Chapter Four

7 5 0
                                    

NAPATINGIN SI Sania sa inabot ni Leslie sa kaniya na isang lemon juice na nasa loob ng isang baso. Kasalukuyan silang nasa loob ng school infirmary kung saan siya pinilit na magpahinga ng lalaking kaniyang nabangga ilang minuto pa lang ang nakalipas at nagpaiwan ito upang alagaan siya. Hindi na tuloy ito nakapasok pa sa klase nito ng dahil lang sa kaniya. Marahas siyang napabuntong hininga nang maramdaman niya ang munting tapik sa kaniyang balikat. Nang tingnan niya ang nagmamay-ari no’n ay nakita niya ang matinding concern na bakas sa mukha ng kaniyang kaibigan. Over fatigue, 'yon daw ang sanhi ng biglaang pag-collapse niya.

“Bakit? May nararamdaman ka bang masama? Gusto mo tawagin ko ‘yong nurse?” kunot noong tanong nito.

Muling umiling si Sania. Tumayo siya mula sa pagkakahiga at saka inabot at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kaniyang kaibigan. “Pasensiya ka na talaga, Les. Nadamay ka pa tuloy.”

“Ano ka ba, Sani? Ayos lang ‘yon. Huwag kang mag-alala kasi ma kinausap naman ako na kaklase ko. Sabi ko i-attendance na lang ako. Hindi naman kasi nagche-check ng attendance ‘yong mga professors namin kaya ayos lang talaga. Hindi rin naman ako makakapag-focus sa klase na alam kong narito ka sa infirmary. Malalagot ako kay tita kapag may mangyaring masama sa 'yo. Ikaw naman kasi! Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin kanina sa trabaho? Dapat sinabi mo sa akin para natulungan kita. Masama ka pa naman sobrang mapagod baka nakalilimutan mo,” paliwanag nito na siyang nakapagpalabi sa kaniya. Hindi alam ni Sania kung ano ba ang ginawa niya upang magkaroon ng kaibigan na tulad ni Leslie.

“Siguro ang dami kong natulungan sa nakaraang kong buhay para magkaro’n ng gaya mong kaibigan, Les– aray!” Hindi na natapos ni Sania ang kaniyang sasabihin dahil bigla na lang siyang hinampas ng kaniyang kaibigan.

“Anong kadramahan ‘yan, bes?” Magkasalubong ang dalawang kilay nito habang natatawang nakatingin sa kaniya. “Alam ko kakanood mo ‘yan ng mga historical drama. Past life past life,” natatawang dagdag nito saka muling napailing. Ilan pang sandali ay pinisil nitong ang tungki ng kaniyang ilong.

“Sinasabi ko lang naman. Malay mo ‘di ba? May napapanood akong videos ng mga nagpapa hipnotismo para malaman nila kung ano sila sa nakaraang buhay nila,” saad niya sabay kkamot sa kaniyang kanang pisngi habang nakaiwas sa direksyon ng kaniyang kaibigan. “I wonder kung magkakilala tayo sa past life na ‘tin.” Napangiti si Sania sa kaniyang naisip. Isang pagkakaibigang nilagpasan ang lahat ng panahon. Habang buhay.

Narinig ni Sania na natawa ang kaniyang kaibigang si Leslie kaya napatingin siya sa gawi nito. “Kung totoo nga ang sinasabi mo ay panigurado iniligtas mo rin ang buhay ko dati,” anito kapagkuwan ay napayuko.

Bagamat ginawa ‘yon ng babae upang makaiwas sa kaniya ay hindi lumagpas sa kaniyang paningin ang lungkot na dumaan sa mga mata nito. Naiyukom ni Sania ang kaniyang dalawang kamao nang mapagtanto na naaalala na naman ng kaniyang kaibigan ang nangyari dalawang buwan na ang nakalipas. Kinuha ni Sania ang kamay ng kaniyang kaibigan pakatapos ay marahang pinisil ito. Dumako ang tingin ng kaniyang kaibigan sa kaniya.

“Huwag mo ng isipin ‘yon, Leslie. Pinag-usapan na na ‘tin ang tungkol d’yan,” aniya habang nakamangot na nakatingin dito. Akmang sasagot na sana ang kaniyang kaibigan nang biglang tumunog ang cell phone nito. Ilan pang sandali ay nagpaalam ito sa kaniya upang sagutin ang tunmatawag rito. 

Tumango naman si Sania bilang tugon at nang maiwanang mag-isa ay inihiga niya ang kaniyang katawan. Akmang pipikit na sana niya ang kaniyang mga mata nang marinig niya bumukas ulit ang pintuan ng infirmary.

"Oh Leslie– Michael?" Nakasalubong ang dalawang kilay ni Sania habang nakatingin sa katrabaho. Ano ang ginagawa niya rito?

"Narinig ko ang nangyari mula sa kaklase ko. Hinimatay ka raw kaya ka dinala dito sa infirmary," saad nito ng walang kaemo-emosyon. "Alam mo? Para sa isang piniling sisidlan kung hindi nag-iingat ay napakahina at rupok naman."

Muling bumangon si Sania mula sa kaniyang pagkakahiga at saka tiningnan ang lalaki na siyang nakalapit na sa kaniya nang hindi niya namalayan. Akmang magtatanong na sana siya tungkol sa pinagsasabi nito nang bigla siyang hinawakan nito sa kaniyang magkabilang braso saka inalalayan para umupo ng ayos pero nagbago ang lahat ng napansin ni Sania ang bahagyang pagkunot ng noo ng lalaki habang inaalalayan siya. 

"Wait–" Natigilan ito saka humakbang palayo habang nakatakip ang isang kamay sa ilong nito gaya nang ginawa nito sa staff room. "What the hell? Didn't I tell you to be more careful and don't let them go near you? Who is it this time?"

Sania's furrowed crease while looking at Michael's non changing expression. Lumapit itong muli sa kaniya saka muling hinawakan at inilapit ang mukha sa kaniya. 

Ilang pang sandali ay narinig niya ang mumunting pahsinghot nito na tila inaamoy siya ng dalawang beses. "Ano ba ang ibig mong sabihin? Kanino ako dapat na hindi lumapit?" nalilitong tanong niya. Ano bang ginagawa nito? Bakit na naman niya ako inaamo– aray!

Dumaing si Sania nang biglang humigpit ang pagkakapit nito sa kaniya. Mas mahigpit na nararamdaman na niya ang mga kuko nitong bumabaon sa kaniyang balat. "Michael, ano bang nangyari sa 'yo?" aniya na unti unti nang nakakaramdam ng takot tungo sa katrabaho. Kahit na ilang beses niya itong sinubukan itulak palayo ay hindi ito natinag. Parang hindi na ito ang patpating katrabaho sa lakas ng katawan nito.

"Michael, ano ba!"

Tila doon lang natauhan ang katrabaho matapos niya itong sigawan. Napako ang tingin nito sa mga kamay na nakahawak ng mahigpit sa kaniya. Ilan pang sandali ay binitiwan siya nito kapagkuwan ay tumikhim.

"Pasensya ka na sa inasal ko," anito ng hindi tumitingin sa kaniya. "Sige aalis na ako. Lagi kang mag-iingat, Sania."

Nagitla ng sandali si Sania nang banggitin nito ang buo niya pangalan. "Now that he is here. You need to be more extra careful if you don't want to die," anito saka walang paalam na tumayo at iniwan siyang nakanganga sa sinabi nito.

Ano bang ibig nitong sabihin?

His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon