Chapter 34
Brayden Matthew Monteverde
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga. Hindj na ako nakatanggap ng message kay Brayden. Siguro ay naging busy na sya? I wonder kung pati sa bahay nila ay dala pa nya ang trabaho?
Naligo ako at nagbihis. Bibisita ako kay Papa ngayon. Dahil sa busy si Mama, at si Maricon ay papasyal sa mga kaklase nya ay nagpasya akong ako nalang mag-isa.
"Hi Papa! I miss you po" bungad ko sa puntod ni Papa sabay lapag ng dala kong bulaklak at ilang pagkaen na paborito nya. "Miss na miss na kita Papa. Alam mo, ang dami kong dapat ikwento sayo..."
Inaamin kong mas close ko si Papa kesa kay Mama. Noong bata palang ako ay spoiled ako sakanya. Lagi niya akong binibilhan ng laruan at pagkaen. Lagi niya rin akong pinagtatanggol kapag nagagalit si Mama.
"Iyong kinwento ko sainyo dating lalaki? Si Kevin?... Wala napo kami Papa. Niloko nya ako pero okay na un saakin. Hindi na po ako umiiyak..." sabi ko. Sanay akong kinakausap si Papa kapag pinapasyalan ko siya rito. Nakakagaan ng loob kapag nagkukuwento ako sakanya. Alam kong hindi siya sasagot pero alam ko sa puso ko na nakikinig sya sa lahat ng sinasabi ko. Miss na miss ko na si Papa.
"Tapos, may nakilala ako Papa.. Isang lalaki, sobrang bait nya sakin' alam nyo ba un?? Pinatira nya ako sa condo niya... Ang bait bait nya. At sinabi niyang gusto nya ako.. Anong gagawin ko Papa?? Parang may kakaiba kasi akong nararamdaman eh. "
"Hindi na alam ang gagawin. Sa lahat ng naitulong nya ay hindi ko na alam kung paano bumawi man lang sakanya..."
Nang matapos akong magkwento kay Papa ay umalis na rin ako. Papasyal ako kila Mildred at Hera, mga kababata ko at mga kaibigan ko rin. Una kong pinuntahan ang bahay nila Mildred.
"Hi Tita Mila!" bati ko sa babaeng nagwawalis sa bakuran nila Mildred. Nanay nya ito, kaedad lang ni Mama at itinuring ko na ring ina.
Kinilatis nya muna kung sino ako at saka sya nagulat.
"Marionne?? Jusko!! Marionne ikaw nga!! Pambihirang bata ka!! Ngayon ka lang nagawi ulit rito" agad niya akong niyakap. Nakakatuwa dahil hindi pa rin nagbabago si Tita Mila. Mabait parin.
Tumawa ako. "Opo . Summer kasi Tita kaya umuwi ako ngayon. Kumusta napo kayo??? Si Mildred ho??"
Napangiti sya. "Aba'y okay lang naman kami. Si Mildred? Nariyan sa loob kasama si Hera. Halika, pasok ka." anyaya ni Tita.
Mabuti at narito rin si Hera. Matutuwa ang dalawang iyon kapag nakita ako.
"Dred, may bisita ka!" sigaw ni Tita Mila. Tila ineexcite pa sila Mildred.
"Sino ho Ma??" sigaw naman pabalik ni Mildred. Nasa sala sila samantalang kami ni Tita Mila ay papasok palang sa bahay.
Namataan ko silang nanunuod ni Hera ng tv.
"Hi Dred! Hera!" bati ko. Napatingin sila agad sa gawi ko.
"OMG! Marionne!!" bulalas na ni Hera at nagtatatakbo papunta saakin. Ganoon din ang ginawa ni Mildred. Sabay nila akong niyakap.
"Marionne!! Namiss ka namin!" sabi naman ni Mildred.
Tumatawa lang ako. Sobrang namiss ko ang mga kaibigan ko. Last time kasi noong umuwi ako ay ilang araw lang at hindi ko sila napuntahan. Ngayon ay sobrang namiss ko ang mga kaibigan ko. Mula pagkabata ay magkakasama na kami. Nabansagan pa kaming triplets noon dahil sa lagi kaming magkakadikit at hindi mapaghiwalay sa isat-isa.
"Miss na miss ko na rin kayo..." sabi ko lang. Pinasadahan ko sila ng tingin. Si Mildred na siyang pinakamatangkad samin ay mas lalong tumangkad at gumanda ang katawan, si Hera naman na siyang maputi ay mas lalong kuminis at gumanda. Ang gaganda ng mga kaibigan ko kahit narito lang sila sa Baler nag-aaral.
