Sabi nila kapag daw natanggalan ka ng pilik - mata ng hindi sinasadya, pwede ka daw mag wish dito. Sabi naman ng iba, hindi daw ito totoo. Gusto ko sanang subukan kaso wala pa naman akong nakukuhang pilik - mata na natanggal sa muka ko. Kaya aantayin ko na lang hanggang sa magkaroon. Wala namang mawawala kung susubukan diba?Pagkagising ko, humarap agad ako sa tapat ng salamin sa loob ng kwarto ko. Hindi para mag ayos, kundi para tingnan kung may Falled Eyelashes na dito. Pero sad to say, dahil wala pa rin. Bat ba kasi ang tagal matanggal nito? Di pa tuloy ako makapagwish. Sana mamaya meron na kong makita. Ang hirap kasing mag antay eh, nakakainip.
Pag tapos kong icheck yung muka ko kung may falled eyelashes na, naligo agad ako tapos kumain para makapasok na ko sa school at para makita ko na agad yung bestfriend kong dahilan kung bakit gustong - gusto ko nang makapagwish sa aking falling eyelashes.
Bakit naman kasi sa dinami - rami ng tao o lalaki sa mundo, dun pa ko nagkagusto sa bestfriend ko? Ang hirap talaga intindihin ng mundo, ang gulo.
Pagkakita ko sa bestfriend ko, binatukan ko agad sya pero mahina lang naman. Yun kasi yung parang batian naming dalawa tuwing nagkikita kami.
"Aray ko naman" reklamo nya habang hinihimas nya yung batok nya.
"OA nito! Tara na nga" sabi ko sabay akbay sa kanya.
Maaga pa naman kaya napagdesisyunan namin na tumambay muna dun sa rooftop ng building dito sa loob ng campus namin. Pagkadating namin naghanap agad kami ng mauupuan na hindi masyadong nasisikatan ng araw.
Pagka upo namin, nilabas ko agad yung baon kong salamin. Ngayon lang ako nagbaon ng salamin sa eskwelahan kaya sigurado ko na magtataka tong bestfriend kong to.
"Babae kana? Ano gagawin mo dian? Nagpapacute kaba dun sa mga lalaki sa baba?" kitams ang dami agad tanong nitong lalaking to
"Sira! May tinitingnan kasi ako sa muka ko" sabi ko sa kanya sabay batok.
Hay, nako Andrei. Bat ba kasi ang manhid manhid mo? Sayo lang ako nagpapapansin pero hindi mo napapansin yun.
"Huy! Tulala ka dian?" sita nya sakin sabay tapik sa noo ko na nakapagpabalik sakin sa reyalidad.
"Ha? Wala lang. Trip ko lang tumulala, gusto mo gaya ka. Ay, wait lang ah" sabi ko sabay paalam sa kanya para magpunta sa CR dito sa may rooftop.
Wala naman akong balak umihi o kaya gumawa ng milagro dito sa loob ng CR eh. Gusto ko lang tingnan kung may falling eyelashes na ko sa muka ko at thanks God dahil meron na, meaning makakapag wish na ko. Yehey!
Lumabas agad ako sa CR pagtapos kong tanggalin sa muka ko yung Falling Eyelashes tapos nagpunta ako sa veranda ng rooftop para dun ihipan yung pilik - mata ko pagtapos kong mag wish.
"Sana balang araw, mapansin ako ni Andrei" bulong ko tapos hinipan ko na yung pilik-mata ko. Sana totoo yun.
"Cha! Chalene! Anong ginagawa mo dian? Nagdadasal kaba?" painosenteng tanong nya sakin na sinagot ko ng batok sa kanya bago ko sya iwan dun sa rooftop.
Pagkababa ko ng rooftop dumiretso agad ako sa classroom, dahil alam ko maya-maya dadating na yung prof namin.
Pagka upo ko sa upuan ko, wala pang 5 minutes dumating na yung prof namin. Buti nga pagtapos nito break time na eh. Kaya mapapahinga yung utak ko ng kahit sandali.
Nung lumabas na yung prof namin, nangkanya-kanya na yung mga kablock-mates kong magpunta sa canteen. Di ko pa nga tapos ligpitin yung mga gamit ko ng bigla namang sumulpot si Andrei sa harapan ko.
"Hoy! Babae. Iniwan mo ko kanina ah. Kaya ililibre mo ko ngayon" sabi nya na parang bata na nanghihingi ng candy.
"Oo na! Tara na nga. Kawawa naman ang bata baka umiyak. Hahahaha" sabi ko naman tapos nauna na kong lumabas sa kanya habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
Falling Eyelashes ( ONE SHOT )
Teen FictionMaraming paniniwala yung mga tao sa mundo. Tulad na lang nung sa mga Wish. Wala namang mawawala kung susubukan mo yung isang bagay diba? ENJOY READING! :*