Chapter 2
_________________________________________________________________
I wasn't paying attention to the race, masyadong occupied ang utak ko. Feeling ko nga in any moment sasabog na ang dibdib ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Erika, at saka tumabi sakin.
"Oo naman. Masyado lang atang crowded kaya medyo naiilang ako." She just smiled at me and uttered okay pero andun parin sa mata niya yung pagaalala.
After a few minutes, I decided na pumunta nalang sa mini bar since boring lang yung race and di ko naman kilala yung mga andun. Ewan ko nga kung asan na si kuya, ni si Erika bigla nalang din naglaho. Wow naman sakanilang tatlo, talagang iniwan ako. Pfft. Ang boring talaga, solid much.
I'm not a party girl or whatsoever, di ko rin trip uminom ngayon eventhough na alam ko sa sarili ko na hindi ako okay, ikaw ba naman makaramdam ng "the return of the ghost from the past" di naman literal na mumu, sadyang inilibing ko na sa ikailaliman ng pagktao ko para di na ulit bumalik. But destiny is really playful, destiny nga ba yon?
Flashback...
"Hello?" I waited for any response kaso wala talaga eh. Ang lakas nga ng signal ko, and on going parin naman yung call.
"HELLO? Tatawag ka then di ka naman magsasalita? Bahala ka, I'll hang up kapag di ka sumagot diyan."
"Jasey.." I hear him say..
"Damn.." I cursed silently. Sorry po Lord, ngayon lang, di nako uulit, promise.
That voice. Matagal tagal ko na ring di naririnig yun ah. It's been 2 years since the last time I heard that voice.
"Jasey.. Magusap naman tayo, please?"
"So---sorry.. wrong number ata." My voice cracked. Wala nakong pakialam kung nawalan akong manners, basta mababa ko lang yung call okay nako.
I sobbed silently, kahit sobrang tagal na at sobrang dami ng nangyari parang sobrang lakas parin ng impact niya sa sarili ko. Imagine 2 years yun ah. Anyway, di dapat ako umiyak, matagal ko na ngang pinaghandaan to eh. Hudas talaga tong traydor kong nararamdaman. -.-
Si Kyle Fontessa. I don't want to talk about him. Aamin na nga ako, half of me is hoping na he'll come back in my life again, kaso kapag siguro di nako ako tanga at di nako vulnerable at kaya ko ng harapin lahat lahat.
"Earth to Jasey...." Ahh si Ravin lang pala. Si kuya lang pala, di kasi ako sanay tawagin siyang kuya minsan, 2 years lang kaya agwat namin, feeling ko nga kambal ko lang 'to eh. Haha.
"Inaantok lang ako." sabi ko habang inaayos ko yung gamit ko.
"Dapat kasi di kanalang sumama, natulog kanalang sana. Kesa naman pag-uwi natin aawayin mo nanaman ako kasi boring nanaman dito. Saps." Wow, mas muka pa nga siyang nagrereklamo sakin eh, wala naman akong sinabi kanina ah. Siraulo talaga minsan tong kuya ko.
"Okay nga lang eh, wag ka ng OA kuya." OA masyado 'to minsan. That's why sometimes I prefer to distant myself to him whenever I don't feel well. "Uwi nako ne? Inaantok nako eh." I look at my wrsit watch and it's already past 11pm. I feel really exhausted.
"Samahan na kita. Hahatid din naman ako pauwi ni Ravin eh. Para narin makapagusap pa tayo. Busy kana eh." She chuckled. Cute talaga neto, kaya nga gusto ko siya para kay kuya eh. Di kagaya nung ex girlfriends niyang iba, yung iba kasi parang linta kung makadakit. There's this one time that I got a slap from one of his ex-gf's, napagkamalan akong kabet! Imagine that? Too immature.
"Sabagay, puro ka kasi kay kuya eh, hehe. Dejoke lang. Ganyan talaga pag graduating, hay." Kumapit nalang ako sa braso niya and walk towards the car.
"Ingat kayo ah." Yan si Ravin, kahit jologs minsan, super duper kung maka-care saming dalawa, kalamo araw araw may nakabuntot saming white na van tas makikidnap kami. -____-
"Yes, idol." Sabi ni Erika saka ngumiti.
"Ingatan mo si Erika ah, Jace? Kundi.." Talagang over protective din 'tong isa na 'to. Pero okay na yun, at least he's showing on how to worry for his girlfriend. Maganda narin yon.
"Kundi ano?" I cut him off and narrowed my eyes. Takot mo, boi. Haha.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Baka gusto mong mag kwento ako?" Erika just looked at me with confuse expression on her face.
"Wala yun, family matters." Sabi ko nalang tsaka ako inirapan ni kuya. Loko mo.
___________________________________________________
After ako i-drop ni Erika sa condo ni kuya, nagkwentuhan lang kami kagaya ng dati. Then after 2 hours sinundo na ni kuya si Erika and dropped her home. Kahit nga loko loko kuya ko, may side parin naman na sweet siya and over protective, minsan nga OA na masyado.
May part parin sakin na natatakot, na maybe isang araw Kyle's body will flash infront of me and paaasahin ulit ako, na guguluhin nanaman yung buhay ko. Pinilit ko naman na kalimutan lahat kaso the bruises in my heart are still there. Di naman ganun kadali lahat eh.
Napamulat ako when I heard my phone beeped. Grabe naman tong nagtext, alasdose na ng hating gabi magtetext pa.
"Good night. Take care, okay? :*"
Damn. Sinave ko na yung caller ko kanina ah, and it was KYLE. Oo, si KYLE nga. Ano nanaman ba problema neto ha? Maiiyak nanaman ata tuloy ako. Kainis, I have exams tomorrow, patulugin naman sana niya ako no? Kinilig pa nga ata ako. Ay wow naman dun.
"Wrong number nga! Kulit mo ah." Yan yung reply ko. And wow, mabilis pa sa alas kuwatro ang reply.
"Wag ka ngang magsinungaling. I called Ravin just to confirm na ikaw nga yun kaya please lang.." Siya pa may ganang mag please ah.
And speaking of hudas, yung magaling ko pa talagang kuya yung nag verify ah. Parang last 2 years ago halos patayin niya na si Kyle tas ngayon siya pa tumulong? Leche.
"Good night ulit. :* Sweetdreams." AHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!! Wtf is this all about? Hindi ganun kadali lahat ah. So feeling niya sobrang gwapo niya at hahabulhabulin ko pa siya? I'm not that kind of girl he left unsealed before. Ibang iba nako ngayon, if he thinks he can play his games with me again, then fine I can play along. Pero sa oras na siya na talaga ang nag-seryoso, sorry, I don't have space for losers in my life.
_________________________________________________
Second update. Ingat lahat. - J
BINABASA MO ANG
Elf Series: For You I Will
Teen FictionLove is not a simple feeling a man can hold. Para sa isang bitter sa love na si Jasey, akala niya madali lang makalimot ng isang taong naging parte na ng buhay mo. Si Kyle Fontessa, the guy that stole Jasey's innocence in the world of single ladies...