Naupo kami sa sofah nila. Nakakaangat din sa buhay sila Mildred dahil may maliit na resort ang pamilya nya roon tabi ng beach.
"Ay nako! Ikaw ba talaga yan Marionne?? Ang ganda ganda mo na! Para kang model!" ani Hera.
"Loka! Hehehe. Pero yong totoo? Model talaga ako, freelance nga lang.." sagot ko.
"Talaga? Grabe talaga Marionne! Ang ganda ganda mo!" sabi niya pa.
"Oh heto. Mamiryenda muna kayo... Iwan muna kita Marionne hah' pupunta lang ako sa bayan. Dred' ikaw na bahala kay Marionne" sabi ni Tita Mila. Ibinaba nya sa mesa ang juice at isang platong cookies.
"Opo Mama. Ingat po." sabi naman ni Mildred.
"Sige Tita. Salamat po. Ingat kayo" ani ko at humalik sa pisngi ni Tita.
Umalis na si Tita Mila. Kami namang tatlo ay walang humpay na chikahan ang inumpisahan. Nakakagaan lang ng loob dahil sa kahit ilang taon na ang lumipas ay walang nagbago sa isa saamin.
"Kumusta naman kayo? Balita ko sumasali kana sa mga beauty contest 'Dred ah" sabi ko kay Mildred. Nalaman ko iyon kay Mama ng magkwento sya minsan.
Tumawa lang si Mildred. "Oo eh.. Sa kabutihang palad, hayun.."
"Nananalo naman. Title pa!" si Hera ang nagtuloy.
Natawa nalang kami. "Beauty Queen kana pala eh! Naku naman! Edi sising-sisi si Brock na pinakawalan kapa?" panunuya ko. Ito iyong ex nyang pinagpalit sya sa isang transferee sa school namin noong High School, pagtapos nun ay hindi na sya nagboyfriend.
Nasamid pa si Hera nang marinig ang sinabi ko. Si Mildred naman ay humalakhak lang.
"Aynaku Marionne! Kung alam mo lang kung paano habulin ni Brock si Mildred ngayon. Kulang nalang humalik sa paa ni Dred eh." ani 'to saka tumawa.
"Oy! Oy! Anung ibig sabihin nyan?? Nanliligaw nanaman sayo??" tanong ko kay Mildred. Kilala ko sya, hindi sya basta basta pumapatol sa lalaking iniwan na sya. Aniya ay hindi nya isusuot muli ang mga napaglumaan na nya.
"Ako paba Marionne? Syempre hindi na ako nagsusuot ng napaglumaan ko na noh! Tsaka hindi ko na sya ineentertain, sya lang tong pilit ng pilit." pagmamalaki pa nya.
Marami pa kaming napagkwentuhan tungkol sa nakaraan at sa kabataan namin. Ang saya lang magbalik sa nakaraan kasama ang mga kaibigan mo. Walang humpay na tawanan at asaran ang ginawa namin.
.
.
Mag-iisang linggo na ako dito sa Baler. Tulad ng dati ay lagi akong nagpupunta kila Mildred, minsan naman ay kila Hera. Okay lang iyon kay Mama dahil bago naman ako umalis sa bahay ay sinisigurado kong maayos at malinis ito.
Nakaupo kami ngayong tatlo sa duyan sa bakuran nila Hera. Dito namin napagpasyahang magkwentuhan. Sa loob ng isang linggo ay hindi kami nauubusan ng mapagkukwentuhan.
"Tara sa Sabang, Marionne! Ligo tayo!" anyaya ni Hera. Oo nga pala! Isang linggo na ako rito pero hindi pa ako nakakaligo sa dagat.
"Oo nga! Namimiss ko na rin maligo sa Sabang!" sabi ko naman.
"Sige! Tara!" ani din ni Mildred kaya nagsimula na kaming maglakad papunta sa Sabang Beach. Malapit lang naman iyon kaya nilakad nalang namin.
Kalahating oras ang nakalipas ng makarating na kami roon. Hindi naman namin alintana ang oras dahil nawiwili kami sa pagkukwentuhan. Agad kaming nagsitakbuhan sa dagat. Ang saya lang! Nagtatawanan din kami dahil nadapa pa si Hera sa pagtakbo sa dagat. Walang humpay nanaman halakhakan ang pinakawalan namin.
Natigil lang ang tawa ko ng may makilala akong isang tao na nakatayo roon sa dalampasigan. Nakapamulsa sya at nagmamasid sa dagat. Hindi ako pwedeng magkamali. Tikas palang at tindig ng patayo ay alam kong siya iyon. Pero bakit sya nandito?
Bakit ka nandito Brayden Matthew Monteverde?
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