"MALANDI KA! MANGAAGAW KA! PATI BA NAMAN ANG MANA NI MAMA KUKUNIN MO? KINUHA MO NA SI ALFREDO SA AKIN DIBA? ""HINDI KO KINUHA SI ALFREDO SAYO! SIYA ANG NANGIWAN SAYO."
Rinig ko sigawan ni Mama at ng Isang babae. Hindi sa akin pamilyar ang boses niya. At hindi ko din matukoy ang pinaguusapan nila. Alfredo? Sinong Alfredo? Sino si Alfredo?
"MALANDI KA! ANONG KLASE KANG KAPATID? MALANDI KA! PAREHONG PAREHO KAYO NI AMANDA!"
"WAG MONG IDAMAY SI AMANDA DITO! PUMUNTA KA BA SA AMERICA PARA SABIHIN SA AKIN ITO?"
Muli nilang sabi. Amanda? Sino si Amanda? Nakagat ko ang labi ko at tinago ang ulo ko sa loob ng unan.
Nakakarindi ang mga sigawan sa baba. At hindi na kayang tanggapin ng tenga ko ang mga pinagsasabing masama nung babaeng kausap ni Mama.
Pumunta nga lang ba ang babaeng iyon dito sa America para sabihin ng masama si Mama?
Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko. Pumunta ako sa kwarto ng dalawa kong kapatid.
"Allen, Shey. " Ika ko at lumapit sa kanila.
"Ate bakit ang ingay nila sa baba? Anong nangyayari?" Tanong ni Allen.
"Wala, wag mo na lang sila pansinin. " Sagot ko.
Pitong taon pa lamang si Allen at dalawang taon pa lamang si Shey. At ayokong sabihin sa kanila ang mga totoong pangyayari. Dose anyos pa lamang ako.
Habang tumatagal, Mas lalong naglalakasan ang mga boses nila. At panay din ang tunog ng mga babasaging gamit. Daig pa nila ang mag-asawang lasing kung mag-away.
"ANONG NANGYAYARI DITO?! " Sigaw ng isang lalaki. Sigaw ni Papa.
"MIGUEL! BUTI NAMAN AT DUMATING KA. ALAM MO BA ANG GINAWANG PANG-AAGAW NG ASAWA MO? "
"TUMIGIL KA NA AIRA! ITIGIL MO NA."
"HINDI AKO TITIGIL HANGGA'T HINDI KO NAKUKUHA ANG MANA KO!"
Nagtakip ng tenga si Allen at humiga sa kama. Binuhat ko si Shey at nilapag din sa kama, Tinakpan ko ang magkabila niyang tenga.
Andito na si Papa. Pero bakit wala pa din nangyayari? Bakit wala pa din pagbabago? Bakit mas lalo pang gumulo?
Nakarinig ako ng isang malakas na kalabog. Nakita ko si Papa dala dala ang isang malaking bag.
"Moja, mag-impake ka na. Aalis tayo." Ika ni Papa.
Inimpake ni Papa ang mga damit ni Allen at Shey. Anong nangyayari? Agad akong tumakbo sa kwarto ko at nag-impake.
Anong nangyayari? Bakit kailangan maging ganito? Bakit kailangan umabot ng ganito? Bumuntong hininga ako at lumabas ng kwarto dala dala ang bag kong may laman na damit.
"Bigay mo sakin yan, " Sambit ni Papa at kinuha ang bag ko.
"Bumaba ka na, Dumaan ka sa kusina. Dalhin mo ang mga bata." Tumango ako sa sinabi ni Papa at nagpunta ng kwarto.
Binuhat ko si Shey at hinawakan naman ang kamay ni Allen.
Tulad ng sabi ni Papa, Dumaan ako ng kusina. Nakita ko si Papa sa may kotse. Tumakbo ako papalapit.
"Shit," Ika ni Papa.
Nasipa niya ang kotse at tumingin sa akin. Sapilitang kinuha sa akin ni Papa si Shey.
"Mauna na kayo, Naaalala mo ba yung bahay ni Lola mo? " Tanong ni Papa. Tumango ako.
"Pumunta kayo ni Allen doon, Susunod kami ng mama mo. Eto." Sambit ni Papa at binigay sa akin ang susi.