Goodnight, Mr. Antukin

19.6K 818 145
                                    


Goodnight, Mr. Antukin.


"Tignan mo si Kian. Tulog na naman." Sinilip ko yung nginuso sa akin ni Rose. Crush kasi niya eh. Tinignan ko naman at nakayuko nga sa desk at mukhang nakatulog na sa class.


"Deh picturan mo." Sabi ko lang sabay tuloy sa dinodoodle ko sa notebook ko. Di naman kase ko nakikinig. Calculus eh. Kelan ba ko nagkainteres sa numbers? Deh joke lang. Wala lang talaga kong maintindihan sa mga limits.


"Ikaw nga magpicture, mas malapit ka eh." Tinaasan ko naman ng kilay si Rose. Aba't inutusan pa ko.


"Ikaw na kaya, kita mong busy ako dito." Kunwareng nakinig naman ako sa prof namin kahit wala na kong maintindihan. Biglang maya-maya, di ko na namalayang pinapanuod ko nang matulog si Kian.


"Ms. Dela Cruz." Siniko ako ni Rose dahil tawag na pala ko ng prof namin.


"Yes, sir?"


"Please answer number 27 from page 347 on your text book." Nanlaki mata ko. Di ako nakikinig tapos sasagot pa ko sa board?! Binasa ko yung problem at parang mahihimatay na yata ko. Hindi ko maintindihan.


"And Mr.. Uh what's his name?" Tinuro ni sir si Kian na natutulog. Na ginising naman ng katabi niya. "Mr. Antukin, answer number 28." Mr. Antukin?! Hahahaha. Sabagay, parang lagi nga kasing tulog tong si Kian sa class.


Tumayo na ko at pumunta sa board. Sa totoo lang, alam ko naman kung paano sagutin. Hindi nga lang ako sigurado kung tama. Maya-maya tumabi sa akin si Kian at nagsimula na rin magsagot. Mas mabilis pa nga siya sakin eh.


"The limit does not exist." Sabi niya na parang bumubulong sa board. Sino kausap neto?


"Rian, the limit does not exist sagot sa problem mo." Nagtataka naman akong tinignan siya habang siya tuloy tuloy lang din sa pagdraw ng graph at kung ano anong ekek sa board. Sinulat ko na lang din yung sinabi niya at nireview yung sagot ko. Hay nako bahala na 'to.


"Salamat, Mr. Antukin." Nauna na kong umupo at sumunod din siya maya maya. Dahil nasa bandang harap siya, lumingon siya sa amin ni Rose at nagthumbs up. Ngumiti na lang ako samantalang palihim akong kinurot ni Rose.


"Ano ba, masakit ha."


"Kainis. Dapat pala ako na lang tinawag ni Sir."Hanggang sa matapos ang class eh nagmamaktol tong si Rose na sana siya na lang daw ang tinawag. Ewan ko kung bakit naging crush nito si Kian.


"Pero friend, ang cute niyo tignan ha. Infairness, bagay pa pati names niyo. Kian at Rian. Yung totoo, pinagusapan niyo nicknames noh." Hinampas ko na lang si Rose at nang matahimik. Maya-maya, nadismiss na rin kami. Buti na lang vacant pa bago yung next class.

Goodnight, Mr. Antukin (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon