Part 1

5 0 0
                                    

(2020)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(2020)

Dumating na ang order ko na kape, sabay nito ang pagdating ng gwapo pero mokong na kaibigan ko.

"Austin!", sigaw ko habang kumakaway sa kinauupuan ko para makita nya ako. 

"Sorry El late ako. Kinausap ko pa kasi yung pasyente ko.", sambit nya habang umuupo.

"Duh? May bago ba don? Filipino time ka naman lagi kaya okay lang sanay na ako."

"Oh heto pala.", abot nya ng libro sa akin.

Inabot ko ang nakabalot pa sa plastic na libro na hindi kakapalan pero hindi rin kanipisan at ngumiti sakanya. 

"Austin, thank you.", ngiti kong muli sakanya. At bumalik ang tingin ko sa librong hawak ko dahilan upang maluha luha ang mga mata ko kaya tumingin na lamang ako sa labas habang nakangiti pa rin.

Ako si Ava Elise Cinco, kaano ano ko si Michael Cinco? Hmm? Kaapelyido lang. Wala po kahit isang patak ng dugo ng mga sikat na Cinco ang nanalaytay sa akin. Isa lang po akong fashion designer na nagmamay ari ng isang boutique shop na maraming pinagdaanan at eto ang kwento ko bago ko makilala si Austin..

 Isa lang po akong fashion designer na nagmamay ari ng isang boutique shop na maraming pinagdaanan at eto ang kwento ko bago ko makilala si Austin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(5 years ago..) (2015)

"El!!!!" sigaw ni Pam kasabay ang pagpasok sa loob ng shop ko.

"Ano nanaman ang kailangan nyo at nandito nanaman kayo? Eh wala naman kayo schedule?" pabalang na tanong ko kahit alam ko naman kung bakit sila andito. 

"El tara na! May party tayo mamaya!" sagot ni Lexa sa akin

"Haynako! Sabi ko na-"

"Haynako din El! Wag ka nga puro work. Magparty ka naman kahit minsan. Baka mamaya yang mga damit mo na kumausap sayo." Naputol ang sasabihin ko sa sinagot ni Ash.

"Kaya ka mukhang stress." habol pa ni Lexa.

Totoo nga naman mukha na akong stress dahil halos bahay at sa shop ko nalang ako pumupunta. May punto ang mga sinasabi ng mga kaibigan ko pero hindi pa rin ako makakasama. Oo nga pala, sila Ash, Lexa at Pam ang mga kaibigan ko simula elementary. Para ko na silang mga kapatid dahil sa tagal na ng pinagsamahan namin.

"Hindi talaga ako pwede dahil marami akong kailangang tapusin na damit ng clients ko."

"Totoo ba? Ows? Sabihin mo ayaw mo lang talaga." sambit ni Ash na parang nagtatampo.

"Totoo. Promise kahit icheck nyo pa. Babawi nalang ako sainyo, sorry talaga." sagot ko na parang nahihiya. 

"Basta hindi ka tumatanggi dahil sa nangyari sayo ha? Baka naman kaya ka masyadong subsob diyan sa trabaho mo eh dahil sa nangyari El? Alam mo naman na andito kami diba?" ani ni Lexa.

Ramdam namin lahat ang biglang katahimikan.

"O-Oh oh tama na yan, tara na Pam at Lex. Mauna na kami El dahil gabi na din. Basta magtext ka lang pag alam mo na ha." paalala ni Ash bago tuluyan umalis.

Tuluyan na silang umalis ng shop ko. Dahil sa sinabi ni Lexa kanina napaisip tuloy ako at para bang nalulungkot nanaman. Naalala ko nanaman ang mga nangyari 7 years ago, May 1, 2008....

Upang hindi ako tuluyan kainin ng lungkot ko ay napag isipan ko na lamang na tapusin ang mga gowns ng clients ko. Pagkatapos ko ay uuwi na sana ako ngunit habang nagsasara ako ng aking shop ay biglang may naaninag ako mula sa labas ng shop na batang nakatingin sa mga damit sa shop ko. Lumabas ako upang tignan ang bata.

"Hi!" bati ko habang lumalapit sa batang nasa labas ng shop ko.

Hindi lumingon ang bata sa akin kaya kinalabit ko nalang at bumati muli ng may kasamang pag usisa dahil para bang di maalis ang tingin nito sa mga damit.

"Hi! Umm mag isa ka lang ba? Nasaan ang parents mo? Nawawala ka ba?" sunod sunod kong tanong habang pinagmamasdan ang bata.

"P-Po? Ahh napadaan lang po ulit ako dito. Palagi po ako dumadaan dito bago umuwi kasi po ang gaganda po ng mga damit." sagot nya sakin na parang nahihiya.

"Ganon ba? Sorry ha kasi magsasara na ako. Ako nga pala may ari nito."sabay ngiti ko sakanya.

"Ay okay lang po. Sorry din po baka po naiistorbo ko po kayo sa pagsasara. Alis na po ako ate, bye!"

Nagmamadali na siyang umalis. Para bang nahiya siya sa akin. Pero natuwa ako dahil kahit hindi ko siya client at hindi kakilala ay nagustuhan niya ang gawa kong mga damit. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon