina.

"Oh, that's my bestfriend Ivy Aleina Villafuerte, sir."

"Oh, gosh. Heavens. Can I.. Uh? Can I atleast have your number so I can.."

"Sir, you don't need to stutter. Here, call or text me if you want to know anything about her.."

Laking pasalamat nya sa kaibigan ni Aleina na nakilala nya sa eroplano dahil sa kanya nya nalalaman ang mga flights ni Aleina na syang sinundan nya. Kinulit ng kinulit.. Hanggang sa hindi na nya nakayanan ang naramdaman ay sinubukan nilang pagbigyang dalawa ang kanilang nararamdaman.

Batid ni Jaustin na mahal pa rin ni Aleina ang yumao nitong boyfriend. Oo, lahat na yata ay alam nya. Inalam nya lahat ng tungkol kay Aleina. Masaya sila.. Ngunit ni minsan ay hindi hinayaan ni Aleina na sumama sa kanya si Jaustin sa pagdalaw kay Allen. Nasasaktan sya kasi wala syang magawa. Hindi sya pwedeng umangal.

Inamin rin ni Aleina sa kanya na mahal na mahal pa rin nya si Allen. Na hindi pwedeng pilitin nyang kalimutan ito dahil hindi nya kaya. Nanahimik nalang sya kaysa mawala ng tuluyan sa kanya ang pinakamamahal.

Hanggang sa isang araw sa tatlong taon nila ay naramdaman nyang nagbabago na ang pakikitungo sa kanya ni Aleina. Naging malambing ito, lahat ng flights nya ay ipinapaalam na nito sa kanya, ipinagluluto na rin sya nito at ngumingiti't humahalakhak na rin ito ng hindi nya hinihiling.

Hanggang isang gabi ay umamin na ito sa kanya na mahal na rin sya nito ngunit mahal pa rin nya si Allen. Hindi na nya yun inintidi dahil ang mahalaga sa kanya ay ang mahalin na rin sya ng tuluyan ni Aleina.

Nang magpaalam ito ng isang araw sa kanya na dadalawin si Allen ay pinilit ni Aleina na samahan nya ito ngunit humindi ito kaya mag-isang tinungo ni Aleina ang musoleo ng dating kasintahan. Ang hindi alam ni Aleina ay may surpesa ang binata rito.

Ang pangakong mamahalin at aalagaan sya. Ang singsing na sisimbolo sa pagsasamahan nila habambuhay. Ang pangalan at apelyido nyang dadalhin nito hanggang sa mawala silang pareho sa mundo.

Ngunit hindi naging madali.. Maraming sagabal. Maraming problema. Maraming sakit. At marami pang hinala.

What's wrong being a mistress then, when you just fell and grew up into love? She never wanted that. She never wanted to be a mistress.. Alam ng lahat 'yon. But, being a mistress of Dexter Allen Avuevo was really enchanting.. He taught her everything that she needed to know. He taught her everything.. Specially in love. He taught her to fight and sacrifice when needed. He taught her to protect her feelings. And most specially, HE TAUGHT HER TO FALL IN LOVE.

--

Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon